Chapter 15
Be My Girlfriend
Kristine's POV
"Hart." mahinang bigkas ko sa pangalan niya. He's leaning back on the railings with crossed arms. Saka na lamang siya kumilos nang magtama yung mga tingin namin. Napailing siya. Ilang hakbang ang ginawa niya papunta sa akin, saglit pa'y tinulungan niya kong tumayo saka niya ko hinila papunta sa likuran niya.
Muli na namang naghuramentado ang puso ko. Halos kumawala iyon sa dibdib ko, kahit na ramdam ko pa rin yung sakit na dulot nang pagkasadlak ko sa lupa.
"H-Hart, bakit mo siya hinawakan? H-hindi ka ba nandidiri?" Bakas sa boses niya ang pagkabigla rin sa ginawa ni Hart.
"Wala naman sigurong masama kung hahawakan ko ang girlfriend ko, Chloe." nagkandaluwa-luwa siguro yung mata ko sa panlalaki noon. Girlfriend? Kailan pa? Sinong girlfriend? Ako ba?
"Girlfriend? Since when did you do a relationship? I wasn't informed!" I can hear the frustration from her voice. Nangingilid din ang luha niyang lalapitan sana si Hart pero humakbang paatras si Hart kaya naman napaatras din ako.
"I guess you don't need to know? Sino ka ba para i-update ko sa nangyayari tungkol sa buhay ko?"
"Hart pleas--"
"I would suggest you stop this violence because if you don't? Ako ang kakausap sa Daddy mo and I will snitch out all your wrongdoings around the school." napalitan naman ng pagkainis ang mukha ni Chloe, taas kilay siyang nagsalita ulit.
"I bet you wouldn't." Isang hakbang saka nagsalita ulit si Hart.
"I can tear you to pieces, Chloe. Even to you Dad kaya kitang sirain and you know that very well." Chloe turned into stone, ilang saglit pa'y tinawag na niya ang mga alipores niya saka na nila kami nilagpasan. Someone bumped to my shoulders pero wala iyon kumpara sa sakit ng balakang ko ngayon.
"Kailan ka ba matututong lumaban?" humarap siya sa akin. The remaining light of the day went through his hazel brown eyes, emphasizing the details inside them. It was pure, magical. As if I was looking inside a world that no one would know but me. My heart skipped a beat hanggang sa bumaik ako sa reyalidad. Isang pagtikhim ang ginawa ko saka ko pinulot yung mga librong dala ko kanina.
"P-pasensiya na. Si-sige uuwi na ko." Sabi ko pa. I don't know, I'm still scared. Scared na sigawan na naman niya ko at palayuin sa kanya. I wouldn't dare piss him off because of my presence kasi ayoko na. Masyado na kong nato-trauma. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya ulit. Dire-diretso akong naglakad paalis.
"Ganon na lang iyon? No thank you, no ugly gift from you?" napapikit ako ng mariin nang sabayan niya ko sa paglalakad.
"T-thank you." mahinang sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.
"Sandali nga." tumigil siya sa harap ko agad naman ako nag-preno sa paglalakad, nakayuko at hindi makatitig sa kanya but I think that's a really wrong move because he crouched to level his eyes on me. I bit my lower lip dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa rin ako makapagsalita lalo ngayong nakatitig lang siya sa akin.
"Ano titigan na lang tayo?" I sealed my mouth. Hindi ko pa rin alam yung gagawin ko. My heart's going crazy at buong mukha ko'y panay ang pintig. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko kaya mas mabuti pang tumakas na lang ako. Marahan akong umalis sa harap niya saka ako muling naglakad ng mabilis.
"Duwag." napahinto ako. Anong sabi niya?
"Duwag ka, Kristine." muli niya kong sinundan this time sinabayan niya ako sa paglalakad. Kahit anong hakbang yata ang gawin ko'y sadyang mas malalaki ang hakbang niya.
