Makalailang ulit na kumurap si Ella. Nasa harapan niya kasi ngayon si Dr. Pete Villamore, ang may-ari at presidente ng Summerville University at hindi niya maiwasang humanga sa lalaki. Nasa late 40’s na ito pero bakas pa rin ang kakisigang taglay. In fact, mas bata pa nga itong tingnan kaysa sa tunay na edad nito. Idagdag pa ang karisma ng lalaki hindi lang sa anyo ngunit lalo na sa propesyonal nitong pagsasalita. Nasa loob siya ngayon nang maluwang na opisina ni Dr. Villamore kasama ang iba pang scholars ng foundation nito. Ipinatawag ng presidente ang lahat ng scholars ng Summervile Scholarship Foundation upang personal silang makilala lahat. Dalawampu silang freshmen na nakapasa sa napakaraming requirements ng unibersidad upang maging scholars at siya lang ang bukod-tanging babae sa

