Malakas na palakpakan ang isinukli ng mga tao pagkatapos ng talumpati ni Ella. Ngayong araw ay nagtapos siya bilang summa c*m laude. Pagkatapos ng graduation ceremony ay agad niyang nilapitan si aunt Portia at ang pamilya nito sa kinauupuan. Niyakap at hinalikan niya ang butihing babae. Niyakap din niya ang asawa nitong si Eduardo, maging ang magkapatid na Darryl at Jane. Hindi niya napigilan ang mapaluha. Damang-dama niya ang pagmamahal sa kaniya ng pamilyang ito. “Salamat sa lahat ng tulong mo, aunt Portia. Alam kong hindi ko maaabot kung ano man ang meron ako ngayon kung hindi dahil sa iyo. Habambuhay kong tatanawing utang na loob ang ginawa mong pagtatanggol at pagkupkop sa akin,” maluha-luha niyang wika. Ngumiti lang si aunt Portia. Paano’y maging ito ay naiiyak na rin. “Why

