Timmy Aria's POV Mukhang natagalan ang pag-uusap ng mag-ama ko. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako sa kakahintay sakanila. Pabangon na sana ako sa pagkakahiga ng bigla naman bumukas ang pinto at nakita ko na may ngiti sa mga labi ni eli. "Okay na kami." Masayang sabi niya. Napangiti naman ako sa balitang sinabi niya. "Congrats love." Sabi ko. "Hindi mo lang alam wife kung gaano ko namiss yang pagtawag mo na love sa akin." Nakangiting pahayag nito. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa labi. "Thankyou my wife." "Deserve mo yun ano kaba. Ang mahalaga maayos na kayo ni jacob." Nakangiting sabi ko. "But still thankyou." Masayang sabi niya kaya napangiti ako. "Tara baba na tayo. Panigurado bumaba narin si jacob. Kanina pa naghihintay si hannah sa ibaba." Anyaya ko sakanya