"Bakit ka umiiwas? Wala ka ba talagang balak kausapin ako? Hindi mo talaga ako papansinin?" sunud-sunod pang tanong niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Hanggang sa maramdaman kong bumangga na lang ako sa kanya. His pecs were so solid that it made my head bounced back a bit. He chuckled saka niya ko inilayo sa kanya. Inilibot ko yung paningin ko nasa gitna kami ng field. It's emptier now and thee's only a few people na nags-stay na lang para tumambay at magkwentuhan. We are far from them kaya malayong mapag-chismisan kami kinabuksan dahil lang sa nakita nila kaming magkasama.
"Gusto mo bang iwan na kita? It'll be dark soon." Sabi niya and for the second time, nakita kong ngumiti siya sa akin. Oh my god! I don't even know if I can handle his smile, not even his entirety. It's just giving my soul away. I feel like melting at aatakihin na ko sa puso ng dahil sa kanya.
Umiling na lang ako saka bumuntong hininga.
"No." a quick response pero parang ikamamatay ko na iyon. Natapik ko naman yung noo ko ng marealize ko kung anong sinabi ko. Isa pang mahinang tawa yung pinakawalan niya. He grabbed my hand, yes! He grabbed my hand saka niya ko niyakag papunta sa tapat ng gate sa likod ng school kung saan ako madalas tumambay mag-isa. Where I thought last time there was a ghost watching me.
"Let's stay here for a bit. Ayoko pang umuwi." umupo siya sa may damuhan sa ilalim ng nagi-isang puno rito. This will always be my favorite spot. Tahimik, wala gaanong pumupunta. Kasi nga masyadong isolated ito but this spot always gives me the peace that I want after getting humiliated and hurt by the people around me. Umupo naman ako ng medyo malayo sa kanya.
Hindi upong komportable. Hindi pa rin ako komportableng kasama ko siya. I don't know, I mean he was a monster to me tapos biglang magiging Mr. Nice Guy siya which is very odd for me. ayaw niya sa akin, he was even disgusted mahawakan lang yung kamay niya. Sinongmagiging komportable sa ganon hindi ba?
"You're probably thinking why I'm suddenly nice to you." tumingin ako sa kanya, nakasandal na siya ngayon sa puno habang nakaunan ang mga braso niya sa kanya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"I probably got too tired. I don't know, you're too tough for me." Iyon lang? Hindi ko nga pansin na masyado akong matatag kasi lagi naman niya kong napapaiyak. Kung saan-saan na naman tumakbo yung isip ko. Paano kung magsawa na siyang asarin ako, sawa na siyang makipag-away sa akin? Hindi, hindi niya ko pwedeng pagsawaan! Iyon na nga lang yung way na nagkakausap kami tatanggalin niya pa. I know it sounds so stupid pero kahit gaano pa man kanipis na sinulid yan, panghahawakan ko if that string can make me hold onto him a bit more.
Tunog desperada. Pero iyon lang naman masaya na ko.
"Hindi pwede." Sabi ko pa ng wala sa loob ko. Kasunod noon ay ang pagbunghalit niya ng tawa. That was a really hearty laugh.
"Bakit hindi pwede?" sabi pa niya habang may kaunti pa ring tawa na lumalabas mula sa kanya.
Hindi mo na ko mapapansin.
I want to voice that out pero natakot lang ako.
"W-wala. S-salamat nga pala ulit sa pagtatanggol mo sa akin kina Chloe." pumalatak siya.
"I didn't do that to get just a thank you from you." tumingin akong mul sa kanya.
"What?" umayos pa siya ng upo and again his eyes leveled on mine.
"It's simple. Gusto kong magkarron ka ng utang na loob sa akin." nangunot naman ang noo ko.
"What do you mean?" tanong ka pa ulit.
"Kasi kung may utang na loob ka sa akin, it simply mean. Kapag may bagay akong hiniling sa iyo. Hindi mo pwedeng tanggihan." mas lalong kumunot ang noo ko. Ilang minuto niya kong tinitigan saka niya ikinulong ang mukha ko sa mga kamay niya saka niya inilapit pa ng bahagya yung mukha niya sa akin.
Smiling.
As if that smile will make me fall over and over again.
"Be my girlfriend."