Chapter 12

1702 Words
Chapter 12 Visitor Kristine's POV Pakiramdam ko sobrang pagod ng utak ko ganon na rin yung katawan ko kaya naman nang makauwi ako sa bahay si Mama agad ang hinanap ko. Nadatnan ko siyang naga-ayos ng mga gamit niya. Mukhang kauuwi lang. "Hi Ma!" Ngumiti ako saka ako yumakap agad sa kanya at humalik sa pisngi. "Kamusta ang araw mo?" tanong niya pa bago siya yumakap na pabalik sa akin. Ilang saglit lang saka na rin ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. How would I bring up everything na nangyari ngayong araw? Paano? "At, ngayon ko lang nakita. Nagpaayos ka anak?" Tanong niya pa. Hindi ko na lang iyon pinansin saka ako umiling at ngumiti. Kasi kung sasagutin ko pa, baka kantiyawan niya lang ako which is more likely dahil ganoon siya once may nakitang bago sa akin. "Anong oras ka po nakauwi, ma?" Bumalik naman siya sa paga-ayos niya ng gamit niya saka siya sumagot. "Halos magkasunod lang siguro tayo. Napaaga ako kasi pinauwi na rin ako ni Mother Vity. Medyo napagod din kasi ako kakaasikaso ron sa mga bata. Isa pa, nandon naman si Jam at yung boyfriend niya. Para mag-asikaso sa kanila." Tumangu-tango naman ako. Saka ko nginuya-nguya pa yung labi ko. "May sasabihin ka ba?" nanlaki naman yung mata ko saka ako umiwas ng tingin sa kanya. I need to change the topic. Hindi ako pwedeng magmukhang nakawawa na naman. Pagod siya she does not need to hear all those things. Ngumiti ako saka ako humarap sa kanya. "Ay!" "Ay juskong bata ka! Ano yon?!" hawak hawak niya pa yung dibdib niyang napatingin sa akin. Bumungisngis ako saka ako napatakip ng bibig at talagang kinilig pa sa naisip ko. Ewan ko sa tuwing naaalala ko tuwang-tuwa lang talaga ako. Tagal na rin kasing hindi umuuwi ni Ate. Ilang taon din iyon! "Tumawag si Ate, Ma. Iyon yung sasabihin ko po." Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang naisip ko rin agad iyon. Kaysa naman ikwento ko sa kanya kung paano nag-level up yung pamamahiya ni Chloe sa akin? "Kailan?" tanong niya pa ulit bago siya umupo na. Mukhang nakatapos na rin sa pagaayos. "Di po ako sigurado kung kagabi or nung nakaraang gabi pa. Pero basta nung gabing umalis po kayo." Tuwang-tuwa ko pa ring sabi sa kanya. "Anong sinabi?" Tuwing ibi-bring up ko yung pangalan ni Ate or anything related to Ate Pamela. Hindi pa rin siya nasisiyahan o ano. I am not sure kung ako lang ba yung nagi-isip ng ganito. Kasi laging nagbabago yung timpla ng ekspresiyon niya. Hindi ko alam. Nagkibit balikat na lamang ako. "Uuwi na raw po siya matapos niyang ayusin yung nga dapat niyang ayusin. Grabe Ma! Ngayon lang siya uuwi." Hindi pa rin mawala yung ngiti ko. Pakiramdam ko'y sinasabayan iyon ng kislap sa mga mata ko. "Any exact date? Oras? Baka naman kapag umuwi siya'y walang tao rito sa bahay. Baka isiping hindi siya welcome dito." Malamig pa niyang sabi. Sa ibang direksiyon na ang tingin niya at mukhang hinila sa ilalim ng iniisip niya. Ate has always been so vocal how she loves Mama. She looks up to her. Bakit ganito si Mama sa kanya? Lagi na lang talagang pagdating kay Ate Pamela ganito yung nagiging mood niya or the way ng pakikitungo niya sa kanya before she left. Ang alam ko dati hindi naman sila ganito. Nag-away ba sila? Kung oo man, ano iyon? Pero hindi rin naman kasi wala rin namang nababanggit si Mama o kahit si Ate sa akin na nangyaring ganon. Ngumisi ako. Ito namang si Mama, kami-kami na nga lang magkakamukha ganito pa. Teka baka pagod lang talaga? Tapos wrong timing pala ako sa pagbabalita ko? "Ma, nag-away ba kayo ni Ate? Magkagalit ba kayo? Hindi ka ba masaya na uuwi na po siya?" Sunud-sunod kong tanong. Matapos kong lumipat sa tabi niya umakbay sa kanya. Para namang bumalik siya sa kabihasnan at napatingin pa sa aking umiling-iling saka ngumiti. "Pagod lang ako, 'nak. Ano ba? Wala bang nasabi? Iyon lang? Uuwi lang talaga siya?" tanong niya. Ngumiti ako saka umiling. O 'diba? Ang talino ko talaga. She's just tired. Pagod lang. Yabang ko 'diba? Matalino? Pero hindi maipagtanggol yung sarili sa mga nanga-api. Okay lang ba ko? Nagyayabang ako sa sarili ko? Dito lang naman ako magaling ang magyabang sa sarili ko. I am not like Hart na kung kanina-kanino nagyayabang. Palibahasa gwapo. Urgh! Naisip ko na naman siya! Nakita niya yung kanina. Nakita niya! Nakakahiya! Ay wala! Hindi ko dapat siya isipin. Kakalimutan ko na siya. Wala na. Wala na. Wala na. "Kristine. Kristine!" Napaangat ako. Ramdam kong nakaawang pa yung bibig ko. Nagtataka sa pagtawag niya. "A-ano iyon, Ma?" umiling siya saka nangisi. "Tinatanong ko kung sigurado ka o baka hindi mo lang natandaan." Pilit naman akong ngumiti. "W-wala Ma. Pero baka tumawag siya mamaya. Kayo na lang din po magtanong. S-sige Ma papanik na po ako sa kwarto at magbibihis." Iyon lang saka na ko humalik sa pisngi niya. Isang hakbang pa lang yung nagagawa ko sa hagdan nang tawagin niya ako ulit. "Teka, anak. Wala ka naman bang pasok? Ang agad mo yatang umuwi?" kunot noong tanong niya. "Wala raw pong klase ngayong araw. May meeting po yung mga teachers about doon sa play na gaganapin sa school. Sige po, Ma. Bababa rin po ako para makapagluto ng pagkain natin." Hindi ko na hinintay yung sagot niya at diretso na kong pumanik sa kwarto ko. I don't want any more interrogations coming from her. Sobrang nakakahiya na yung mga pinaggagagawa ko sa harap niya. Hindi muna agad ako naligo pagkapanik. Kelangan ko munang umidlip. Gusto kong itulog yung sama ng umaga ko. Hindi pwede ito. Halos makapananghalian na rin nang magising ako. Kaya dali-dali akong naligo. Sinabihan ko pa naman si Mama na ako yung magluluto. Makatapos maligo ay nagmamadali akong bumaba. Maga-alas-onse pa lang naman. Kaya ko pang magluto sa loob ng isang oras. Agad akong dumiretso sa kusina. I am hoping na tulog din si Mama. Kailangang ako yung mauna. Competitive din ako minsan. Kasalukuyan akong nagma-marinade ng manok nang bigla kong marinig yung pagtawag ni Mama sa akin mula sa salas. "Kristine!" "Yes Ma? Bakit po?" Medyo malakas din ang boses na tanong ko. "May bisita ka. Pakibilisan mo diyan. Mabuti pa ako nang magluluto lumabas ka na rito." Sigaw niya pa ulit. Bisita? Sino naman? Si Sophie? Tanghaling tapat. Tinanggal ko yung gloves na suot ko saka ako naghugas ng kamay. Iyon talagang babaeng iyon— "Hi!" "Ay anak ka ng nanay mo!" halos magtalsikan pa yung tubig sa lapag matapos kong humarap at makita kung sino iyon. "Sorry, did I startle you? Makikiinom lang sana ako. Nandiyan si Sophie sa labas kasama ko." Nanlalaki naman ang mata kong nakahigit pa rin sa hininga. Hindi ako hihinga. Ayoko! "Sige na. Pwede ka nang huminga." Binuga ko naman yung hangin na naipon sa loob ng bibig ko saka ako sumimangot. "Nanggu-gulat ka kasi!" Inis na sabi ko pa. Saka ko hinanap yung hand towel at nagpunas. "Woah. Chill lang Miss. Ganyan ba yung naging epekto nang pagkapahiya mo kanina?" Tanong niya pa ulit. Umirap naman ako sa kanya saka ko siya binato nung hand towel. "Kailangan ipaalala? Nakarating na agad sa inyo 'yon? At oo! Eto yung naging epekto kaya umalis ka sa harapan ko ngayon kung gusto mong mauna kong prituhin yung manok na mina-marinade ko bago ikaw." Pagkatapos non ako na yung unang umalis sa harap niya. Pero bago pa man din ako makalabas nagpahabol pa ng inis talaga itong yabang na 'to. "Nerdy." Kinuyom ko yung kamao ko saka ako humarap sa kanya. Iritang-irita na talaga ako sa isang ito. Hindi pwede yung ganito. "Ulitin mo nga yung sinabi mo." My eyes squinted. Pero hindi nawawala yung ngisi niya sa labi niya. Binasa niya pa iyon saka siya nagsalita. "May sinabi ba ako?" Aba't talagang nagmamaang-maangan pa ang isang ito. "Well, hindi siguro ako magtatanong kung wala akong narinig na sinabi mo, hindi ba?" Bahagya akong lumapit sa kanya at nakahalukipkip na ko ngayon. Ano ba ito? Para na akong isa sa mga alipores ni Chloe nito. Hindi naman siya nagpatalo at lumapit na rin siya at yumuko para pumantay sa akin. Siya ng matangakad! Ilang dipa lang din ang agwat ng mga mukha naming at ni isa sa amin ayaw magpatalo. "Bakit ka pa nagtatanong kung narinig mo naman palang may sinabi ako?" Napanguso ako. Sige! Wala na akong maisasagot. Ano pa ba? Teka nga. Bakit ba ang warfreak ko pagdating sa kanya? Ako na yung nag-iwas ng tingin. "Suko na? Wala nang masabi, nerdy?" Napaatras ako lalo nang lumapit pa siya sa akin. Argh! Dapat hindi ka na lang nakipagtalo. Alam mo namang hindi magpapatalo yung Casanova na iyan. "Casanova." Wala sa loob na nasabi ko saka ako napangiti. Nadatnan kong may pagtataka pa sa mukha niya. Mas lalong lumuwang yung ngiti ko. "Anong sabi mo?" "Casanova. I mean, mas okay yung Nerdy, hindi ba? Kasi mas may naitutulong sa lipunan? Yung mga katulad mo ba na babaero? Meron ba?" Naihilamos naman niya yung kanang kamay niya sa mukha niya. Mukhang nainis yata? Mas napangisi ako. "Casanova? Ako? Ako talaga?" turo niya pa sa sarili niya. "May iba pa ba akong kausap?" Ganting tanong ko. Sa pagkakataon na ito. Tumingkayad ako at nilapit yung mukha sa kanya. I don't care if he's intimidating entirety is towering me or taller than me. Women empowerment rules! Partida pa. Siya itong napaatras at mukhang hindi malaman yung gagawin sa ginawa kong paglapit. Kung tama ako, mukhang nag-panic? Ayaw niya pa lang natatawag na Casanova huh! Nagpa-panic talaga ang loko. "N-nerdy!" Napanganga ako. Hindi talaga titigil ang isang ito. Siya naman yung naglapit ako naman yung bumalik. "Casanova!" Naiinis na talaga ako! "Nerdy." Mas kalmado na yung tono niya. Ako naman yung naging balisa kasi mas lumapit yung mukha niya sa mukha ko. "C-Casano—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang ma-out of balance ako sa pagkakatingkayad ko. Huli na. Huli na para magsisi ako sa ginawa kong iyon. I fell... ...On top of him. And, My lips... ...were on top of his. N-no. M-my first kiss. My first kiss!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD