CHAPTER 25 (Final Chapter)

1664 Words

Nagmulat ng mga mata si Ella. Naidlip pala siya at hindi niya namalayang nasa highway na pala ng La Union ang bus na sinasakyan niya. Hinawi niya ang makapal na kurtinang tumatabing sa bintana. Pagtingin niya sa labas ng bintana ay may nakita siyang halos magpalundag ng puso niya. “J-jerod?” bulalas niya nang makita ang driver ng isang kotseng pamilyar sa kanya. Kasabay ng bus ang kotse pero nasa kabilang lane ito. Ganoon pa man ay malinaw na nakikita niya ang nasa driver’s seat nito. Hindi niya napigilan ang sarili na sumigaw. Tinawag niya nang kung ilang ulit ang pangalan ng binata kahit alam niyang malabo siyang marinig nito. Eksaktong napatingin sa gawi niya ang binata. Agad na umaliwalas ang mukha nito. Ngumiti at kumaway ito sa kanya. Naglulundag siya sa tuwa habang sumisigaw.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD