Chapter 10
That Girl
Hart's POV
"Ibang klase. Nakita mo na ba yung babaeng patay na patay sa'yo?" Bungad ni Ben. Halos kararating ko pa lang dito sa school ganito agad yung binungad niya. I have tons of women who are head over heels with me. Sino ron? I smirked at that thought.
"Malamang nito kapag nakita mo, matatameme ka sa mga kagaguhang ginawa mo." Tumingin ako nang may pagtataka kay Alex. Kunot noo saka ko siya nakitang ngumiti. Tinitigan niya pa si Lindsay, ang girlfriend nito. Saka siya muling tumitig sa akin.
"Kristine, are you familiar? Yung pinakamatiyaga mong manliligaw?" Nagbago naman ang timpla ng ekspresiyon ko. Saka ako pabagsak na umupo na sa upuan ko. Nilibot ko ang paningin ko. Walang bago, panay pa ring nakatitig yung mga lintang kakatas sa dugo ko mamaya. Pinagkibit balikat ko iyon.
"Anong kinalaman non sa akin? Tinanong ko ba kayo kung nagbago ba yung itsura ng isang iyon?" I don't know why or how they're telling me this. Kung alam ko naman na umpisa pa lang, kahit anong gawin ng isang iyon. Kahit lumaklak man siya ng mga gamot na babago sa itsura niya. She will always look like the girl I once knew.
"Come on, Hart. Give her a chance. Mabait yung tao. Huwag mong walanghiyain." Sabay irap ni Lindsay sa akin at tutok sa cellphone niya.
"You don't decide for me." Muli siyang tumitig sa akin saka ngumisi nang nakaloloko.
"Alam mo, kulang ka lang sa pagmamahal. Palibahasa bato yang nilagay sa'yo ni Lord imbis na puso." Nagtagis ako ng bagang.
"Alam niyo, huwag niyong sirain yung araw ko. Maghanap kayo ng ibang kausap. Wala akong pakialam kung hindi ko pa nakikita o nagbago man yung itsura nung isang iyon." Isang halakhak ulit yung narinig ko kay Lindsay.
"Oh? Then, why are you so affected? We're trying to kill the fire, bakit mas sinisilaban mo pa. If you don't want her. Hindi ka na lang magsasalita. Napaghahalataan ka." Kumuyom yung kamao ko saka ako marahas na napatayo dahilan para tumumba yung bangko na inuupuan ko. Napatayo rin si Ben at si Alex.
"Kalma, Cole. Masyadong mainit ulo mo." Saway ni Ben sa akin na seryosong nakatayo sa harapan ko habang nakaharang siya kay Lindsay. Bumuntong hininga lamang ako saka ngumiti at napailing.
"Jeez, people. Calm down." Pagsali ni Chloe sa nangyayari. Mabilis niyang inilingkis yung braso niya sa katawan ko. May pwersa, halos. Kaya napaupo ako. Hindi na rin iyon pinansin nung tatlo at nagsiupo na lang. Umalis naman din agad si Lindsay, mukhang nairita sa presensiya ni Chloe.
"I gotta go. Bye." Iyon lang bago siya humalik kay Alex.
"How's your night?" puno nang pangaakit yung titig niya sa akin. Ganon na rin yung lambing sa boses niya. Ngumiti ako at sinimulang paglaruan ang kanyang buhok.
"It was lonely, you want to come over later?" nanlaki naman yung mata niya saka siya umupo sa kandungan ko at mas nilingkis pa yung batok ko. Halos ilang dipa na lang yung layo ng mukha namin saka ako ngumisi.
"I don't want it rough." Mas lalo akong napangisi. Gumapang ang kamay ko sa baywang niya pababa. Mas lumapit naman yung mukha niya.
Bitch.
Pinagala niya rin yung kamay niya sa dibdib ko. Hanggang sa ako na yung naglapit sa kanya sa akin. Hinapit ang batok niya bago ko siya hinalikan. She responded way aggressively. Napahinto lang kami nang tumikhim si Alex.
"hm-b***h-hm." Kunwari'y pag-ubo naman ni Ben. Matalim naman niyang tinignan si Ben at halos mamula na yung buong mukha niya. Nagpaalam na rin siya sa akin kasunod yung mga alipores niya sa labas.
"Dude, kailan ka ba titino? Umagang-umaga nagpapainit ka."
"I'm just giving her what she wants." Sagot ko pa saka ako umayos nang pagkakaupo.
"Talaga? Is that what you want?" Binatukan ko naman si Alex. Saka ako natatawang umiling-iling.
"Wala pa ba si Gerald?" Sunod na tanong ko. Sumipat pa ko sa bintana naga-akalang baka matiyempuhan ko si Gerald pero iba yung tumambad sa akin. Napakunot yung noo ko. At matagal na tumitig doon sa babaeng huminto saglit at mukhang nag-isip pa. Kinakausap yung sarili saka ako naman yung napailing. Kilala ko halos lahat ng estudyante rito. Parang ngayon ko lang nakita ang isang iyon.
"Sinong tinitignan mo diyan?" Tanong naman ni Ben.
"May transferee ba tayo?" Siya naman iyong kumunot yung noo.
"Mid-year na. Tapos saka lilipat? Bawal na diba kapag ganon? Kaya sinong magta-transfer. Tsaka bakit ba?" Tanong naman ni Alex na nakatutok na pala ron sa PSP na dala niya.
"Wala, wala." Hindi naman halos lahat kilala ko. Baka ngayon lang iyon napadaan dito.
"Nasaan na ba si Mendez?" Pagi-iba ko sa topic. Sakto namang kararating ng tukmol.
"Present!" Ngiting-ngiti pa siya. Mukhang maganda yung mood. Anong topak ng isang ito? At isa pa, hindi yata na-late ngayon? Umupo siya sa upuan niya na katabi lang nitong sa akin.
"Gusto mo magpamisa ako? Ang aga mo e. Himala yan." Natawa naman si Gerald sa sinabing iyon ni Ben bago niya binato yung huli ng tshirt na kakukuha niya lang mula sa bag niya. Mas lalo akong nagtaka. Ano bang nakain ng isang ito? Hindi naman laging ganito ito. Kadalasan, kapag kapapasok nito laging seryoso.
There's something odd about it.
"Walangya, lalabas muna ko. May dadaanan lang ako sa kabila. Wala pa namang klase hindi ba? May meeting mga teachers?" Hindi niya naman na hintay yung sagot namin saka na siya dali-daling lumabas.
"Sinong pupuntahan ng isang iyon? May pinopormahan na sa kabila?" Magkasunod na tanong pa ni Alex.
"Hindi ko rin alam. I am also curious here." Sagot pa ni Ben na nakatanga pa rin sa pintong nilabasan ni Gerald. Nagpaalam naman agad akong magba-banyo lang ako saglit. Kahit na hindi naman iyon talaga yung gagawin ko.
Paglabas ko'y nakita kong nakasandal si Gerald sa kasunod na pinto namin. Which is Sophie's classroom. Pero hindi naman siya madalas na nagpupunta rito. Ni minsan yata hindi niya pa in-expose yung sarili niya na kapatid siya ni Sophie. Lumapit ako ng bahagya para mas makita ko pa ng mabuti yung ginagawa niya.
And then I saw the girl, the girl who were thinking out of nowhere a while ago. Yung babaeng, kumakausap sa sarili niya.
"Kristine?" Bulalas ko. I was dumbfounded. It is Kristine. It is really her. Tumingin ako ulit kay Gerald na palapit sa kanya, abot tainga ang ngiti habang nakatitig kay Kristine. Imposible. Nagkakausap sila? Bakit hindi ko alam?
Buong pagkakataon na iyon, ay nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Gerald is somehow different from the Gerald I know. Matagal ko na siyang kakilala. Bago sa paningin ko iyong ngiti na iyon. Nagtagis ang bagang kong lumipat ang tingin kay Kristine saka ako napahilamos sa mukha ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling itong frustration na nananalaytay ngayon sa mga ugat ko.
The Casanova has fallen.
Nagtago agad ako nang makita kong palabas si Kristine.
Hindi ko maintindihin yung sarili ko ngayon kung bakit automatikong gumalaw ang mga paa ko saka ko siya sinundan. Hindi ba't ayaw ko sa babaeng 'to?!
Saka lang ako napahinto nang mabangga siya ng grupo nila Chloe.
"Oh, I'm sorry. I didn't see you there. Are you on a rush?" Napatingin ako kay Kristine na hindi magkandatutong magpulot ng mga gamit na dala niya.
"H-hindi. Wala naman daw klase. P-pauwi na rin ako." Nanginginig na sabi niya.
"Talaga ba? Akala ko papaganda ka na naman. Alam mo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi kung nagpapaganda ka man para kay Hart. Stop it. Look at you, wala namang pinagbago oh. Nakakaasiwa ka pa ring tignan." This isn't right. Dapat natutuwa ako sa pinapanuod ko ngayon o kahit wala man lang akong maging pakialam. Why do I feel like helping her and getting her out of the scene?!
"Tatalikuran mo na naman kami?" tanong ni Chloe na may halong pambabanta sa kanya. Napailing na ko nang makita kong magdatingan pa yung iba naming ka-schoolmate sa eksena.
"Look, Chloe. Wala akong oras ngayon na harapin kayo. Kaya pakiusap, kahit lumuhod ako sa harap niyo ngayon. Gagawin ko paalisin niyo lang ako." Napakunot yung noo ko. Hindi ba marunong talagang lumaban ang isang ito? Sobra-sobra na yung ginagawa sa kanya ng mga tao. Bakit ganito pa rin yung iaasta niya? I know I am one of those people. Pero hindi niya kailangang tanggapin na lang lahat ng iyon.
Fuck! Why am I even concern about her?!
"Sure! Kneel down then!" I felt the urge of going to her pero mabilis kong pinigilan yung sarili ko saka kumuyom na lang yung mga kamay ko.
These people around them? Magbubulungan na lang ba sila? Hindi ba nila kayang pigilan yung nangyayari?
"And kiss my freaking shoes too." Nagtagis yung mga bagang ko nang marinig ko pa yung mga sari-saring kumento ng mga tao sa paligid ko. If I am going to summarize all of it iyon yung natatawa sila sa katangahang ginagawa ni Kristine. This is stupidity! It is! Hindi ba tatayo ang isang ito?!
Dumukwang pa si Chloe sa nakaluhod ng si Kristine saka may binulong. Saglit na nakakita ako ng pagkadisgusto sa mukha niya at matapos non ay luminga-linga pa siya. And then, our eyes met. She saw me. She freakin' saw me with my f*****g stiffened situation right now!
My heart is pounding. Hindi malaman kung magtatago ba ko. I just did the usual cold stare I gave her kahit na maskara lamang iyon para sa akin. Siya na rin itong nag-iwas nang tingin bago tuluyan niya nang hinalikan yung sapatos ni Chloe.
Napuno ng tawanan at ingay yung paligid ko. Napailing na lang ako sa sobrang iritasyon sa nangyari at sa sarili ko. Minabuti ko na lamang na umalis, dali-dali akong dumiretso sa likuran ng school.
Agad akong umakyat sa puno na nasa gitna nito saka ako naghanap ng sangang mauupuan bago ako sumandal. Pinikit ko ang mga mata ko. Kailangan kong mag-relax. Kasi kapag hindi. Mababaliw ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Hindi ko pwedeng isipin ng isipin si Kristine ng dahil lang sa may gusto na sa kanya si Gerald. Hindi ko lang lubos maisip na umabot si Gerald sa ganitong sitwasiyon.
At bakit ngayon pa ko makikialam kay Kristine?
"Hoy puno! Nandito na naman ako." Napabalikwas ako at kung hindi ko pa naisipang humawak sa kinauupuan ko ay malamang nahulog na ko. Damn it! Sino ba—
"Alam mo na siguro kung bakit." Kristine?
"I'm sorry, kasi kapag may problema ako ikaw lagi yung sinasabi ko. Pero ayaw mo ba non? Araw-araw naman kitang napupuntahan kasi araw-araw din akong may problema." Seryoso akong sumandal ulit sa puno saka ko ipinikit yung mga mata ko.
I found myself listening to her kahit na hindi naman dapat. Humalukipkip din ako.
"Hindi ko naman gustong lagi akong pinagdidiskitahan ng Chloe na iyon." I heard her sob. Mahina akong tumikhim.
"Bakit ba kasi hindi ko magawang lumaban?"
Bakit nga ba?
"Ayoko nang umiyak sa totoo lang. Ayoko na."
Then don't, stupid.
Maya lang ay nag-ring yung cellphone niya. It's not mine. Mine's on silent. Kaya alam kong sa kanya iyon.
Hello?" garalgal pa rin yung boses niya.
"Masakit sa tainga, Sophie! Wag kang sigaw ng sigaw. Manang-mana ka talaga sa kapatid mo." Napadilat ako. Seriously? How close did they get? Nasisigawan na siya ni Gerald. So, how f*****g close?!
"Okay lang ako, bff. Saan mo ba nabalitaan yon? Hindi naman iyon totoo." Ang alin? Yung nangyari kanina? You're not a good actress stupid.
"Nasa bahay na ko. Sorry ha, hindi niyo ko narinig na nagpaalam kanina." Nagtagis pa muli yung bagang ko. Hindi sabi magaling na magsinungaling, bakit ba nagsisinungaling pa ang isang ito?
"Yes." Tumayo ako sa sobrang inis na nararamdaman ko dahil sa pagsisinungaling niya. Dahil tuloy doon ay may bumagsak na sanga kaya naman napatago ako ng husto nang makita ko siyang nakatingala pala.
"N-nagbigti?" Mahigpit ang kapit ko sa puno. Iniingatang huwag malaglag. Kung hindi, mahuhulog talaga ako at kapag nakita niya pa ko. Hindi ko alam kung paano ako magdadahilan.
"S-sira ka ba?" Hindi ba matatapos yung tawag na iyon?
"A-ang aga-aga ha! Tsaka n-nasa bahay na nga ako 'diba? B-bye na nga!" Isa pang dukwang saka ko nakitang nakatingin na ulit siya sa iabang direksyon napangiti pa ko nang makita ko yung takot sa mukha niya. Mukhang natakot ko yata?
Binaba niya na yung cellphone niya saka walang lingon-likod na tumakbo paalis.
Hindi mawala yung ngiti kong nakatanaw sa kanya.
She's too precious, yet fragile. If I am going to sum it up, magkaiba sila nung babaeng iyon. She needs protection from everyone.
Including me.