Chapter 9

2284 Words
Chapter 9 Creepy Kristine's POV "Mukhang type ka ni Kuya." Sa lahat-lahat ng mga sinabi niya sa akin sa umagang ito. Doon ako pinakanainis. I mean, kung nangiinis man siya ha. Kasi, seryoso? Sinasabi niya sa'kin iyon? Isa pa, sinong matino ang maniniwala sa sinabi niyang iyon? "Bff, imposible. Kasi kahapon lang, tinapat niya ko na I am not his type and I assumed that I will never be his type at pinagpasalamat ko 'yon. Kaya imposible iyang sinasabi mo." Natigilan naman siya matapos iyon. Kunot noo akong nag-focus sa kanya. Grabe lang ha. Hindi ko na matapos itong kinakain ko. Binaba ko ulit yung kutsara kong isusubo ko na lang ulit sana sa bibig ko. Saka ako ulit mataman na tumitig sa kanya. "Ano ba? Papaubos mo ba muna 'tong breakfast ko sa'kin o magpapatuloy ka muna sa pagdaldal diyan hanggang sa lumamig yung pagkain?" Inis na tanong ko sa kanya. "Teka lang kasi, last question na." nagkibit balikat naman ako at hinayaan siyang magpatuloy. "Sinabi niya ba talaga 'yon?" Nangunot muli yung noo ko. "Ang alin?" nangimi naman siya saka siya naman yung tumitig sa pagkain niya at sumubo. "Na hindi ka niya type." Tumango ako bilang kumpirmasyon. "I mean, hindi ko naman din kasi tinanong kung type niya ko o ano. Pero bigla niya na lang kasing sinabi 'yon. Kaya nakakainis din, kasi ang tanong ko lang naman sa kanya ay kung mukha pa ba akong nerd dahil sa make over na nangyari." Paliwanag ko pa sa kanya. Nanatili naman siyang nakatulala at nakanganga na nakatitig sa'kin hanggang matapos ko iyon. Ano bang big deal doon? "Hoy, bff! Baka ma-late tayo. Hello?" kumaway-kaway pa ko sa harap ng mukha niya. Napasandal ako sa upuan ko saka ako humalukipkip. Anong nangyari rito? Na-stroke yata? "Iwan na kita? Di ako magdadalawang isip." Sunod na sabi ko pa. Umangat naman siya sa inuupuan niya saka niya ko inabot at hinampas sa braso. I winced. "Masakit!" "Gaga ka kasi!" Ganting sigaw niya pa. "Hala at ako pa nga? Ikaw itong parang tanga na natulala bigla diyan." Sabi ko saka ako tumuon na at nagpatuloy ulit sa kinakain habang umiiling-iling. "Nakatulala ba ko?" She laughed in an awkward way. "Don't mind me. Sige na kain na tayo ulit." Nag-peace sign pa siya saka naging sunud-sunod na yung pagsubo niya. Ganon na lang din yung ginawa ko. Hindi ako pwedeng pumasok ng walang laman yung tiyan ko. Kailangan ko 'to para sa utak ko. Hanggang sa matapos kaming kumain ay wala nang nagsalita sa amin. Nag-ayos naman na agad ako. I also applied those remedies Tita Bree gave me yesterday. Sumusunod lang ako sa kanya. Bilang masunurin naman talaga akong bata. Saktong eight am nang makarating kami ni Sophie sa school. Hindi ko kinalimutan yung cap dahil ayokong ipakita yung buhok ko sa mga tao rito sa school. Ayos na siguro yung makita nilang hindi ako nakasalamin. Dali-dali kaming tumakbo ni Sophie nang mag-ring na yung bell. Hihingal-hingal pa kami nang marating naming yung room, mabuti at wala pa yung teacher namin. Ang kaso, yung mga mata nitong kaklase ko lahat nakatuon sa'kin. Naramdaman ko naman yung paghawak ni Sophie sa braso ko saka niya iyon bahagyang diniinan. Napatingin ako sa kanya. She's smiling at me na para bang sinabi na there's nothing to worry about kasi kasama ko siya. Ngumiti ako pabalik. "Chin up and be proud. Okay?" Kinindatan niya pa ko matapos non. Kaya kahit na nahihiya ako. Sumunod na lang din ako sa kanya. Pilit na pilit iyon because I still don't have the confidence na kailangan ko ngayon. Tinaas ko yung tingin ko. Lahat pa rin sila'y nakatingin sa akin. Kaya mo 'to Kristine! Sophie's here with you. Lumunok muna ako saka ko sinalubong yung tingin ng mga kaklase ko saka ako ngumiti. Yung iba halatang naga-atubiling ngumiti pabalik. Yung iba nama'y nag-approve sign sa akin. Iyon na yata yung pinakamatagal na oras ng buhay ko hanggang sa makarating kami ni Sophie sa kanya-kanya naming upuan. At kahit na hanggang dito sa upuan sinundan pa rin nila ako ng tingin. Yung iba naman hindi na nakapagpigil at talagang lumapit na sa akin para usisain ako. They all gave me compliments. Kung isu-summarize lahat ng iyon ito lahat iyon. "Blooming ka, girl! Laki ng ginanda mo!" Yeah, to sum it all up. Iyan yung sinasabi nila halos. So ano na? Gandang hindi inaakala ako ngayon? Ganon ba talaga ako kapangit dati? Pansin ko ang paghinto nilang lahat. Lahat sila'y napatingin sa pinto. Anong meron? "I think, Kuya's looking for you. Tignan mo." Lumingon naman ako sa direksyon na itinuro niya. Napapikit ako nang mariin nang makita ko siya. Anong ginagawa niya rito? Presko pa siyang nakasandal sa pintuan namin. Kanina pa ba siya ron? "Oh My Gee! Bakit nandito si Prince Gerald?" rinig kong untag ng isa sa mga kaklase ko. "s**t! Alam kong nandito siya para sa akin!" Sunod na sabi pa ng isa. "Hindi ako nakapag-make up. Paano ba 'to?" Halos nagpa-panic naman ang isang iyon. Nagtama ang tingin namin. I felt my skin shivers. Bakit ganito? Bigla namang lumakas yung kabog ng dibdib ko nang magsimula siyang lumakad papunta sa direksyon ko. Hinigit ko yung paghinga ko nang tabihan niya pa ko sa upuan saka niya ko pinagmasdan pa nang nakapangalumbaba. "Good morning, Nerdy!" Nakangisi niya pang bati sa akin. "What? Kilala niya si Kristine?" bulong ng isa kong kaklase na malapit sa akin. Gosh! Malamang kuyugin ako mamaya! Hindi ko rin magawang tumingin, lumingon sa kanya. Naiilang ako. Samantalang kahapon kung away-awayin ko siya ganon na lang. Bumuntong hininga ako saka ko tinanggal na yung cap na suot ko. Lumadlad pa yung tuwid at mahaba kong buhok. Narinig ko pa yung pag-gasp ng mga kaklase ko saka umatake na naman yung bulungan nila rito sa loob ng classroom. "What are you even doing here, Kuya?" Inis na tanong ni Sophie sa kanya. "Bakit? Masama ba? I'm just checking on Kristine. Baka kasi hindi nakapasok. Tsaka ikaw, tinitignan ko baka tinamad kang pumasok." Paliwanag niya pa. Kinuha ko yung pagkakataon na 'yon para tumingin sa kanila. Mabuti na lang at nakatuon na kay Sophie yung tingin niya. "Gosh! Walang kwenta yang reason mo. Wala ba kayong klase?" inis pa ring tanong ni Sophie sa kanya. "Didn't they announce it? Nag-kansela ng klase. May faculty meeting." Nagtaas ako ng kilay. Walang klase? May meeting? Ano ba naman iyan. Nagmamadali pa man din akong pumasok! "Sorry. Hindi ko alam." Nakataas na kilay pang sabi ni Sophie saka siya nito inirapan. "Who cares?" Panga-asar pa ni Gerald sa kanya. Nagpatuloy silang magkapatid sa pagtatalo. Sinubukan ko pang pumagitna kada tumataas yung tensiyon pero hindi pa rin sila tumitigil. Wala akong magagawa, nagpaalam akong lalabas ako. Kahit na hindi pa rin nila iyon napansin. Kinuha ko lang yung mga gamit ko saka na ko tuluyan nang lumabas. Grabeng magkapatid. Okay lang pala kahit hindi sila magkasama sa bahay. Panigurado akong si Tita ang mahihirapan at ma-stress sa kanila. Para kasing walang ibang tao sa paligid nila. Akala ko nung una hindi sila ganong close. Pero sa nakita ko kanina. Super close sila. Pumunta ako sa madalas kong paglagian. Tutal doon tahimik. Papunta nako sa direksyon noon kaso napaupo ako sa kadahilanang may nakabangga sa akin. Pinulot ko pa yung mga dala kong gamit. Saka ako tumingala para tignan kung sino iyon. At sa ginawa kong iyon, napagalaman kong sinadya niyang banggain ako. "Oh, I'm sorry. I didn't see you there. Are you on a rush?" Nangiinis niya pang tanong habang nakahalukipkip. Maingat akong tumayo dahil na rin sa naramdaman kong sakit ng likod ko. "H-hindi. Wala naman daw klase. P-pauwi na rin ako." Nanginginig ko pang sabi. "Talaga ba? Akala ko papaganda ka na naman. Alam mo, hindi ka ba nagsasawa? Kasi kung nagpapaganda ka man para kay Hart. Stop it. Look at you, wala namang pinagbago oh. Nakakaasiwa ka pa ring tignan." Natatawa pa niyang sabi. Ganito na lang ba palagi yung magiging araw ko? Kailangan ba puro lait yung matatanggap ko mula sa kanya? Nasa routine ba nila 'to? Umiling na lang ako. Nagtangka akong huwag na lang silang pansinin pero nang nasa gilid niya na ko'y hinablot niya yung braso ko saka niya ko marahas na binalik sa kinatatayuan ko kanina. Pagak siyang tumawa saka niya ko tinaasan ng kilay at tumingin sa akin ulit. "Tatalikuran mo na naman kami?" Sinuyod ko pa ng tingin yung iba pa niyang mga kasama. They're just like her clone. Kasi lahat ng gagawin ni Chloe. Siya ring ginagawa nila. Alam ko, role model nila si Chloe pero sobra yata itong ganito? "Look, Chloe. Wala akong oras ngayon na harapin kayo. Kaya pakiusap, kahit lumuhod ako sa harap niyo ngayon. Gagawin ko paalisin niyo lang ako." Nabago nga yung itsura ko pero kahit ganon hindi pa rin nito nabago yung takot na meron ako kay Chloe. Malakas pa siyang tumawa bago nagsalita, "Sure! Kneel down then!" nanlaki yung mata ko pa. Kasunod noon yung pagngisi niya. "And kiss my freaking shoes too." Isa pang ngisi yung natanggap ko mula sa kanya. Pansin ko yung unti-unting pagdami ng tao sa paligid namin. Sobra na 'to! Sobrang kilala na ko nito. Sobra na! Labag man sa loob ko pero marahan pa rin akong lumuhod. Wala akong magagawa. Susundin ko na lang yung gusto niya. Hindi na ko nagtangkang tumingin sa paligid dahil pakiramdam ko maiiyak ako kapag nakita ko silang nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako. Yumuko siya saka bumulong sa akin. "And look who's here. Your one and only Hart." Kumurap kurap yung mata ko pinipigil yung mga luhang nagbabadyang pumatak sa pisngi ko. Saka ko nilibot na yung paningin ko. Our eyes met. Yes. He's here. And yes, he's here to see me get humiliated. Salubong ang kilay niyang nakatitig sa'kin. Bumuntong hininga na lang ako saka ako tumingin sa paanan ni Chloe. Marahan kong binuhat yung kanang paa niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Natatawa na naiiyak? Natatawa kasi, nakakatawa yung sarili ko na halos araw-araw pinapayagan na mangyari sa'kin yung ganitong eksena. Naiiyak, kasi nandito si Hart. Nagaatubili man pero tuluyan ko nang hinalikan yung sapatos niya. Narinig ko yung sigawan at tawanan ng mga tao sa paligid ko. Mabilis akong nag-angat. Wala sa akin yung tawa nila. Ang agad hinanap ng mata ko ay yung taong kinamumuhian ako. Pero wala na siya, hindi ko na siya nakita. Tumayo ako saka tumakbo na paalis mula roon. Dumiretso ako rito sa dapat ay kanina ko pa napauntahan, but Chloe happens. Sumandal ako sa malaking puno na lagi kong pinaglalagian kapag gusto kong mag-isa. Narito ito sa likod ng school. Madalang ang mga napupuntang estudyante rito. Kadalasan ay wala pa. "Hoy puno! Nandito na naman ako." Pinigilan ko yung luha ko. "Alam mo na siguro kung bakit." Saka ako pilit na napangiti. Parang may buhay iyon kung kausapin ko. "I'm sorry, kasi kapag may problema ako ikaw lagi yung pinagsasabihan ko. Pero ayaw mo ba non? Araw-araw naman kitang napupuntahan kasi araw-araw din akong may problema." Para akong tanga. Kinakausap ko yung isang bagay na alam ko namang kailanman hindi ako matutulungan. Yung kaninang luhang nagbabadya ay tuluyan nang bumagsak sa mga pisngi ko. "Hindi ko naman kasi gustong lagi akong pinagdidiskitahan ng Chloe na iyon." Sumingot pa ko. Saka ko marahas na pinahiran yung luha kong walang hinto sa pagpatak. "Bakit ba kasi hindi ko magawang lumaban?" Hindi ko tuloy magawang kusutin iyon ng matindi dahil lang sa contact lense na suot ko. Nakakainis! "Ayoko nang umiyak sa totoo lang. Ayoko na." Pahinang sabi ko pa. Sandaling katahimikan yung nangyari saka ako napatalon sa gulat nang mag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko saka ko sinagot. "Hello?" garalgal pa rin ang boses ko. "Oh my God, Bff! Anong nangyari sa'yo?! Okay ka lang ba?!" Halos maibato ko yung cellphone ko nang marinig ko iyong pagsigaw niya. Hindi naman kailangang sumigaw! Nanunuyo na yung luha sa pisngi ko. Maya-maya lang ay nahinto na rin ako sa pag-iyak. "Hello! Nandiyan ka pa ba?!" napangiwi na lang ako. "Masakit sa tainga, Sophie! Wag kang sigaw ng sigaw. Manang-mana ka talaga sa kapatid mo." Reklamo ko pa. Totoo naman kasi. Ganon din yung ginawa ni Gerald sa akin kahapon. Nung pilit niyang pinabubuksan yung kotse. "Hoy! Umayos ka nga! Huwag mong ibahin yung usapan! Tinatanong ko kung ok ka lang! Bigla-bigla kang umaalis ng hindi nagpapaalam. Nag-alala kami ni Kuya sa'yo! Tapos mababalitaan lang namin na pinahiya ka na naman ng Chloe and Friends?! Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!" Hindi pa rin siya nahinto sa pagsigaw. Kaya tiniis ko na lang iyon. Ganito naman talaga siya kapag naga-alala at galit. Overprotective lang talaga siya. "Okay lang ako, bff. Saan mo ba nabalitaan yon? Hindi naman iyon totoo." Sabay tawa ko pa. gosh Kristine! Sound convincing naman! "Nasa bahay na ko. Sorry ha, hindi niyo ko narinig na nagpaalam kanina." Wala akong magagawa kundi ang magsinungaling. Pero totoo naman na nagpaalam ako diba? Ngumiti na lang ako. Kahit na may halo pa ring lungkot iyon. "Sigurado ka ha?" doon na lamang kumalma yung boses niya. "Yes." Pinigilan ko ulit yung paghikbi ko. Tumingala pa ko para pabalikin yung luhang nangingilid na naman sa mata ko. Saktong pagtingala ko ay may nalaglag na sanga ng puno kaya napaiwas agad ako. Nanlalaki naman yung mata kong pinagmasdan iyon. Gosh! Bakit tumaas bigla balahibo ko? Pakiramdam ko rin may nakatingin sa akin. M-may kasama ba ko rito? M-may multo— "Sige akala ko kasi nasa likod ka na naman ng school. Babalaan kasi kitang huwag ka nang magpupunta roon kasi balita ko may nagbigti raw doon." Lumakas naman yung kabog ng dibdib ko. "N-nagbigti?" Jusko! Kanina pa ko natatakot dito ha. "Oo balita ko it happened a year and a half ago? Babae." Napapikit ako ng mariin saka nilunok yung bikig sa lalamunan ko. "S-sira ka ba?" pilit pa kong tumawa. "Hindi ah. Totoo kaya yon." "A-ang aga-aga ha! Tsaka n-nasa bahay na nga ako 'diba? B-bye na nga!" Bago ko pa ibaba yung tawag ay may isang ulit sangang nalaglag. Sabi ko na nga aalis na ko! Pinatay ko na yung tawag niya. Saka ako nagmamadaling tumakbo paalis doon. Ang creepy! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD