LANDON ELI's POV
Kung sinuswerte ka nga naman oo! Ang magiging secretary ko pansamantala ay si Timmy ang asawa ko. Hindi ko alam pero mukhang nagulat ito ng Makita niya ako.
Gusto ko siyang lapitan, yakapin, at halikan. God knows how much I damn missed my wife.
Hindi na pala ako mahihirapan sa paghahanap sakanya, dahil siya na mismo ang nagpakita sakin ng harapan.
"P-paanong nangyari to?" Nauutal na tanong niya.
"I'm your new boss for a while." Simpleng sagot ko sakanya. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit hindi niya alam kung gaano ko siya namiss.
TIMMY ARIA's POV
Bakit kaya ngayong nasa harapan ko na siya saka ko lang nararamdaman yung kaba ko, akala ko ba nakamove-on na ako sakanya? Bakit parang may epekto parin siya sa Sistema ko? Arrrrrgggghhhhh! Inaamin ko ngayong kaharap ko siya may epekto parin siya sakin at mukhang hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
Bigla ko tuloy naalala yung kambal, p-paano na nyan? Paano kung malaman niya? Kukunin niya ba sakin yung mga anak ko?
Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa pagkakayapak niya kaya siya na yung kumalas sa pagkakayakap sakin.
"Ikaw ang magiging secretary ko pansamantala diba?" Tanong nito.
"Yes sir." Maikling sagot ko sakanya, mabuti na lang hindi ako nautal sa pagsagot. Kundi baka maramdaman niya na kinakabahan ako.
"Maiwan ko muna kayo sandali." Singit ni Sir Jackson.
Lumabas naman ito kaagad kaya naiwan kami dito.
"Are you capable of doing this kind of work Timmy? I remember you graduated as a high school teacher."Bigla naman akong napabusangot dahil sa sinabi niya
Ano naman? Hindi ko na gustong magturo dahil napamahal na sakin ang trabahong ito. Hindi ako nagsisisi.
"Sir, kung ganyan din naman yung itatanong niyo pwede na po ba akong lumabas? Atsaka wala na rin naman sayo kung anong trabaho ko ngayon. Excuse me sir kailangan ko na pong lumabas."
Padabog akong lumabas ng opisina niya.
Aria, konting tiis lang dahil one month lang siya ditto. Kaya ko to.
Lumipas ang ilang oras, 5:00 pm na it means tapos na ang trabaho ko. Alam mo yung feeling na lagi kang inuutusan? Nangaasar ba siya? Oras oras niya akong pinapagod sa mga pinapagawa niya. Arrrgghhh!! Kainis!