Chapter 8

1375 Words
Chapter 8 Breakfast Kristine's POV Mahabang buntong hininga yung ginawa ko ng sa wakas ay makauwi rin ako sa bahay. Kanina ko pa gustong-gustong umuwi dahil sa sobrang pagod ng nararamdaman ko. Parehas kaming bumaba ng kotse. Katulad kanina. Hindi niya ko pinagbuksan. Yung totoo? Ano bang issue ko sa pagbubukas niya o hindi? "So, bukas ulit? Sunduin kita?" Nangunot ang noo ko matapos akong mapahinto sa pagbubukas ng gate namin. Wala akong balak lingunin pa sana siya dahil hindi ko na kaya yung pagod, at wala akong balak magpasalamat para sa nangyari ngayong araw. Pilit akong ngumiti saka lumingon sa kanya. I mean, baka sabihin niya pang wala akong utang na loob sa kanya hindi ba? "Maglalakad na lang ako. Ayoko ring iwan kasi yung habit ko na iyon. Sige, ikaw din kapag nasanay ako magsasayang ka ng gas." Nakita ko ulit yung pamilyar na ngisi niya. Inikom ko yung bibig ko. "So, paano bukas? Galit-galit ulit? Ayoko namang sabihin ng kaibigan mo na nakikipaglapit ako sa'yo para lang mapalapit sa kanya. Alam ko rin namang takot ka sa kanya." Sabi ko pa. Ngumiti ako, yung halos hindi na makita yung mata ko. "If you don't want it. It's fine with me. Nagmamagandang loob lang ako para sa kapatid ko." saglit kaming natahimik. I can still smell a bit of awkwardness between us gawa ng hindi ko pa siya lubusang kilala. Kaya naman nung nagpaalam siya'y nakahinga na ko ng maluwag. "I'll see you tomorrow then." Iyon lang saka na siya sumakay ng kotse niya at umalis na. Napailing pa ko bago pumasok sa bahay. Agad na pumanik para makapagbihis na at maiayos na yung lahat ng dala ko. Matapos akong makapag-ayos ay dumiretso na ko sa banyo para makahalf-bath, bawal maligo. Bagong rebond. Pabagsak akong humimlay sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang napagod ako ngayong araw. Sa dami ba naman ng nangyari? Tumayo ako para pagmasdan yung sarili ko sa salamin. Hindi ko maintindihan pero natutuwa ako sa nakikita ko ngayon. Sobrang laki lang ng nabago sa'kin. Ang iniisip ko lang ngayon. Sa pagbabago ko bang ito? Konti na lang ba yung manghuhusga sa akin? Hindi rin, kahit anumang itsura mo basta may nakikitang mali yung tao sa'yo. Gaano ka man kabait, huhusgahan at huhusgahan ka pa rin nila just because they think they're too perfect compared to you. That their life's too perfect compared to yours. Isang mahabang pagbuntong hininga pa yung ginawa ko saka na ko bumalik sa kama para makapagpahinga na. Isang malakas na busina yung gumising sa akin at talagang nauna pa iyon sa alarm ng cellphone ko. Pupungas-punga pa kong dumapa ulit para magpatuloy sa pagtulog kaso isang busina na naman yung narinig ko. Inis kong sinipat yung cellphone ko. Alas cinco pa lang ng umaga! Anong topak ng taong iyon? Inis akong tumayo sa kama ko. Halos magkanda-tali-talisod pa ko papunta sa bintana ng kwarto ko para silipin kung sino iyon. It was Sophie. Kotse niya iyon. Napairap ako sa sarili ko. What is she doing here? Ang aga-aga pa. Ano na namang naisipan ng isang ito? Nakapantulog pa ko. Jusko. Paglabas ko'y sakto namang nakababa na yung bintana niya at ang isang ito hindi pa ko pinansin. Bumaba muna siya ng kotse niya at talagang luminga-linga pa sa likod ko nang nakakunot yung noo. Sino na namang hinahanap nito? "Excuse me, Miss. Hinahanap ko si Kristine. Best friend niya ko. Nandiyan ba siya?" Ngumiwi ako saka ko siya binatukan. "Huwag kang OA, bff. Sasapakin kita." Hinawakan niya naman yung batok niya na kakamot-kamot at tumingin sa akin. "Sinong bff? Ako? I mean, si Kristine lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. Now, where is she?" tanong pa niya sa seryosong mukha. I took a step back. Anong ginawa ba sa akin? Hindi naman ako nagpa-plastic surgery. Sa salon lang naman ako dinala kahapon ng kapatid niya. Hindi pa ko natatapos mag-isip ay bumunghalit na siya ng tawa. Yung tawang kaparehas na kaparehas ng kay Gerald kahapon pero babaeng version yung sa kanya. Blangko ang mukha kong humarap ulit sa kanya. "Ano na naman ba?" tanong ko sa kanya. "Y-your—" tawa. "Your f-f-face—" tawa. Tumango ako. Yep, parehong-pareho sila ng Kuya niya. Walang pinagkaiba. "Should