Mabilis na binawi ni Ella ang tingin at ibinaling sa sandwich na kinakain. Tumungo siya upang hindi siya makita ni Jerod at ni Grace na ngayon ay dumadaan na sa likuran niya. Dumiretso ang mga ito sa counter upang umorder ng pagkain. Ilang minuto lang at muling dumaan sa likuran niya ang dalawa dala ang biniling pagkain. Desidido talaga siya na hindi magpakita sa dalawa kung kaya lalo siyang tumungo at pinigil ang sarili na magsalita. Mabuti na lang at bigla ring tumahimik si Denzell. Nang bigla siyang napaigtad nang biglang may malamig na likido na bumuhos sa kanyang ulo at katawan. Napatayo siya sa gulat. Paglingon niya ay kitang-kita niyang hawak pa ni Grace ang wala nang lamang baso. “Oh, sorry. Hindi ko sinasadya,” sabi ni Grace na nangingiti pa. Agad na kumulo ang dugo niya da

