Chapter 14

3204 Words
Chapter 14 Hart? Kristine's POV "You're my brother's first kiss." paulit-ulit iyong tumakbo sa utak ko, hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman. "Tigilan mo ko!" wala sa isip na tili ko. Bakit ba hindi maalis sa isipan ko iyon? Imposible! Impsible yung sinasabi niya. Ako? Yung first kiss? First kiss nung babaero na iyon? Pwede ba? Kung gusto niyang mag-joke huwag ngayon kasi hindi maganda yung timing. Walang-wala sa timing. Hindi niya pwedeng gawing biro sa akin kasi importante sa akin yung first kiss ko. OA na kung OA pero hindi talaga pwede. Bakit? Kasi mahirap tanggapin. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko yung pangyayaring iyon. Nakaalis na si Sophie at lahat iyon pa rin yung iniisip ko. Kahit na hanggang dito ba naman sa kwarto ko. Sinusundan pa rin ako ng pangyayaring iyon? Gusto ko lang naman ipahinga yung isip ko. Anong oras na ba? Maaga pa yung klase ko bukas! Ilang minuto pa yung nakalipas, ilang beses kong sinubukang magbilang ng tupa pero walang epekto. Napahawak ako sa bibig ko. Hindi ko na kaya, tama na please! Patulugin mo na ko! Pinilit kong ipikit yung mga mata ko. Ito ang tamang gawin, dapat magisip ako na bagay na makapaglilibang sa akin. Ilang oras ako sa ganong sitwasiyon. Hanggang sa makatulog ako. "Bff!" Ang aga-agang bungad ng pinakamatalik ko at pinakamagaling kong kaibigan. Nang makalapit siya sakin excited niyang inalog yung buong pagkatao ko. Medyo nahihilo pa nga ako dahil sa puyat na napala ko kagabi. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil panay ang biling ko kagabi. Siguro hindi naman masamang magsuot ng sunnies ngayong araw. Ayokong maging agaw atensiyon yung mga mata kong itiman at may malalaking eyebags. "Sophie! Ang aga-aga nahihilo ako." angal ko sa kanya agad naman siyang tumigil nang mapansin niya sigurong wala akong energy. Saka kami patuloy na naglakad papasok sa classroom. Medyo sanay na rin naman ako sa mga pakikitungo ng mga kaklase ko ngayon sa akin. Dati kasi ay halos araw-araw para akong hindi nage-exist. Wala silang pakialam, and worse pagtatawanan ako dahil sa itsura ko. Hindi katulad ngayon. kulang na lang hubaran nila ako. That sounds p*****t. I'm sorry, self. "Anong ganap natin at naka-sunnies ka? May black eye ka ba? Sinong bumugbog sa'yo?" Sunud-sunod na tanong sa akin bago pa man kami makaupo. Nagdadalawang isip ako kung magsasabi ako ng totoo kasi alam kong iintrigahin niya na naman ako. Sabihin ko man ng dahil sa kanilang magkapatid, hindi ko pa rin masabi. Alam ko kung paano siya mag-isip. Kaysa sumagot ako tinanggal ko na lang yung sunnies ko saka ako yumuko para kunwaring ayusin yung mga gamit mula sa bag ko. Hanggang sa maramdaman kong may umakbay sa akin. "Kuya!" Tawag sa kanya ni Sophie. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya tapos ganito pa yung gagawin niya sa akin ngayong umaga. Lord, ibalik mo na lang ako sa dating Kristine. Alam kong medyo ginusto ko ito pero minsan nakakainis rin. "Ano na naman ba?" sinikap kong tanggalin yung kung anumang nakabara sa lalamunan ko. Kasi ayokong sabihin niyang apektado ako ng presensiya niya. Sabay ko pang inalis yung kamay niya sa pagkakaakbay sa akin. "Ang sungit ng umaga natin. Gusto ko lang mag-sorry." Mariin akong napalunok, pansin ko namang nagbago yung ekspresiyon ng mukha niya. "S-sa nangyari kahapon--" Tinaas ko yung dalawang kamay ko tama lang para takpan ko yung buong mukha niya. "Okay na. Wag na nating pagusapan, okay?" Pigil ko sa sasabihin niya. Hindi ko na hinintay pang sumagot siya saka ako tumayo, kinuha yung mga librong hindi ko kailangan ngayong umaga at dumiretso sa labas. Huminto ako sa tapat ng locker habang pinapakalma ko yung sarili ko saka ko binuksan yung locker ko at nilagay yung mga librong dala ko. Desidido na akong bumalik sa classroom nang magpapansin yung tiyan kong kumulo ng malakas. Hindi pa ako naguumagahan kaya malamang gugutumin talaga ako. Sa canteen na lang ako didiretso and it should be a good idea kasi doon makapagi-isa muna ako. Kaso sa kinamalas-malasan ko ba naman ngayong umaga, makakasalubong ko pa yung taong hindi ko magawang iwasan. "G-good morning Hart." Nabubulol kong pagkakasabi. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y nanlulumo ako kasi nagawa ko na naman siyang ngitian at nagawa ko na namang magpakatanga. Pero nandito pa rin sa akin yung pag-asa. yung pag-asang isang araw mapapansin niya rin ako. Naghintay ako sa magiging rekasiyon niya pero nanatili lang siyang naktitig sa akin. Nanunuot iyon sa buong pagkatao ko and I swear everytime he looks at me, there will always be a hint of disgust. "Tabi, nakaharang ka sa daraanan ko. Sinira mo na naman buong araw ko." malamig na pagkakasabi niya sa akin. Kahit anong isip ko, o kahit pagbali-baliktarin ko pa yung utak ko. Hindi ko talaga maisip kung anong dahilan niya at bakit ganito niya ko pakitunguhan. Wala naman akong nagawang masama sa kanya. Bakit ba ayaw na ayaw niya sa akin? Imbis na pumatol ay yumuko na lang ako at patuloy na naglakad. Hindi ko maipinta yung halo-halong emosiyon na nararamdaman ko. "Hart!" Nanalaki yung mata ko nang marinig ko yung boses niya napaangat ng hindi oras yung ulo ko saka ako lumingon sa kanya. Anong pakulo na naman ba ito ng magkapatid na Mendez?! Ano na namang nasa isip niya? Mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko nang lapitan ni Gerald si Hart at makipagtapatan ng titig sa kanya. Ano bang problema ng mga ito? Seriously? Gusto kong pumagitna pero namayani yung takot ko kaya bahagya lamang akong lumapit saka ako nagsalita. "T-teka lang, anong nangyayari?" wala sa loob na tanong ko. Mabilis akong hinila ni Gerald saka niya ko itinabi kay Sophie. "Stay there." Utos niya sa akin habang nakatitig pa rin siya kay Hart ngumisi naman si Hart matapos iyon sabihin ni Gerald. Lumingon ako kay Sophie. "Ano bang nagyayari?" bulong ko pa sa kanya. "I mean you should know what happened, my bff. Nakita na naman ni Kuya kung paano ka tratuhin ni Hart. So ang ending, umusok na naman yung bumbunan ng Lolo mo." bulong niya sa akin while she's giggling. Napakunot yung noo ko. Ano naman ngayon kung nakita niya? Ano bang pakialam niya? "Akala ko ba napagusapan na natin 'to?" Medyo mataas at ma-awtoridad na tatas ni Gerald. Hindi naman natinig si Hart at patuloy pa rin ang pagngisi sa kanya. What the hell are these guys up to? Ayoko ng gulo. Isa pa, ano bang ginagawa nitong Gerald na ito? Hindi naman siya ganito dati. Hinahayaan niya nga lang akong bastusin ng kaibigan niyang ito. Sa pinakamagandang pagkakataon nga naman. Dumating pa yung dalawa nilang kaibigan. They separate their ways para tabihan si Gerald at Hart. "Agaw eksena kayong dalawa. Ano bang nangyayari? Tanong ng isa nilang kaibigan na nasa tabi ni Hart. I heard Hart scoffed bago siya nagsalita. "Hindi ko alam. Bigla na lang nagalit itong si Gerald ng walang dahilan." matapos non ay inakbayan niya pa si Gerald saka tinapik ang balikat nung huli. Marahas namang tinanggal ni Gerald iyon at mas lalong sumama ang ekspresiyon niya. "Hindi ka na bata kaya ayusin mo. Usapan natin titigilan mo na siya hindi ba? Bakit hindi mo magawa?" Bakas sa boses niya ang pagkairita. Habang yung dalawang kaibigan naman nila ay nakpagitna lang. Sinisigurong hindi mauuwi sa mas malaking away ang usapan ng dalawa. Ako nama'y nagsisimula ng pagpawisan dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam kong maga-assume ako kung iisipin kong ako yung pinaga-awayan ng dalawang ito. Pero