Chapter 13

2588 Words
Chapter 13 Game Kristine's POV "Oh my God! What the hell are you two doing?" Nanlaki yung mata ko saka ko naitulak si Gerald palayo sa akin. Mabilis akong tumayo. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Hindi ko lang sukat maisip na makikita kami ni Sophie sa ganito pang sitwasiyon. Nakakahiya! Isa pa, paano kung nakita kami ni Mama? At ang huli. Napapikit ako ng mariin saka ko nahawakan yung bibig ko. Hindi ko alam kung bakit nanlalamig yung buong katawan ko ngayon. Hindi lang ako makapaniwala. Lumingon ako sa kanya na kasalukuyang pinapagpagan yung damit. Bakit sa kanya? Bakit sa kanya napunta yung first kiss ko? That oh-so-golly-much precious kiss ko? That was my first. At hindi ko na mababalik ngayon iyon. Oh my God. Napahawak ako bigla sa ulo ko. Nagtama pa yung mga mata namin bago siya ngumisi. Oo! Ngumisi siya. Ngumisi! Gustong umusok ng bunbunan ko sa inis. That kiss wasn't for him. Nire-reserve ko iyon para sa iba. Bakit sa kanya napunta? Bakit?! "I'm sorry, it's not my fault." Tinanggal ko yung kamay ko sa ulo ko saka ko siya tinitigan ng masama at pinagtaasan ng kanang kilay. Anong gusto niyang palabasin? Na kasalanan ko iyon? Na ginusto ko?! He's the one at fault here. I won't be triggered kung hindi niya pinagtutukso. "You better explain this, Mandrake! Anong ginawa mo sa Bff ko? That was her first kiss!" Humawak pa siya sa ulo niya na animo'y natutuliro saka nagpabalik-balik ng lakad sa kinatatayuan. Saka siya napatitig sa akin with concern. Hindi ko alam kung bakit agad ko iniiwas yung tingin ko sa kanya. Bakit ganito? Hindi rin ako makapagsalita ngayon? Hindi ba dapat nagwawala ako ngayon and I'm now putting all the blame to Gerald? Para akong nanghina bigla. "We were both teasing each other. Aksidente lang iyong nakita mo. Wala akong ginawang masama. Isa pa, bakit ko hahalikan yung kaibigan mong nerd?" Nanlaki yung mata ko saka bahagyang umawang yung bibig ko at napailing bago ako napatingin sa gawin niya. Ni hindi niya iyon pinansin. Tumalikod lang siya saka siya lumabas at talagang iniwasan pa si Sophie. He didn't even try to look back at me. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na lang yung reaksiyon ng dibdib ko. It feels so tight. Alam kong hindi ganito dapat yung maramdaman ko, but the way he insulted me? Hindi ko alam kung bakit ganito. "Bff! Bff? Okay ka lang ba?" napabalik na lamang ako sa reyalidad nang lapitan ako ni Sophie. Nakita ko pang kinakaway niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko. "I'm sorry. I know you're shocked. Pero pagpasensiyahan mo na. Alam kong nabigla lang din si Kuya." Kumunot yung noo ko. "Nabigla?" Hindi dapat ako lang yung mabigla? Kasi this is my first kiss. Ako lang dapat. Hindi naman siya iyong nawalan ng first kiss. Ako! "Hey girls, what's happening here?" parehas kaming napalingon sa bukanan ng kusina at nadatnan naming si Mama na may nagtatanong na ekspresiyon. "Sophie, hija. Bakit biglang nagpaalam iyong kapatid mo? Anong nangyari? Nag-away ba kayo?" Nagkatinginan naman kami ni Sophie saka ko siya sinenyasan na huwag sabihin yung nangyari. "Opo Tita. Pero natural lang naman po iyon sa'min since close kami. Konting lambing langiyon Tita. Bati na po ulit kami." Tumangu-tango naman si Mama. "Osiya sige. Do you need help here? Wala pa tayong lunch. Para mabilis at medyo gutom na rin ako." Ngumiti naman si Sophie sa kanya. I'm just thankful that Sophie knows how to escape sa mga ganitong sitwasiyon. Kasi ako, kung ako yung tinanong ni Mama? Baka mawalan na lang ako ng malay dahil sa sobrang kaba. "No, no Tita. It's okay. Ako na pong tutulong kay Kristine. Saglit na lang po." Lumingon naman siya sa likuran ko. "Naka-marinade naman na po yung