“Ella, did you cry?” Nanunuri ang mga tingin ni aunt Portia sa kanya. Duty niya uli ngayon sa library. Naatasan siya na lagyan ng plastic cover ang mga bagong biling libro. Kung bakit kasi personal na dinala ni aunt Portia sa kanya ang mga libro kung kaya napansin nito ang pamumugto ng kanyang mga mata. Tumungo lang siya. Wala siyang plano na ikuwento sa tiyahin ang mga pang-aaping dinaranas niya sa bahay ni Blesilda. Pero si aunt Portia iyong tipo na hindi titigil sa pagtatanong hangga’t hindi nakukuha ang gustong malaman. “Huwag kang magkakaila, Ella. Minamaltrato ka ba ni Blesilda at ng mga anak niya?” Nagsimula siyang humikbi. Kung bakit kasi kapag nauungkat ang pagmamalupit sa kanya ng mag-iina ay hindi niya mapigilang hindi mapaiyak kahit ilang beses niyang sinabi noon sa sarili