ako ba talaga? Ano ba naman Kristine? Nasisiraan ka na ba ng tuktok? May nangyayari na ngang ganito ganyan ka pa mag-isip. Ilang minuto pang namayani ang katahimikin hanggang bumunghalit ng tawa si Hart. Sinubukan niya pang magsalita pero napangungunahan iyon ng tawa. Nagkatingin naman kaming lahat, takang-taka sa kanya. Bahagya akong napangiti. Ngayon ko lang siya nakita at narinig na tumawa ng ganito, yung totoong tawa. Yung walang halong pagkadisgusto. Naghuramentado naman yung puso ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy akong nahuhulog sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko saka napalunok. Akala ko ba titigil na 'to? Bakit mas lalong malakas yung pagtibok nito ngayon? "Seryoso ka ba? Ang aga-aga." Inis pa ring turan ni Gerald. Medyo nabawasa naman ang tensiyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi pa rin nakasagot si hart at patuloy pa rin ang naging pagtawa niya. Pinagtitinginan na siya ng mga ka-schoolmate namin ay hindi pa rin niya nagawang tumigil. "Nasisiraan ka na ba?" tanong naman nung kaibigan nilang nasa tabi ni Gerald. "Eto na--titigil--titigil na." Sabi niya sa pagitan nang pagtawa. "Alam ko naman kasing may gust--" patuloy niya pa pero pinigilan siya ni Gerald. "Hayop ka! Tara na nga!" lumapit na rin naman si Gerald kay Hart sabay pabiro nitong sinuntok yung huli sa tiyan. Umalis silang dalawa na parang walang nangyari. Saka naman ang paglapit sa akin ng dalawang kaibigan nila. Ang tagal ko na silang sinusubaybayan but I never get the chance to know their names. Sikat man sila, ako naman wala lang talagang pakialam sa nangyayari sa paligid ko. I mean noon. Iba na ngayon. "Hey, Kristine? Right?" tumango ako sa isa sa kanila. "Pagpasensiyahan mo na ang dalawang 'yon. Medyo may kaunti lang sa mga utak pero okay naman sila. Sorry ah?" isa pang pagtango yung ginawa ko bilang pagtanggap ng sorry nila. Alam ko naman puro sila may mga sira sa utak. Understood naman iyon simula noon pa. "I'm Ben by the way." sabay lahad ng kamay niya sa akin. Gwapo rin siya. Katamtaman ang tangkad niya kung ikukumpara sa dalawang sira ulong nagpatiuna na. Sumunod namang lumapit yung isa pa at siya ring naglahad ng kamay. "And I'm Alex. Ang poging-poging si Alex." kasabay non ang pagkindat niya sa akin. Awkward akong napangiti. Hindi ko lang alam kung ganito talaga silang magkakaibigan o nagkahawahan na lang sila. Inabot ko na lang din yung kamay ko. "Mauna na kami. We'll see you on lunch. Baka mas lalong masiraan yung dalawang iyon kapag wala kami to give the parental guaidance they badly need from us." Sabi ni Alex. Iyon lang saka na sila kumaway at umalis. Tumingin naman ako nang nagtataka sa gawi ni Sophie. "Lunch?" She shrugged both her shoulders while smiling from ear to ear. Ano na naman bang binabalak ng isang ito? "Bff lets go! Nasa labas na sila kuya, kanina pa naghihintay." Excited pang sabi niya habang inaayos ko yug gamit ko. Kung hindi ko pa siya pinilit kanina para sabihin kung bakit sinabi ni Alex iyon baka mamaya masurpresa na naman ako ng hindi oras. Tama rin ang naging hinala ko, because in a few seconds we're going to be eating lunch with those four. I mean, to be honest hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa paligid ko at kung bakit nagsisibaitan yung mga tao. "Eto na nga." Sabi ko pa sabay sakbit ng bag a balikat ko at sumunod na lang sa kanya palabas. Nadatnan naman naming naghihintay nga yung apat na nagkukwentuhan. Nakita naman kami ni Ben saka ngumiti. "Here comes the princesses. Let's go, I'm starving." Lets say I did expect this to happen. Kasi habang naglalakad kami ay nagtitinginan lahat ng mga ka-schoolmate namin, and of course mostly all of the girls are killing us with their stares. Sino nga ba naman sa school na ito yung hindi gagawa non? If we are with the school's heartthrobs mabu-bwisit din ako kapag nakita kong may kasamang babae sa grupo nila. "Bff." pabulong kong tawag kay Sophie. "Hm?" sagot niya pa habang may sinisipat sa cellphone niya. "Kung humiwalay na lang kaya tayo sa kanila?" atubili pa ko kung sasabihin ko sa kanya. Kahit alam ko namang ipipilit niya pa ring kumain kami kasabay sila. Nagbabakasakali lang naman ako. Ayoko lang din kasi talaga ng ganito. Natatakot ako sa tingin ng mga tao sa amin. "Alam mo, let them be." sabi niya matapos isilid yung cellphone sa bulsa niya. "Pero kas--" "Nah uh, we're here." It felt like I was inside a movie where people will stop talking and all the attention will be on me kasi they have never seen me before. Mas lalo ngayong kasama namin yung apat. Mas agaw atensiyon kami, ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko gawa na rin ng sobrang hiya. I am not used of any attention, sanay akong invisible at hindi nage-exist. Hindi ako mapakali. At dahil sanay na sanay naman sa atensiyon yung apat na lalaking ito hindi nila iyon pinansin saka na nila kami niyayang umupo. Panay naman ang sunod ko at kumunyapit lang ako sa braso ni Sophie. "What do you want to order?" tanong ni Gerald sa kapatid. "Same as yours." mabilis na sagot naman ni Sophie sa kanya. Binaling niya naman yung tingin niya sa akin. Saka siya ngumiti. "And yours?" tanong niya, hudyat para matuon sa akin ang atensiyon ng lahat. Pansin ko namang ngumisi na naman si Hart at panay ang balik ng tingin niya sa akin pati na rin kay Gerald. Mas lalo yata akong kinabahan at pakiramdam ko'y sasabog na ko sa sobrang init ng pisngi ko at lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi pa rin ako makapagsalita. Bakit? Bakit ngayon pa ko magkakaganito?! "Kristine?" sabay tawag sa akin ni Alex. Pilitin mo Kristine, pilitin mo yung sarili mong huwag magmukhang kahiya-hiya. "A-ah. Huh?" Huh? Ano raw? Ano na naman ba itong ginagawa ko? Hindi lang talaga ako maka-get over sa nangyayari ngayon. Tumawa naman si Ben. "Ano raw yung kakainin mo?" sunod na tanong niya. "T-tubig na lang." Oo. Tubig. Isang galon kung pwede. Kailangang-kailangan ng katawan ko iyon ngayon. Hindi rin kasi ako makaramdam ng gutom. "No no, you can't leave your stomach empty. Order what you want, I'll pay for it." Singit pa ni Gerald napatikhim naman yung tatlo maliban kay Hart. Sinamaan sila ng tingin ni Gerald. "What?" panghahamong tanong pa nung huli. "Wala naman. Baka lang gusto mo rin kaming ilibre. Di rin kami gutom, pero bawal magutuman." pabiro pang sabi ni Alex. "Ewan ko sa inyo." sabay tayo ni Gerald. Nakatawa at iiling-ilig namang sumunod sa kanya si Ben. nang maiwan kaming lima nila Sophie medyo nabawasan ang pressure sa akin. Kaso nakita kong pasulyap-sulyap sa akin si Hart kaya heto at bumalik na naman tayo sa pamumula. Si Sophie at Alex kasi panay ang daldalan pwede bang isama nila ako sa daldalan nila para lang mawala yung atensiyon ko sa titig niya. Hiling ko lang ay hindi masyadong halata yung pamumula ko. Hindi naman nagtagal ay nakabalik na rin si Gerald at Ben dala ang mga pagkain namin. Saka na rin kami nagsimulang kumain. "So Kristine, if you don't mind me asking. How does it feel to be the pride of the school?" tanong ni Ben. Napailing ako saka ngumiti. The first smile that I could ever show them simula nang malaman kong sasabay kami sa kanila kumain. Saglit akong napaisip, ano nga ba? May dapat ba kong maramdaman. Kasi kung may isang bagay akong dapat ika-proud sa sarili out of all those flaws I have ay itong bagay na ito. "Okay sige ibahin na lang natin yung tanong if it's too difficult for you." ngumiti ako at tumango. "Sure." sabi ko pa sabay inom ng tubig. "Anong pakiramdam mo ngayong maraming nagkakagusto sa'yo?" Nasamid naman ako. Tumawa pa siya ng bahagya. "Sorry, nabigla yata kita." Saglit kong tinapik yung dibdib ko saka patuloy na uminom. Matapos non ay nginitian ko siya. "Okay lang." sabay lagok ulit ng tubig. "Nagkakagusto? I mean sigurado ka ba sa tanong mong iyan because I highly doubt it. Feeling ko nga mamamatay akong matandang dalaga." "You can't say that. Sa ganda mong iyan?" For the second time ay nasamid ulit ako. Isa pang tawa ang narinig ko mula sa kanya. "Sorry ulit. I mean if I were to be honest maganda ka talaga." sabi niya sabay subo naman ng pagkain. Umiling na lang ako. "Salamat. Pero kilala ko yung mga tipo niyo. Alam kong magaling kayong mambola maka-hook lang ng babae." wala sa loobna sabi ko. Saka ko na lang na-realize iyon ng tapos na. Natigilan ako saka napapikit ng mariin. Ano na naman ba itong sinabi ko? Minsan talaga yung bibig ko! Natahimik naman sila habang nakatingin silang lahat sa akin. Napatingin ako kay Sophie na noon ay nagpipigil ng tawa. "S-sorry." sinundan iyon ng tawa ni Ben. "Ibang klase." Sabat pa ni Alex na abot tainga yung ngiti. "Told you she's different from others." Sabi naman ni Gerald sabay nagpatuloy sa pagkain ng may ngiti sa labi. Different? How can I even be different from others? Inilibot ko yung tingin ko. Hanggang sa mapukol yung tingin ko kay Hart. He's smiling. He's smiling habang kumakain. The very first genuine smile I'd seen from him and I swear my heart couldn't take it. 1PM na kami nakabalik sa kanya-kanya naming klase. Hinatid pa nga nila kami sa classroom bago sila bumalik sa kanila. Short period lang ang naging klase. Nagpaalam sa akin si Sophie dahil may kailangan pa raw siyang gawin at hindi na ko masasabayan. I started to make my way out of school hanggang sa harangan ako nina Chloe. Kung sinuswerte ka nga naman ngayong araw. Lahat ng tao napapansin na ko, naging maayos yung pakikitungo sa akin. Isang tao lang naman yung hindi nagbago ang pakikitungo sa akin. "Is it true?" bahagya kong tinaas yung kilay ko. Umirap naman siya saka niya pinagsalikop yung mga braso niya. "You bitches are hanging out with the princes of this school. Totoo ba?!" umiling lang ako, kasi ayoko na rin ng gulo pero hinarangan pa ulit niya ako at tinapakan niya pa yung isang paa ko. I winced dahil na rin sa sakit na dulot noon. "Marunong ka nang umiwas ngayon? Bakit anong pinagmamalaki mo? You? Hanging out with our princes?" "True." sabay-sabay pang sambit ng mga alipores niyang nakasimangot din sa akin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Pilit kong tinanggal yung paa ko mula sa pagkakatapak niya saka ako nagpakawala ng buntong hininga. I'm just done. Ayoko na. Napipikon na ako. I don't know but I feel like fighting back today. "Anong kailangan niyo?" sinimulan naman akong duru-duruin sa noo ng isa sa kanila. "Gaga ka ba? Malamang uutusan ka naming layuan ang mga princes namin!" Delusional. They are totally delusional! Napaangal na lang din ako nang itulak niya ko dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. Umiling-iling ako, sabi ko naan kasi. Ganito na lang lagi yung eksena pagdating sa kanila. Araw-araw na ganito. "Kung gusto niyong lumayo ako sige lalayo ako. Tigilan niyo lang ako. Pakiusap." sabi ko sabay tayo habang sapu-sapo ko yung balakang ko. Yes, I felt it. "Wow! Just wow! I'm impressed. I like your determination today. That's good but it just happens that I don't f*****g care." tumaas ang kamay niya alam kong dadapo yung mga palad niya sa pisngi ko pero hindi iyon yung sumunod na nangyari. "Don't you even dare touch her!" Nanlaki ang mga mata ko. I know that voice. Napalingon ako sa gawin niya. "Hart."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD