Chapter 11
Analyzation
Sophie's POV
"Kuya naman kasi! Umalis tuloy si Kristine. Kapag iyon umiyak na naman lalo kang hindi makakauwi sa bahay." Paninisi ko kay Kuya Gerald. Palabas na kami ng classroom at may mahigit kalahating oras na rin siguro kaming nagbabangayan dahil sa pag-alis na ginawa ni Kristine. Hindi ko naman din kasi namalayan na lumayas ang isang iyon. Nakaka-frustrate minsan! Gosh!
"Sinabi nang hindi ko kasalanan. Paulit-ulit ka naman! Isa pa, ikaw itong nagbigay agad ng galit na reaksiyon. Pumasok lang ako para kamustahin si Kristine. Hindi bwisitin yung araw mo." Hindi naman niya patalong sinabi.
"Hanapin na lang natin kaysa magsisihan tayong dalawa." Sunod niya pang sabi. Umirap na lamang ako saka ako dumiretso ng tingin sa hallway kung saan kami naglalakad ngayon. Yung isa naman kasi na iyon. Hindi man lang nagtangkang makisingit sa amin para magpaalam.
"Nasan na kaya 'yon?" Tanong ko pa ulit matapos naming makaisang ikot ni Kuya sa school. Panay na rin ang hawak ko sa dibdib ko kasi hingal na hingal talaga ako. Nababadtrip ako! Tinitigan ko ulit si Kuya na lilinga-linga kung saan. Hindi ako nakapagtimpi kinuyom ko yung kamao ko saka ako hinihingal-hingal na sinipa yung binti niya.
"Aray!" sigaw niya pa. Halos napatingin pa sa amin yung iilang taong nasa paligid. Buti na lang konti lang ang tao because if not kanina ko pa siya na-defame kainis siya.
"Ano bang problema mo?!" sunod na sigaw niya pa sa'kin. I crossed my arms saka ko siya pinagtaasan ng kilay.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sabi ko sabay iniwan ko siya rong iniinda pa rin yung binti niya. Sakto namang may napadaan na kumpol ng mga kaklase ko agad-agad akong tumungo papunta sa kanila.
"Hey guys, have you seen Kristine? Nauna kasing lumabas sa akin hindi ko na nakita pagkatapos." OMG! Baka naligaw yung babaeng iyon! Natulala ako sa isiping iyon. Saka na lang ako napabalik ng tumikhim yung kaklase kong lalaki na matamang nakatingin sa akin.
"Are you okay?" tanong niya pa. Nanlaki naman yung mata ko saka ko hinawi yung buhok ko at ngumiti.
"Yeah, so, nakita niya ba siya—"
"We just told you. We saw her running away, crying." Maarte pang sabi nung babaeng kasama nila. Pero hindi iyon yung kumuha ng atensiyon ko because she is not worth it.
"Crying?" ulit ko pa sa sinabi niya. Tumango naman yung isa pang lalaking nasa likuran niya.
"Hindi ko alam kung sinong hindi iiyak matapos mapahiya sa harap ng maraming tao." Mariin akong napapikit saka ko kinagat yung labi ko.
"Was it Chloe?" Hindi ako nakapagsalita na nang tanungin iyon ni Kuya na mukhang naka-recover na sa sipang binigay ko sa kanya.
"As always. Sobra na yung babaeng iyon. Hindi kami makalaban para kay Kristine kanina. Pasensiya na Sophie. Alam mo namang halos lahat kami takot kay Chloe." Not surprised.
"Bakit na naman? Ano na namang maling ginawa ni Kristine?" Sabi ko ng halos may pangungutya sa salitang mali. Damn it! Kung napansin ko lang kanina yung pag-alis niya. Lagi na lang akong wala kapag nako-kompronta siya ni Chloe at hindi ko gusto iyon!
"Wala. Kristine was just walking. Tinulak siya ni Chloe sinabing magpapaganda na naman daw si Kristine. I don't know. The only thing that got me going was the next scene, yung pinahalikan ni Chloe yung sapatos niya kay Kristine." Pinahalikan?! God! Pinahalikan?! Anong karapatan ng nangangalawang niyang utak na gawin iyon?!
"My God! How dare she do that?!" nagpaalam naman agad yung mga kaklase kong lumilingon-lingon pa sa akin habang naga-alburoto ako rito. Wala akong pakialam! Wala! I need to find my best friend. Ang kapal talaga ng mukha ng Chloe na iyon!
"I am going to kill her! Kapag nakita ko siya hindi lang sampal at sabunot ang aabutin niya." Nanggagalaiti ko pa ring sabi habang nakasabunot na ko sa buhok ko.
"I'll kill her, for Kristine." Rinig ko pang malamig na tugon ni Kuya, His eyes are cold as well na akala mo talagang makakapatay ng tao. His jaw was clenching at hindi ko maintindihan kung bakit ang dilim dilim ng reaksiyon ng mukha niya ngayon.
"What did you say?" tanong ko pa. Nagugulumihanan pa rin sa nagging reaksiyon niya.
"I said..." lumingon siya sa akin and this is the part where I'll say na makakapatay na talaga yung titig niya.
"I will kill her for Kristine." Napalunok ako. Nagaalangan pa kong tumawa kasi hindi ko alam kung paano magre-react sa nakikita ko ngayon. I cannot just drop at joke right now kasi walang magagawa rin iyon to lighten up the mood. There's something odd about him. Hindi ko pa rin matantsa kung ano. Hanggang sa may light bulb na umatake sa ulo ko and it gavi me the ding sound na tama ang hinala ko ngayon.
"Can I just ask something before you go ballistic. Kung okay lang?" tanong ko pa while I faked-clean my fingernails. Nagtataka na kasi talaga ako.
"Pero hear me out first okay? Una, the effort! Your effort, ibang klase. Para sa isang babae ginawa mo lahat ng effort na iyon. I know inutusan kita to at least change a bit of Kristine's look, but not the way you did for her!" bigla namang nawala yung dilim sa mukha niya at napaayos ng tayo.
"Pangalawa, you accepted that request immediately, walang tanong tanong at sumige ka agad"
"What the—" tinaas ko yung hintuturo ko sa ere para patigilin siya.
"Pangatlo, you asked for Kristine's number even before I asked you to do the makeover for me. Bakit? Hindi mo ugali yung ganon na ikaw mismo ang hihingi ng number nung babae. Kadalasan ikaw yung hinihingan ng number or hindi man, kusang binibigay sa'yo ng mga babaeng may gusto sa'yo yung number nila."
"Tumigil ka." Hindi ako nakinig saka ko siya nginisihan at nagpatuloy.
"Pang-apat! Hindi pa tapos. Oo at may pang-apat! Today was the first time you went to visit me sa classroom." Natigilan siya ron at mukhang natuod sa kinatatayuan.
"Panglima! What am I even witnessing right now? Sobrang seryoso mo. The last time I saw you like this was when Papa died at sobra kang nagalit kay Ate Melody. At base sa nakikita ko ngayon you are super mad at Chloe. Bakit? Dahil pinahiya ni Chloe si Kristine. Bakit ulit? Anong karapatan mo ron?"
"At etong huli, you even told Kristine na hindi mo siya type? Ngayong may nabago na sa itsura ng bff ko. Saka mo sasabihin iyon? Why? To defend yourself?" napanganga ako sa narealize ko bigla. He told me before na itatanggi niya lang na type niya yung isang tao kung...
Tumitig ako sa kanyang nanlalaki yung mga mata at napahawak sa nakaawang kong bibig.
"You like her! Wait, tama ako diba?" diretso kong tanong sa kanya. Mas lalo lang siyang napahinto at matamang tumitig sa akin. Matagal na titig hanggang sa tinalikuran niya ko at naglakad na ulit. Napailing ako, para akong kinakapos ng hininga, or wait, ako lang ba gumagawa non because I got too excited? Oh my lord!
"Kuya!" tawag ko pa sa kanya habang humahabol na ko. Tinopak na naman ba siya? Tinatanong ko lang naman e.
"Hoy Kuya! Sagutin mo naman yung tanong ko. Meron nga ba? For confirmation lang naman e." kunwari'y nagmaktol pa ko pero hindi niya iyon pinansin at seryoso pa ring nakatingin sa nilalakaran niya.
"Kuya! Kapag hindi mo sinagot ipagsisigawan kong gusto mo nga si Kristine! Isa!" banta ko sa kanya. Hindi pa rin siya humihinto I could almost reach him pero sadya yata talagang malalaki yung hakbang niya. The freak!
"Dalawa!" sigaw ko ulit. Doon na siya tumigil. Ganon na rin yung ginawa ko. I tried to suppress my smile kasi ayokong ipakita yung excitement na nararamdaman ng puso ko para sa kanya.
"Tititigan mo na—" natigil ako nang marinig ko yung marahas niyang pagbuntong hininga.
"You did analyze the whole thing without me telling you that I possibly do like her, hindi mo pa rin ba nakuha yung sagot? O alam mo na pero gusto mo lang siguraduhin mula sa'kin na gusto ko nga siya?"
"H-huh?" iyon lang yung namutawi sa nakanganga kong bibig.
"Analyze it again. Kapag iyon pa rin yung sagot na lumabas. That's my answer." Iyon lang saka niya ko iniwan na nakanganga pa rin habang nakatinigin sa likod niya.
"M-may gusto nga siya? M-meron?" I needed that moment para maiba yung nasa utak ko.
"Oh my God! Oh my God! Oh my God!" Paulit-ulit kong sabi habang medyo naluluha sa kasiyahang nararamdaman ko. Oh my God. I don't why I do support him right now kahit kadalasan hindi naman. Oh my god! Pinaypayan ko pa yung mata ko. Bakit ganito? Bakit ako yung mas kinilig?!
Nagtatatalon pa kong naglakad na ulit hanggang sa maramdaman ko yung cellphone ko na nag-vibrate mula sa bulsa ng palda ko.
Call her, she needs you.
- Kuyang Baliw
"She needs me? O you need her because you like her?" Pagkausap ko pa sa sarili ko. Napatakip pa ulit yung kamay ko sa bibig ko habang binabalik ng isang kamay ko yung cellphone sa bulsa ko.
Humanda ka sa'kin ngayon Mr. Gerald Mendez. Your secret's maybe safe with me, but you're not. Blackmailing is my name. Duh! Isang malademonyong tawa yung pinakawalan ko saka na ko ulit naglakad.