CHAPTER 16

2271 Words

Alas-kuwatro ng hapon. Magkahalong takot at kaba ang bumabalot kay Ella habang papasok sila sa loob ng audio visual room. Madilim at malamig sa loob ngunit pinagpapawisan siya. Minabuti ng grupo niya na maupo sa hanay ng mga silya sa likuran. Isang magandang tinig ng lalaki ang umaawit sa saliw ng tugtog ng gitara. Saglit niyang nakalimutan ang takot at pag-aalinlangan habang nakikinig sa napakagandang awit at tinig na iyon. Maya-maya ay biglang bumukas ang mga ilaw. Noon lang nila nalaman na marami na palang tao sa loob, karamihan ay mga babae. Sa bandang unahan malapit sa stage ay naroon din ang mga kabarkada ni Jerod. At si Jerod? Napanganga siya nang makitang si Jerod pala ang nagmamay-ari ng magandang tinig na iyon. Nakaupo ito habang naggigitara. Napa-oh ang kanyang mga kaibiga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD