AGENT MHARIMAR’s POV Pauwi na dapat kaming lahat. Ang DayNight task force ay nag-check in sa Heathrow International Airport, halos sabay-sabay pa kaming nagtulakan papasok ng gate habang nagtatawanan. Masaya with 0 casualties. Sa Pilipinas, hihilingin ko kay General Maximus na kasama ako sa interrogation kay Dr Hanstein. Gusto ko talagang alamin kung siya ang doktor na pwedeng magligtas sa kapatid ko. Bigla akong hinila ni Nikolai at tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Kaya napatingala ako. Nakaawang ng bahagya ang bibig ko. Kabado ako dahil gusto akong makausap ni Nikolai. Hindi ko alam kung para saan. Akala ko nakalimutan niya. “Gusto mo bang mag-tourist mode with a dangerous man, sa buong London?” Nakangiti niyang tanong. Amoy na amoy ko ang mabango at mainit niyang hinin

