“Cinderella, my God!” bulalas ni aunt Portia nang makitang nakahandusay siya sa sahig, duguan at nanghihina. Nanlilisik ang mga matang inilipat nito ang tingin sa nagulat na si Blesilda. “Walanghiya ka, Blesilda. Talaga palang hindi pa natatapos ang kasamaan mo.” Pagkasabi ay sinugod nito si Blesilda at magkabilang sampal ang agad na pinadapo sa mga pisngi ng babae. Agad namang pumagitna si Darryll nang akmang susugod sina Grace at Charity upang tulungan ang ina. “Sige, subukan ninyo. Papatulan ko kayo kahit mga babae kayo,” banta nito habang nakaumang ang mga kamao. Tinulungan naman siya ni Dave na makatayo. Awang-awa ito sa kanya. Masuyo nitong pinahid ng panyo ang magkakahalong luha, sipon at dugo sa mukha niya. “I should have come with you here. Hindi mo sana sinapit ito.” “Ayos l

