Landon Eli's POV Pagkatapos kumanta ni Timmy bigla na lang siyang tumayo at tumakbo papuntang itaas matapos niyang kumanta. "Puntahan ko muna yung mommy niyo." Paalam ko sakanila. "Okay dad, wag po kayong magtatagal."Sabi ni Hannah at tumingin kay Jacob pero parang wala lang itong sasabihin tungkol sa mama niya. "Pagkatapos niyo pong kausapin si mommy dumeretso na lang po kayo sa kwarto ko, mag-uusap po tayo." Seryosong sabi ni Jacob. "S-sige." Sagot ko saka na ako pumunta sa itaas. Dumeretso na ako sa tapat ng pintuan pero may naririnig akong umiiyak kaya binuksan ko na kaagad yung pintuan. Mukha naman siyang nagulat kaya nilapitan ko siya. "Hindi ka man lang ba marunong kumatok?!" Bungad niya kaagad saakin pagkapasok ko. "No need, why are you crying?" Nag-aalalang tanong ko sakany