I call your crush para naman may kasama kang tumawa diyan." Doon na siya natigilan. Umismid pa siya sa akin saka umirap. She even flipped her hair and crossed her arms. Ibang klase talaga ang isang to. "Alis ka nga." Tinabig niya pa ko saka pa siya dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Hindi man lang nagpaalam. At home na at home kasi siya rito sa amin kaya ganyan. Sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Pabagsak siyang umupo sa couch na naroon saka niya ko tinitigan. "Bakit ba ang aga mo? Five am pa lang oh." Sabi ko pa sabay upo rin sa tabi niya. "Gaga! Five twenty na o." Untag niya pa. Talagang nasisiraan na ng bait ang isang ito. Pinagikom niya yung bibig niya. Maya-maya lang nakita kong nakangiti na siya saka niya tinakpan yung bibig niya at mukhang maiiyak pa. "I'm here to see what miracle did to you. Sobrang nakaka-proud bff. Like, look at you! Ang ganda-ganda mo. Di ko kaya itong nakikita ko. Like super nakaka-proud talaga. I never thought I would see you like this someday." Pinaypayan niya pa yung mukha niya gamit yung dalawang kamay niya. Pinapakita niya pa talagang konti na lang maiiyak na siya. Tumayo ulit ako. "Diyan ka na ha? Maghahanda na lang ako ng breakfast ko." Akma sana akong tatalikod nang magsalita siya ulit. "Grabe, ang bait naman ng bff ko. Hindi man lang nagawang itanong kung nakapag-breakfast na rin ba ko or pumunta ako rito kahit di nakakapag-breakfast kasi excited akong makita siya. Hindi ba?" ngumiwi ako saka ulit humarap sa kanya. "So, hindi ka pa nagbe-breakfast?" "I was so excited na makita ka. Kaya hindi na ko nag-breakfast. Kasalanan mo kasi kaya dapat ipagluto mo rin ako ng breakfast hindi yung hindi ka magtatanong diyan. My gosh!" Umirap na lang ako sabay tumungo na sa kusina. Malakas talaga ang tama sa utak ng isang iyon na kahit kailan hindi ko maiintindihan. Tatlong itlog at leftover na kanin ang nilabas ko mula sa ref. Saka ko iyon sinimulang lutuin. Matapos ay nagsalin na ko ng gatas sa tig-isang baso saka ko siya tinawag. "Tara na, bff." Wala pang isang segundo na tumayo siya at sumugod sa lamesa na akala mo mamaya ay lalaban siya sa giyera. Ni hindi na nga niya nakuha magdasal pa. Hindi naman sa relihiyosa ako. Pero kasi nakagawain na naming iyon ni Mama at noong narito pa ang Ate. Umupo na rin ako. Hinayaan ko siyang kumain. Pumikit ako saglit saka nagdasal. Pagmulat ko nabungaran ko pa siyang tinititigan ako. "Ano na naman ba iyon?" Tanong ko na may halong reklamo. Ngumiti naman siya bago umiling. Saka nagpatuloy na ulit sa pagkain. "Di lang talaga ako makapaniwala kasi." Sabi niya nang sumusubo na ko ng kanin. Tumitig ulit ako sa kanya. "Sino ba kasing nagsabi sa'yo na ipa-makeover ako?" Tanong ko pa. Hindi nalingid sa akin yung palihim niyang ngiti. Kaya nagtaas ako ng kilay. Nawala naman agad iyon nang mapatingin siya sa akin. "Si Kuya. Sino pa ba? Ako ba? Kung ako lang okay lang talaga sa akin yung istura mo dati. Kasi naman maganda ka na rin naman noon. Isa pa, kung may iniutos man ako, hindi naman ganyan." Paliwanag niya pa. Nagpanting yung tainga ko sa huling sinabi niya. "Sophie." I called her name with a warning tone. Napatingala pa siya muli sa akin habang lumalaylay yung scrambled egg na nakasubo sa bibig niya. Marahan niyang nginuya iyon. Maingat. Na para bang ingat na ingat na hindi magkamali. Palunok-lunok pa siya at marahan din tumaas ang kamay para mag-peace sign. She smiled between those eggy-look. "Kahit kailan ka talaga Mendez!" Sigaw ko pa. Natawa naman siya ng malakas. "Worth it naman, 'diba, bff? Masaya ka naman hindi ba? You should thank me for that nga e." "Ewan ko sa'yo. Parehas na parehas kayo ng Kuya mo!" Nagkasalubong ang mga kilay ko. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain hanggang sa siya naman yung napansin kong huminto. Tumingala ulit ako sa kanya. Ano na naman bang meron? Hindi na ko matapos sa kinakain ko. "Bff, you know what?" kinuha ko yung baso ng gatas saka ko siya tinaasan ng kilay. "What?" I asked back saka ako nagpatuloy sa pag-inom ng gatas. "Mukhang type ka ni Kuya." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD