Chapter 7
Hunger
Kristine's POV
"But still not my type." Still not his type? Bakit? May tinanong ba ko kung type niya na ko? Ngayon? Ngayong nagbago na itsura ko? Hindi naman diba? Tinanong ko lang kung katulad pa rin ba ng dati. Yung nerd pa rin yung itsura. Yung hindi maatim tignan ng lahat. Hindi ko na alam kung talagang kapatid ba ni Sophie ang isang ito. Napakalayo kay Sophie. May pagkakatulad, pero malayo talaga.
Kahit naman din papaano. Si Sophie sa academics nage-excel. Yun nga lang sa recitation mahina si Sophie kaya panay patulong sa akin. Ugh. Bakit ba napunta sa academics yung usapan. Nahihibang na siguro ako gawa nang muntik na kong masagasaan kanina.
Dumiretso na kami sa sasakyan niya. Saka kami umalis na. Hindi ko maintindihan kung bakit wrong timing yung gutom ko. E 'di sana nagyaya na ko sa mall kumain hindi ba? Baka kapag nagyaya ako mainis na naman 'tong mayabang na lalaking 'to. Ay este. Si Gerald.
Hindi ko na maintindihan yung gagawin kong biling kapag alam kong tutunog na yung tiyan ko. Hindi ko na rin alam kung paanong ubo pa yung ipapalusot ko. Walang tigil sa pagtunog. Nakakahiya! Sana hindi naririnig ni Gerald.
Nabaling ang tingin ko sa kanya. Wala pa rin sa kanya. Hindi niya siguro talagang naririnig. Kasi mahina naman e. Tsaka kunwari naman umuubo ako or tumutunog yung leather nung nuupuan ko kada gumagalaw ako. Huh! Mabuti na lang at pinanganak akong brainy!
Hindi ko na kaya. Ilang pagtunog pa ang nangyari. Mamamatay na talaga ako sa gutom! Maya-maya lang baka may makita na kong start sa paligid dahil sa sobrang gutom na nararamdaman ko.
Sunud-sunod pa yung naging galit ni Godzilla sa loob ng tiyan ko. Ang sabi niya. Lalabas siya sa tiyan ko kapag hindi pa siya nakakain.
Tumingin ulit ako kay Gerald.
Na ipinagtaka ko.
Tawa siya ng tawa. Sobrang lakas at habang nagmamaneho pa iyon. Baka gusto niya kaming maaksidente? Hinampas ko yung balikat niya.
"Hoy lalaking puro kahanginan yung nalalaman. Anong nangyayari sa'yo? Naka-drugs ka ba? Tawa ka ng tawa diyan!" Sinamaan ko na siya ng tingin. At ang isang ito, ayaw pa ring tumigil katatawa. Baka may sapi na 'to?
"A-ang—" tawa.
"Pang—" tawa.
"A—pa—" tawa.
Maluha-luha na siya katatawa pero hindi pa rin siya tumitigil. May nakakatawa ba? Ano ba kasing nakakatawa talaga? Alangan naman yung mukha ko? Ang ganda kong 'to? Tapos tatawanan niya lang.
"Hoy ano ba?! Bakit ba tawa ka ng tawa?!" Sigaw ko pa sa kanya.
"Hind—hindi—" tawa.
"hindi n—" tawa.
"Ayoko na tumawa." Tawa. Grabe sa lahat ng sinabi niya itong pinakahuli lang yung nabuo niya. Gigil akong bumuntong hininga ng ilang beses saka ako nagsalita.
"Osige. Tumawa ka na lang ha. Hanggang mamaya. Huwag na huwag kang magsasalita. Kundi lagot ka kay Sophie." Bahala siya. Tumawa siya diyan. Siya naman magmumukhang tanga.
"Bahala ka." Huling sabi ko. Basta ako nagugutom na. At kapag hindi pa ko nakakain baka siya na yung kainin ko ng buhay.
Mukha namang nakaramdam si yabang. Nag-park kami sa tapat ng restaurant. Natigil na rin siya katatawa. Kanina kulang na lang mahubaran siya kakikisay dahil sa katatawa niya e. May sira na yata sa utak talaga itong tao na to. Sabihin ko nga kay Sophie para mapa-check up nila ni Tita. Kawawa rin naman kasi.
Hindi ako bumaba agad ng sasakyan. I am waiting for something. Alam ko naman kasing hindi niya ko pagbubuksan. Kasi gentleman siya. Napairap ako sa sarili ko. Kanina niya pa ko di pinagbubuksan ng pinto e. Pansin ko lang. Pero ngayon let me test him.
Ilang segundo pa ang hinintay ko. Binuksan ko na rin yung bintana sa gilid ko para makita ng maayos kung pagbubuksan niya ko. At eto, maya-maya lamang lumapit siya.
Nakaramdam din. Diba? Napangiti ako.
Pero mali ako. Dumukwang pa siya sa bintana saka nagsalita.
"Ano? Bababa ka ba diyan? O mamimilipit ka na lang ulit sa gutom? Pili." He even smirked at me. Napanganga ako. Saka ko natakpan yung mukha ko.
OMG! Now that gives me an idea kung bakit siya tawa ng tawa kanina! Hindi! Hindi pwede! Abot-abot na kahihiyan iyon kapag nagkataon!
Aakto na lang ako na parang walang nangyari. Tatanungin ko na lang siya ng inosente kung bakit siya tumatawa kanina. Kunwari hindi ko alam. Hindi ba? Tapos tatanggi ako. Sasabihin ko na lang hindi ako komportable kaya ganon. Tama. Tama!
Binuksan ko na yung pinto nitong kotse. Nauna pa siyang pumasok sa loob ng restaurant. See? Napaka-gentleman talaga ng isang ito. Walang tapon.
Sa b****a na lang kami umupo dahil iyon lang yung may pandalawang bakante. Nilapitan agad kami ng waiter na nasa malapit saka kinuha yung order namin. I ordered the same as his kasi naman sobrang nakakahiya na sa kanya kung mahal pa yung orderin ko.
Hinintay ko lang na makaalis yung waiter saka ko siya tinitigan. Matagal iyon. My eyes shrunk into thin line. Napansin niya rin iyon kaya ng hindi makatiis ay nagtanong na rin siya.
"What are you looking at?" tumaas yung kilay ko.
"Bakit ka tumatawa kanina?" walang pakundangan kong tanong.
"Kanina? Kailan?" Halata namang nagpapatay malisya siya. Hindi bumenta sa'kin. Sorry. Isa pa, hindi bagay umarte sa kanya. Not natural.
"Nung nasa loob tayo ng kotse. Huwag kang magkaila!" Medyo napataas pa yung boses ko kaya halos lahat ng nasa paligid namin ay napatingin sa direksyon namin. Dumukwang naman siya sa akin.
"Hinaan mo yung boses mo. Nakakahiya. Restaurant 'to." At talagang patatahimikin niya pa ko ha!
"Tatahimik lang ako kapag sinabi mo na yung dahilan sa akin. And don't you dare lie to me. Magaling akong kumilatis!" Talaga lang Kristine? Bumalik ulit yung pagpipigil niya ng tawa. Huh! Sana lang mautot siya. Nang siya naman yung masira. Dami pa namang magagandang babae rito sa loob. Sira image niya kapag nagkataon.
"E kasi—" tawa. Sige lang.
"Lakas mo pa. Sino bang mapapahiya? Ako ba?" Lakas loob kong tinaasan pa siya ng kilay. At bakit ganito? Sobrang hyper ko ngayon. Sa kanya lang naman ako ganito ngayon? Samantalang si Sophie minsan ko lang mapakitaan ng ganitong side. Hala! Kinulam ako ng isang ito panigurado!
Dumating yung waiter dala yung pagkain namin kaya siya biglang napaayos. Napaka-wrong timing naman oh.
Tahimik lang kaming kumain. Walang imikan. Kasi ako gutom talaga ako at kailangan ko lahat ng ito sa katawan ko. Napansin ko pa yung pagtingin niya sa'kin sabay ngiti pero hindi ko pinansin. Ayoko nang tinititigan ako habang kumakain ako. Para pa naman akong patay gutom kapag kumakain.
"Mabulunan ka naman." Sabi pa niya. Umirap ako. Sunud-sunod yung pagsubo ko ng pagkain. Bago nagpaalam ako sa kanya na magpupunta ako ng restroom. Kinuka ko yung bag ko na naglalaman ng mga binigay sa akin na kung anik anik ni Tita Bree. Sabi niya kasi tatlong beses kong gagamitin itong mga ito sa isang araw. Ewan ko ba kung ano 'to.
Naglagay ako nung parang foundation sa mukha ko. Saka na rin yung bigay na lipgloss sa akin. Ngayon lang 'to. Ngayon lang ako natutong lumandi.
Sumusunod lang naman ako kay Tita Bree kaya hindi paglandi yung tawag dito.
Saglit lang din ako saka lumabas na kung saan nakita kong naghihintay na sa akin si Gerlad na tapos na ring kumain.
"Tara na ba? Ang tagal mo yata?" ngumiwi ako saka ako na yung naunang lumabas sa kanya. Aba kailangan minsan ako naman mangi-iwan din. Di ko pa siya ganon kakilala. Hindi sa lahat ng oras feeling close.
Sumakay ako sa kotse.
Sana naman iuwi niya na ko. Baka naman kung saan na naman kami magpunta. Aba, napapagod din ako.
"Gusto mo pa ba pumasok?" Tanong pa niya. Bigyan ko siya ng tingin na seryoso-ka-ba?
I mean papasok ako kung maaga pa. Pero naman kasi. Anong oras na? Ano pang matututunan ko?
"Gusto ko nang magpahinga. Sabi mo naman excused tayo ngayong araw, 'diba?" tumango lang siya. Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Maya-maya lang nagsalita ulit siya.
"You know, you're really cute." Hindi ko maintindihan kung tititig ako sa kanya o ano. Pero bandang huli tumitig din ako. Naabutan ko pa siyang nakangiti habang nakatingin ng diretso sa daan. Nagtaka naman yung mukha ko. Is he making a move? It's his way, isn't it?
"Hey, I'm not joking. I'm serious. You're really cute." Sabi pa niya ulit. Naiikom ko naman yung bibig ko. Dahil sa seryoso siya. Napahawak pa ko sa pisngi ko at pinigilan ang ngiti. That thought of him being this sincere made me smile.
"Cute ka rin kapag gutom." Mabilis akong tumingin sa kanya nang matawa na naman siya ng malakas. Sabi ko na! Sabi ko na!
Nakakahiya talaga!