Nasa loob ng kanyang painting room si Jerod. May bago siyang naisip na masterpiece at gusto niyang matapos agad ito sa lalong madaling panahon. Kung kaya tutok na tutok siya sa paghagod ng kanyang pinsel sa canvass. Parang kabisadong-kabisado niya ang lahat ng detalye na gusto niyang bigyang buhay sa sining niya, ang pagpipinta. Kung hindi lang siya pinilit ng papa niya na kumuha ng medicine, siguradong sa College of Fine Arts ang bagsak niya. Kung kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Pete Villamore sa silid. Guwapo, matangkad at maganda ang pangangatawan nito dahil alaga sa gym. Mas mukhang bata ito kaysa sa tunay na edad. Bagama’t guwapo rin siya ay tila wala isa man sa physical features ng kaniyang ama ang namana niya. Hindi rin naman niya kamukha ang kanyang inang si Mary Vil

