Nakahanda na lahat ng mga gamit ni Ella sa dalawang maleta nang pumasok si aunt Portia sa kanyang silid kasama si Jane. Nakabakas sa mukha ng mag-ina ang kalungkutan dahil sa napipinto na niyang pag-alis. Ilang linggo makaraang ihatid nila si Nick pabalik sa bansang pinagtatrabahuhan ay nakatanggap siya ng tawag mula sa uncle Roger niya. Ibinalita nito na dina-dialysis ang kanyang tiya Mina dahil sa sakit nito sa kidney. Alam niyang kailangan siya ng tiyahin na naging mabuti rin naman sa kanya kung kaya ipinasya niyang magpaalam na sa pamilyang kumupkop sa kanya. Tamang-tama naman na nakuha na niya ang kanyang transcript of records at diploma sa Summerville. “I will miss you, ate Ella,” malungkot na wika ni Jane. Matipid siyang ngumiti pagkatapos ay niyakap nang mahigpit ang dalagita. “

