NIKOLAI’s POV Ang araw na ito ay dapat normal lang pero hindi, sunod-sunod na meeting, papeles na kailangang pirmahan, at tawag na halos hindi matapos. Nasa gitna ako ng pagbabasa ng financial reports nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Hindi kumatok ang sekretarya, kaya napasimangot agad ako. Pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang pumasok. Nanlaki ang aking mga mata. “Akeezsha…” mahinang bulong ko, halos hindi ako makapaniwala. She is alive and well. f**k! Nakatayo siya sa harap ko, buhay, buo, at mas mapanganib kaysa dati. Sa suot niyang itim na dress at matalim na titig, para siyang multong bumalik para guluhin ang mundo ko. “Well, well,” sarkastiko kong tugon, pilit ko itinatago ang aking pagkabigla at umaktong parang kaswal lang at hindi apektado na buhay siya