chicken. We're about to fry it anyways." "Okay sige. Salamat Sophie. Maghihintay na lang ako sa labas. Tawagin niyo na lang ako kapag maghahain na at nang matulungan ko kayo." Tumangu-tango naman kaming dalawa bago tuluyan nang lumabas si Mama. Doon ko na lang nailabas lahat ng iniipon kong hangin mula sa bibig ko. "Akala ko ibubuko mo ko." Binunggo niya naman yung tigiliran niya sa tagiliran ko saka siya umakbay sa'kin. "Bff, I won't do that to you." Wala akong ibang maisip. I'm still dumbfounded sa nangyari. Ang hirap isipin. Hindi lang maalis sa isip ko iyong nangyari. Naramdaman ko naman yung paghawak ni Sophie sa magkabilang balikat ko para lang iharap ako sa kanya. She smiles from ear to ear. Kumunot yung noo ko. "Ano? Masarap ba? Anong feeling?" M-masarap? I'm too uncomfortable kaya naman mabilis ko siyang naitulak ng bahagya palayo sa akin. Ano ba namang utak nitong isang ito? Ano ba sa tingin niya? Natuwa ako ron?! "Sira ka ba? Ano sa tingin mo yung nangyari? Nakakatuwa?!" Bwisit talaga yung Gerald na iyon! "Hindi naman. Tinanong ko lang naman kung nasarapan ka tsaka kung anong na-feel mo. Kasi first kiss mo 'yon 'diba?" Ngumiti ulit siya nang nakakaloko matapos sabihin yung mga huling salita. Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga ang isang 'to? "Umayos ka naman, bff!" Sabi ko na lang sabay talikod sa kanya. Inayos ko na lang yung mga nakababad na chicken. Hindi pa yata nakuntento at talagang sinundan pa ko. Kunwari'y nagtakal ng bigas na nasa rice dispenser saka niya inunaban iyon. Pero in all fairness. Alam niyang magsaing pala. "Don't worry bff. I'm proud of you." Nilingon ko ulit siya. "Bakit na naman?" pinatay niya yung gripo saka niya ko nilingon. "Kasi po may first kiss ka na rin. Sa wakas." Inirapan ko siya. Hindi iyon nakaka-proud para sa'kin. I was reserving that kiss for—Ay! Bakit ba ganito ako ngayon? I don't know why I worry too much kasi hindi si Hart—gosh! Ayoko na lang talaga mag-isip. Lumingon muli ako sa ginagawa ko. "I never dreamt of giving your brother my first kiss. Isa pa, aksidente yung nangyari. Alam kong kapatid mo siya. Pero Bff naman, ang dami nang nahalikan ng Casanova mong kapatid. Bakit siya pa?" Inayos ko yung air fryer namin saka ko nilagay yung unang batch ng manok sa loob at sinet ang timer non bago ako napaupo. "Alam mo ba kung gaano kahalaga iyon para sa'kin? Tas ang sakit lang kasi sa isa pang babaero napunta yung first kiss ko?" Alam kong sobrang drama. Pero kailangan kong ilabas itong ganitong sama ng loob. "Hay! Ang drama mo naman Bff. Alam mo, making ka ha? Para sa ikapapanatag na rin ng loob mo." Sinalang niya lang sa rice cooker yung bigas bago siya tumayo sa harap ko at humalukipkip. "Ayoko na sana sabihin. Pero hindi lang kasi ikaw ang agrabyado rito." Nagtaas ako ng kilay. Umiling naman siya. "Agrabyado? Siya?" tumango siya. Saka bumaling sa water dispenser naming kumuha ng baso at naglagay ng tubig doon bago niya iniabot sa'kin. "You might wanna take a sip after you hear my revelation." "Ano na nga—" "You're my brother's first kiss." ---------- Gerald's POV "You better explain this, Mandrake! Anong ginawa mo sa Bff ko? That was her first kiss!" F-first kiss?! "We were both teasing each other. Aksidente lang iyong nakita mo. Wala akong ginawang masama. Isa pa, bakit ko hahalikan yung kaibigan mong nerd?" Hindi ko alam kung bakit kating-kati na yung paa kong umalis don. Kaya ginawa ko na lang kaysa mag-isip pa ko at makita pa nila yung reaksiyon ko. Damn it! That was her first kiss?! Damn it! Damn it! Mabilis akong sumakay sa kotse ko. Hindi ko lubos maisip kung anong nangyari kanina. Kung first kiss niya 'yon? That means we both had our first kisses today. I don't know why. Pero imbis na madismaya'y natutuwa pa ko sa nalaman ko. Yung saya ng pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag kapag naiisip kong ako yung first kiss niya. Nag-ring bigla yung cellphone ko. Napasimangot ako bigla. Nagda-drive ako. Ano na naman bang kailangan ng isang ito? Pinindot ko yung answer button mula sa screen. "Yes?" "Dude, kita tayo. Basketball. One V One. Wala akong magawa. Walang kwenta itong dalawa." Batid kong pumaskil sa mukha ko yung pagtataka. He never played one v one with me. Ngayon lang. Baka may kailangan? Ano naman? "Right, I'm on my way. Sa dati ba?" "Yep. Sige." Binaba ko na yung tawag matapos non. Pumunta ko ron sa court na lagi naming tambayang apat. Malapit-lapit lang 'to sa bahay nila Hart kaya dito kami lagi. Nabungaran ko naman agad si Alex at si Ben na nanginginain na sa isa sa mga food stall matapos kong bumaba ng sasakyan. "Kain na naman. "Ano namang gagawin namin aber? Kayo lang naman ni Hart yung maglalaro." Sabi pa ni Ben na may hawak na plastic cup na may lamang kwek kwek. "Ano bang naisipan non?" tanong ko pa. "Malay. Biglang nagyaya rito tas pinapatawagan ko nga. Sabi ko baka ayaw mo paistorbo kasi busy ka kamo sabi mo kanina." Tumangu-tango na lang ako kay Alex. "Nasan ba?" tumango naman si Alex para ituro kung nasan si Hart. Nakasandal naman siya sa posting malapit sa ring. "Tara." Hindi ko alam kung bakit biglang sumeryoso yung hangin nang makalapit kami sa kanya.  "Game?" ngumisi siya. There's something odd about this. Hindi ko lang malaman kung ano. Pero iba yung mood niya ngayon kumpara sa mga nakasanayan namin nila Ben. "San ka ba galing? Ayaw kasing makipaglaro nung dalawa." "Pwede naman—" natigil sa pagsasalita si Ben nang titigan siya ni Hart. "Sabi ko nga, ayaw namin." Ngumisi ako. I knew it. He's up to something. "Tara na." Yaya ko pa. "Pustahan ba?" humarap ako sa kanya. Saka kumunot yung noo. "Pustahan bakit?" tanong ko ulit pinasa niya naman sa'kn yung bola na kabibigay lang sa kany ni Alex. "Wala. For fun?" Nagkibit balikat na lamang ako. "So, if I win. You need to tell me in details kung paano kayo naging close ni Kristine." I scoffed. Saka ako umiling. Alam niya na? Malamang nakita niya kami ni Kristine na magkasama o magkausap. Ano namang pakialam niya ron? He hated Kristine since then. Bakit niya kami pakikialaman? "Iyon lang—" "She will be mine sa ayaw at sa gusto mo." Nawala yung ngisi sa mukha ko saka ako sumeryoso. Kumulo bigla yung dugo ko sa hindi malamang kadahilanan. Anong laro ba 'to? "Hindi mo kailangang idamay yung tao rito. If you want money, I can bet for the price that you want. Hindi yung si Kristine yung nakasalalay." Malamig kong tugon. "Pero siya yung gusto ko." pagak akong tumawa. "Hindi lollipop si Kristine na kapag ginusto mo kailangang ibigay sa'yo. Hindi siya candy na pwede nating pag-awayan. If you want her sana matagal pa lang pinakitaan mo na ng maganda yung tao." Ayokong makipag-away but hearing this from him? This is too much. "Teka lang. Walang awayan ha. Pustahan lang 'to." Pigil naman ni Ben sa amin. Hindi naming iyon pinansin. Matagal kaming nagtitigan ni Hart. Nakakapagtaka lang kung bakit bigla siyang naging interesado kay Kristine. "Dude, what the hell is wrong with you?" Tanong ko pa ulit. Kumuyom yung kamao ko. "Wala? Gusto ko lang malaman kung bakit mo nagustuhan si Kristine. Pagkatapos niya namang mapa-sa'kin ibabalik ko rin siya sa'yo kapag sinawaan ako." Nanlaki yung mata ko. Sa tingin niya bat ama itong mga sinasabi niya? "f**k you! Anong bang gusto mong mangyari?!" It's not that I am admitting that I like Kristine. Pero naa-agrabyado yung tao rito dahil sa mga sinasabi niya. "You don't have to show the obvious, Mendez. If you like her just admit it. Now, what's your call?" pinilig ko yung ulo ko saka pinatalbog ng isang beses yung bola sa lupa saka ko ulit sinalo iyon sa isang kamay ko. "You need to stop bullying Kristine." "Iyon lang?" "Hindi ako katulad mo. Isa pa, mananalo ako." Sabi ko sabay takbo at dribble na nung bola palabas sa court. Pinasa ko muna iyon sa kanya saka niya iyon binalik sa akin. I started running hanggang sa gitna nung court. Hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon saka ko iyon pinapasok sa loob ng basket. "Three-point shot for Mendez." Paga-anunsiyo ni Alex. Napangisi ako. Hart's weak sa larong one v one. Wala siyang taktika. I don't even know kung bakit ito yung napili niyang pagpustahan namin. "Tandaan first 15 points win." Sigaw ni Ben bago pumalakpak ng dalawang beses to keep us going. Tumakbo ako ulit pero hinarangan ako ni Hart. Nakailang harang siya bago niya naagaw yung bola sa akin. He didn't waste a second saka niya iyon pinapasok sa basket. Our scores are tied now. Kailangan kong manalo. For Kristine. Ilang minute ang tinagal ng game hanggang sa umabot kami sa last minute. Nasa akin yung bola. Thinking that it was Kristine. The scored are tied. 12-12. I need to shoot this for her. Nasa harap ko siya at naga-abang ng susunod kong galaw. He even gave me that annoying smirk kapag nangiinis. Umiling ako. I'll win this. "Fiver, four..." "Ano? Kaya pa?" tanong pa ng gago. "Three..." tumalon ako. My hands swung to give that ball my last shoot. Bago pa man maubos yung oras. I saw the ball landed and stirred on the ring. "Two..." This was the longest two seconds of my life. "One..." kasabay nung huling bilang na iyon yung pagpasok nung bola sa loob ng basket. Pumaskil sa bibig ko yung malaking ngiti. Ngiting tagumpay sab inga nila. Sigaw naman ng sigaw si Ben ganon na rin si Alex bago nagtatakbong lumapit sa akin. "Yow! Di ko inexpect na mananalo ka laban kay Hart!" Lumingon ako kay Hart na kasalukuyang hinahawi yung pawisan niyang buhok saka uminom ng tubig. Bago siya lumingon sa'kin at lumapit. "You really like her." Hindi iyon tanong kundi statement na nagmula sa kanya. Nakangisi na siya ngayon saka inabot sa akin yung tubig niya. Kinuha ko iyon saka nagsalin sa bibig ko. "Tinamaan na yata." Sabi naman ni Alex. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero sa ginawa ko ngayon. Didn't I need to admit it to myself? That I like that nerd? "That was just for a test, you know?" lumingon ako sa kanya. Tulo pa rin ng tulo yung pawis ko saka kumunot yung noo ko. Isang malaking ngisi naman na sinundan ng hagalpak ng tawa yung ginawa niya. "To test you if you really do like her." Si Alex ang sumagot non. I scoffed. Sinarado ko yung bote saka ko binato kay Hart. Tatawa-tawa naman siyang hindi nasalo iyon. "Siraulo ka ba? Gago!" "Chill dude! Tutuparin ko naman yung napagpustahan. The bullying will stop. Isa pa, hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang bullyhin ang isang iyon. Mas matigas pa sa bato." Ngumiti ako. Kristine's the strongest girl I have ever met. Sa lahat ng mga ginawa niya, that girl is still ready to face people from school. Ibang klase. "Ligawan mo na kaya? Nang magkaron ka na ng unang halik." Para akong inugatan sa pagkakatayo ko saka ako lumingon sa kanila. "Oops. You hit the wrong button, Alex." Sabi pa ni Ben na tatawa-tawa. Matapos non bigla ko na namang naisip yung nangyari kanina. Napangiti na lang ako saka ulit tumingin sa kanila at sinundan ko pa 'yon ng mahinang pagtawa. "Nakakatawa kayo. Una na ko. Sunduin ko pa si Sophie kina Kristine." Plus, I need to see her again. Umawang naman yung mga bibig nila ako nama'y umalis nab ago pa man nila ako kuyugin. This day can't get anymore better. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD