CHAPTER 9

662 Words
TIMMY ARIA'S POV Nasa trabaho ako ngayon, another hell day for me. Wag naman sana niya akong pahirapan dahil sa totoo lang wala ako sa mood para utusan, dahil stress na ako ilang araw na. Wag na siyang dumagdag baka maupakan ko siya. Kasalukuyan akong nagaasikaso ng magiging schedule ni eli ng biglang tumunog yung phone ko. "Hello?" (Hello Aria?) Si Denzel yung tumawag. Boses pa lang malalaman na kahit hindi na tignan yung nasa screen. "Ano nanaman ba yung kailangan mo?" Naiinis na tanong ko. Alam ko na yung style niya ee. Tatawag tapos walang dahilan parang nang-aasar lang siya, sa tagal ba naman na magkaibigan kami kilalang kilala ko na siya. Kalokohan lahat ang alam. (Wala naman. Masama bang tumawag?) Nang-aasar na tanong nito. "Pwede ba denzel, wag mo akong bibiruin ng ganyan." (Nakakatampo ka naman alam mo ba yun? Wala naman masama kung tumawag ako.) Nagtatampo na sabi niya. "Sorry, stress lang talaga ako." Paumanhin na sabi ko. (Bakit hindi ka kumuha ng rest day) Suggest nito. "Kung pwede lang bakit hindi, kaso wala pa talaga yung totoong secretary ng boss ko may sakit daw" (Edi pag pumasok na yung secretary niya saka ka humingi ng rest day) "Oo sige, mamaya na lang." Sabi ko. (Okay sige, take care) Pagkababa ko palang ng tawag pero pakiramdam ko may nakatingin na masama sakin, sobrang sama. Kumbaga masama pa sa masama. Pag-angat ko ng tingin nakita ko si Eli na nakatingin ng masama sakin. Kaya naman pala. Problema ng lalaking to? "Chatting inside your boss' company during office hours Ms. Romero or you want me to call you Mrs. Walton" May diin na sabi nito sa bandang huli. "Sorry sir." Paghingi ko ng paumanhin. Bigla naman akong napayuko. Nakakainis naman akala ko magiging malakas na ako tuwing kaharap siya pero mukhang nagkamali yata ako. Narinig ko naman siyang nag'tsk' "Saka may karapatan naman po akong makipagusap sa importanteng tao na tumatawag sakin, kung tapos na po yung pinapagawa na task. You can do whatever you want on your free time." Pahayag ko. "Sa tingin mo ba tapos kana sa ginagawa mo? Mukhang hindi ka pa tapos sa paggawa ng schedule ko." Mapang-asar sa sabi nito. Bigla naman akong napahiya dahil sa sinabi niya, dapat pala kanina ko pa tinapos. Napabusangot naman ako sa inasal niya. "Tsk, and you are flirting infront of your boss." Sabi niya. "Wala naman siya nung may kausap ako aa." Pabulong na sabi ko. "What? May sinasabi ka ba?" "Wala po. Ang sabi ko lang po it's none of your business Sir." Madiin pero may halong biro na sabi ko. Hindi siya nakasagot at iniba na lang ang tanong. Mukhang barado. Simula palang naman kasi noon ako palagi ang panalo. "May meeting ba ako?" Pag-iiba nito. "We have dinner meeting with Mr. Lim. 6:15 PM, if you'll excuse me sir. Pupunta lang po ako sa lobby." Ewan ko ba kung bakit ganyan yan, kahit mahal ko siya. Bago ako makalabas ng office niya, may kamay na humawak sa braso ko. "May problema po ba?" Tanong ko. "I'm sorry for what I said, and please be make sure you doing your job." Sabi niya "Yes sir, sorry din sa mga sinabi ko." Binitawan narin niya ako, sabay talikod at lumabas ng office niya. The last time i check nung kami pa yung palaging magkasama nung panahon na mahal niya pa ako, nagbago noon yung pakikitungo niya sakin, pero bumalik nanaman ngayon. Kahit mahal ko siya ayokong umasa sa mga pinapakita niya ngayon. Bumalik nanaman yung dating ugali niya. Saan na yung dating Eli na kilala ko? Mukhang nagbago na talaga siya kahit may kabaitan siya na ipinapakita, saka wala na kaming dalawa matagal na. Tama na yung ginawa ko noon, na pakawalan siya. Kailangan ko na sigurong magmove-on dahil alam ko kahit anong gawin ko hindi na siya muling babalik sa buhay ko. Dahil baka asawa na nga niya yung babae ee. Ano pang magagawa ko? Auurrrghhh nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD