Humihikbi pa habang ikinukuwento ni Ella kay Rizzan, Jera at Teri ang mga pangyayari. Narito ngayon silang magkakaibigan sa loob ng isang fast food chain pagkatapos nilang sumimba. Awang-awa sa kanya ang mga ito. “Grabe naman sila, ano? Pati pera mo, kinuha nila,” nanggagalaiting simula ni Rizzan. Napatigil tuloy ang pagsubo nito ng french fries. “Paano iyan? Eh, di wala kang maisusuot na sapatos sa party?” si Teri naman ang nagsalita. “Wala naman kaming maipapahiram sa iyo kasi ang liliit ng mga paa namin. Kita mo naman, cute kaming lahat. Ikaw nga lang ang biniyayaan ng magandang height sa ating barkada. Alam mo bang masuwerte ka? Kasi sa batang edad, five feet and five inches na agad ang height mo samantalang kami ay forever na yatang five flat. At hindi lang iyon, beauty and brain

