CHAPTER 15

1723 Words

“At nakuha mo pa palang isuot ang glass slippers ko nang walang paalam? Ang kapal din talaga ng mukha mong sampid ka!” Dumadagundong ang boses ni Grace. Ngunit mas malakas ang pagtambol ng sariling dibdib ni Ella. Lahat na yata ng kamalasan sa ibabaw ng lupa ay sinalo na niya. Nahuli na nga siyang nag-attend ng party kahit pinagbawalan, heto at nabuking pa na gumamit ng pag-aari ng iba. “I…I’m sorry, Grace. Alam ko kasi na hindi mo ako pahihiramin kung magpapaalam ako sa iyo,” nagkakandabulol na paliwanag niya kahit alam niyang balewala ang lahat nang sasabihin niya. Mabilis na hinatak ni Grace ang kaniyang braso papasok sa loob ng bahay sabay tulak sa kaniya sa dingding. Hindi siya nakakibo sa bilis ng mga pangyayari. “Desperada ka na, ano? Desperadang ma-hook si Jerod Villamore?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD