CHAPTER 8

912 Words
Timmy Aria's POV Naglakad ako papuntang parking lot, dumeretso kaagad ako kung saan nakaparada yung sasakyan ko pero hindi ko pa nabubuksan yung pintuan ng kotse ko ng may biglang humawak sa braso ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin yung humawak ng braso ko dahil kilala ko na siya, kahit sa amoy pa lang ng pabango niya alam ko na. Kahit pala pabango niya hindi pa niya binabago hanggang ngayon. "Bakit po sir? May kailangan po ba kayo?" Tanong ko sakanya, pero hindi parin ako nakaharap sakanya. "Nothing, nakalimutan ko na yung dapat na sasabihin ko sayo." Sagot nito. Painosente pa, gawalang hokage pa! "Okay sige, mauna na po ako." Paalam ko sakanya. Habang nasa byahe ako, feeling ko may sumusunod na sasakyan sakin habang pauwi ako ng bahay. "Mommy." Nakangiting sabi ni Hannah. Tumakbo siya papunta sakin saka niya ako niyakap, kaya niyakap ko siya pabalik. Ang sweet talaga ng anak ko, si Jacob sweet rin naman pero hindi niya lang pinapahalata sa lahat dahil siguro sa nahihiya siya. "Baby, nasaan yung kuya mo?" Tanong ko sakanya dahil hindi ko pa siya nakikita. "Nasa living room po nagbabasa nanaman ng book." Nakabusangot na sagot niya. Isa rin yata to sa namana ni Jacob sa daddy niya. Palaging libro ang hawak. "Ee si Tito Denzel mo dumating na ba?" "Opo, nasa kusina nagluluto." Sagot nito. "Osige tara na puntahan natin yung kuya mo." Nakangiting sabi ko, hinawakan ko naman yung maliit niyang kamay sabay pumasok sa loob. Gaya nga nang sabi ni hannah nagbabasa nanaman daw ng libro si jacob. Madami silang pagkakapareho ni eli. Si hannah kasi may namana naman siya sa ugali ko. "Jacob." Tawag ko sakanya. Nakuha ko naman yung atensyon niya, lumapit siya sakin saka humalik sa pisngi ko. "Mom." Bati niya. "Namiss mo ba si mommy?" Malambing na tanong ko sakanya. "Opo." Nakangiting sagot nito. "Tara na kakain na, puntahin na natin si tito denzel niyo sa kusina." Anyaya ko sakanila. Sumunod naman silang dalawa sakin. Mukhang gutom narin naman sila kagaya ko. Pagpunta namin sa kusina nakita namin si denzel na naghahanda ng plato sa mesa kaya tinulungan ko na siya, pagkatapos nag-umpisa na kaming kumain ng sabay-sabay. "Kumusta yung trabaho?" Biglang tanong ni denzel matapos naming kumain. Yung mga bata naman umakyat nang kwarto dahil gagawa pa daw sila ng assignment at pinaalala ko sakanila na hindi sila pwedeng magpuyat at nangako naman sila. "Okay naman. Nakakabigla nga lang." Sagot ko. "Bakit naman?" "Dahil yung bagong papalit sa boss ko ng pansamantala ay ang dating asawa ko." "Ano?!?!" "Oo. Nabigla din naman ako dahil wala naman sinasabi si Sir Jackson na kilala niya pala si Eli." Paliwanag ko. "Baka naman hindi din alam ng boss mo na asawa ka ni Eli." "Siguro nga, pero hindi ba masyadong mabilis yung pangyayari? Hindi pa nga ako ready na Makita siya kahit 7 years na yung lumipas." "Hindi naman siguro, pero siguro eto na yung panahon na sabihin mo sakanya na may mga anak kayo lalo na sa mga bata." Paliwanag nito. "Hindi ko pa kaya." Nakayukong sagot ko sakanya. "Pero kailangan mong gawin to." "Oo sige, pero bigyan mo pa ako ng maikling panahon para sabihin sakanya at sa mga bata ang totoo." "Okay sige. Kailangan ko ng matulog." "Sige good night." Nakangiting pagpapaalam ko. ----- Dalawang linggo narin simula nang magkita ulit yung landas naman ni eli. Hindi ko alam pero iba na siya kung makitungo sakin, pero hinahayaan ko nalang dahil baka ano pang isipin niya. "Pakigawa ako ng kape." Utos nito. Sa loob ng dalawang linggo, madalang ko lang naririnig yung pangalan ko sakanya. Ano naman ngayon kung hindi na niya ako tawagin sa pangalan ko? Porket nasanay na ako, ganun ba? Tsk. "Okay sir. 5 minutes." Sabi ko. Matapos ko siyang gawa ng Americano Coffee ibinigay ko na kaagad sakanya, baka magreklamo pa siya. Wala na akong ginagawa ngayon dahil tapos na yung mga ginagawa ko kani-kanina lang. May tinitignan ako sa monitor nang biglang tumunog yung phone ko. *Denzel's Calling* (Aria, may sasabihin daw si hannah.) "Sige, pakibigay naman sakanya zel." (Hello mommy.) "Hello hannah, may sasabihin ka daw?" Tanong ko (Yes mommy, hmmm, pwede po ba kayong bumili ng mcdo mamaya.) Napatawa naman ako, dahil akala ko kung ano yung mahalagang sasabihin niya yun pala magpapabili lang siya ng mcdo. "Sure, baby. Wait mo nalang pagkauwi ni mommy okay." Nakangiting sabi ko. (Yehey. Okay mommy. Take care.) Binaba ko na kaagad, pwede narin naman umuwi dahil tapos na yung trabaho ko. Tumayo na ako saka kinuha yung mga gamit ko saka lumabas ng company. Lalakarin ko nalang siguro papunta ng mcdo dahil malapit lang naman yun dito. Pagkarating ko nang mcdo, bumili kaagad ako nang favorite ng kambal, saka umuwi ng bahay. Dahil ayokong magtagal namimiss ko na sila. Pagkarating ko ng bahay nadatnan ko si Hannah na nakadapa habang nanonood ng Disney Cartoons. Pasimpleng nilagay ko sa harapan niya at naagaw naman kaagad yung pansin niya dun sa pagkain kaya tumayo ito at niyakap ako. "Thank you mommy." Lumapit ako kay jacob na nakaupo saka nagbabasa ng libro. Hilig talaga siguro ni Jacob ang magbasa. Halos yung nasa kwarto niya puro libro lahat. Collection daw ang tawag dun sabi niya. "Jacob, bukas na yan. Baka sumakit yung mga mata mo. Lapitan mo yung kapatid mo binili narin kita ng mcdo." Sabi ko sakanya. Sumunod naman si jacob sa sinabi ko. "Thankyou mom." Nakangiting sabi niya saka niya ako niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD