Chapter 6

2196 Words
Chapter 6 Not My Type Gerald's POV "Get rid of that picture, please?" Mariin akong napapikit habang kagat ko ang labi ko. Ilang Segundo ang lumipas bago siguro ako muling nakabalik sa sarili ko. Gusto ko pa sanang magsalita at idepensa yung sarili ko kaso'y nakita ko na siyang nagpapaalam kay Mama. "Thank you po ng marami sa lahat ng ito, Tita. Babalik po ako kapag nagkaron ako ng oras or kada hapon po matapos ang uwian dadaan po ako. Promise." Di ko alam kung bakit may sumilay na ngiti sa bibig ko nang makita kong makipagbeso ulit siya kay Mama. "Promise yan ha." "Opo tita." Sabay tawa niya. Mabilis ko pang isineryoso yung mukha ko nung humarap na siya sa'kin. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng 'to. Hindi ako makakilos at nakatuon lang ang pansin ko sa kanya. Ni hindi ko na napansin na palabas na siya ng pinto. "Gerald." Lumingon ako sa kanyang nakataas ang parehang kilay. "Hindi mo man lang ba susundan? Or ihatid mo man lang, hijo? Kanina ka pa nakatulala diyan? Bakit?" Ngumiti pa siya nang nakaloloko habang ako napakamot na lang sa ulo at sumimangot. "It's not what you think." Sabi ko pa bago pa ko lumapit sa kanya at humalik sa pisngi. Paglabas ko nakita kong pumapara na ng taxi itong nerd na ito. Dali-dali kong hinila yung kamay niya at pinasok sa loob ng sasakyan ko. "Alam mo sa ginagawa mo. Pwede kitang kasuhan ng kidnapping." Humilig ang ulo ko papunta sa direksyon niya saka ko siya tinaasan ng kilay at ngumiti ng sarcastic. "You can afford to lose the brother of your bestfriend?" Ngumuso ako bago bumalik sa maayos na pagkakaupo at ini-start yung sasakyan. Tumikhim lang siya at natahimik. Nakita ko namang hawak niya na yung picture niya na tinabi ni Sophie ron sa glovebox nitong kotse. Napalunok na naman ako. "Bakit meron ka nito?" tanong pa niya. I was really dumbfounded. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon dahil hindi ko makita kung ano yung ekspresiyon ng mukha niya. Una, nagmamaneho ako ayokong madistract. Pangalaw, ayokong makita yung nagsu-suspetsa niyang mukha kapag nagkataon mauutal na naman ako. Kilala ko yung sarili ko. Ngayon pa lang ang lakas na ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. "Ah...k-kasi—" Nahagip ko na tumingin siya sa akin kaya mas lalo akong natigilan sa pagsasalita. "Kasi?" tanong pa niya. I swallowed all the anxiety that's been growing inside my chest saka ako lakas loob na lumingon sa kanya. Nakataas ang kilay niya and she's still waiting for feasible reason. "S-si Sophie. Si Sophie yung naglagay niyan diyan. For reference." Nakahinga ako ng maluwag matapos kong sabihin iyon saka ko na muli tinuon ang atensiyon ko sa harap. "At kung anumang iniisip mo ngayon. Tigilan mo na. Walang ibang ibig sabihin iyan. Asa ka naman." Isa pa muling pagtikim yung narinig ko mula sa kanya bago siya ulit nagsalita. "B-bakit naman ak-ako aasa, aber? Sa tingin mo b-bibigyan ko ng mean-meaning ito? Like. Gross! Hindi ako magkakagusto sa i-isang ka-katulad mo. Hindi ako m-magkakagusto sa isang p-playboy!" Playboy?! Playboy?! Kung ako playboy, ano pa si Hart? Bakit si Hart gusto niya? E playboy yon?! Mas playboy pa sa'kin yung damuhong iyon! Aminado ako, marami akong nagiging girlfriend. Pero hindi katulad ng isang Hart na parang sumusubo lang ng kanin kung magparami ng babae. Why am I even too defensive about it? Wala akong pakialam sa gusto nitong nerd na 'to. Again, I heard her clears her throat saka muli siyang nagsalita. "Maiba tayo. Hindi pa ba tayo papasok? Saan pa ba tayo pupunta? Para saan din ba itong mga damit na pinapili mo sa'kin?" Dinilaan ko ang nanunuyo kong labi saka ako sumimangot. "Sabi ko kanina. Excused tayo buong araw. Matalino ka bang talaga?" umirap pa siya nang humarap ako matapos non. "Magiging scholar ba kung hindi?" ganting sagot niya. Hindi na ko pumatol. Pitong minuto halos ang tinagal pa namin saka kami nakarating sa mall kung saan narito yung salon na laging pinupuntahan ni Sophie. Paano ko nalaman? Simple, I am Sophie's personal driver kapag may gala siya. Mukha naman kasing hindi mapaggala itong nerdy na ito kaya ni minsan hindi ko nakitang kasama siya ni Sophie sa mga ganitong lugar. "Hijo! Napasyal ka?" tumingin sa akin ang isang pamilyar na mukha. Ngumiti ako sa kanya saka ko hinila na si Kristine papasok dito sa salon. "Hello Tita Bree." Bati ko pa. Napansin ko pang pagbaba ng tingin niya sa mga kamay namin ni Kristine. Para naman akong napaso na napabitaw agad doon saka ko iniwas ang tingin ko kay Kristine nang magkatinginan kami. "New girl, huh?" Tanong pa sa akin ni Tita Bree. "No-no. She's Sophie's best friend. I just need you to do something to her." Isang ngiting makahulugan ang binigay sa akin ni Tita Bree saka niya ko kinindatan. "I am a working fairy god mother. Leave it up to me." Matapos non ay bumaling na siya kay Kristine na mukhang naguguluhan pa sa nangyayari at mga sinabi namin. "An-ano pong meron?" Mahina akong napatawa sa paraan nang pagkakasalita niya. Nilapitan naman siya ni Tita Bree saka umakbay sa kanya. "Don't worry, I'm here to make you, you." Sabi pa ni Tita Bree sa kanya. Nagpaalam na lang din muna ako para makakain. Sa pagmamadali ko kasi kanina hindi na ko nakapag-agahan. Humanap ako ng café na pwedeng kainan. Panay ang ikot ko hanggang sa matagpuan ko yung Starbucks. Papunta na ko nang makasalubong ko ang nakangiting si Hart. Mukhang kanina niya pa ko natagpuan kaya ganon. "Dude, anong ginagawa mo rito?" tanong pa niya. "Shouldn't I be the one asking that? Anong ginagawa mo rito? Cutting?" panga-asar ko pa sa kanya. Binatukan niya pa ko. "Gago. Ano ako? Katulad mo?" Pinagsalikop ko ang mga braso ko. "Excused ako sa klase." Sabi ko pa. "Inaayos ko renewal ng passport ko. Kaya nagpa-excuse ako." Sabi pa niya bago kami sabay na naglakad na. "Bakit ka nagpa-excuse?" hindi agad ako nakasagot. Why didn't I think about this? "Girlfriend ko." Palusot ko. "Bago?" "Yep, kolehiyala." Pagsisinungaling kong muli. "Nasaan?" bakit ang daming tanong ng isang ito? Dati naman hindi niya ko pinakikialaman kapag may bago ako o marami akong kasamang babae kaysa sa kanya. Pero ngayon? Napakausisero. "Still waiting for her. Nagpa-salon." Sabi ko pa. That was the truth. Bawas pa rin ang kasalanan ko. Tumango-tango na lamang siya. Humanap kami ng mauupuan sa loob ng Starbucks saka kami umorder na ng inumin at cake slice. "Bakit iniwan mo yung girlfriend mo? May balak ka maghanap ng iba pa?" nakaloloko pa siyang ngumiti. Ganon na lang din ang ginawa ko. "Maybe?" Sabay kaming nagkatawanan. "Kapalit-palit siguro yung itsura, kaya ka maghahanap ng iba?" umiinit na yung pakiramdam papanik sa ulo ko. Hindi ko alam kung mapipikon ako kasi half of those insults are for Kristine, oo, hindi ko siya girlfriend. Pero may pinagkaiba kami pagdating sa babae. I respect girls and he don't. Iniba niya yung topic matapos non. Mukhang nakahalata na hindi ko gusto yung mga pinagsasasabi niya. Halos dalawang oras rin ang tinagal pa ng kwentuhan namin hanggang sa magpaalam na siya sa akin. Which is relieving dahil kapag nag-stay siyang hanggang sa mamaya at sumama pa sa akin. Malamang makikita niya si Kristine at ayokong mangyari iyon. Hindi pwede. "I'll leave you now. Babalik din ako after lunch sa school." "Sige. Kita na lang tayo bukas." Sabi ko na lang. Hinintay ko muna siya mawala ng tuluyan sa paningin ko saka na rin ako tumayo para balikan si Kristine. Sinalubong naman ako agad ni tita Bree na ngiting-ngiti pa sa akin. "Ready?" tanong niya pa sa'kin. Sumeryoso naman yung mukha ko saka ako tumango. Why would she ask me? Hindi ba dapat si Kristine ang tanungin niya noon? Isa pa. Wala akong pakialam sa magiging pagbabago sa itsura niya. She's never going to be my type of girl. "Like the hell I car—" napahinto na lamang ako nang buksan niya yung kurtina kung saan niluwa noon sa Kristine. Walang pumasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong reaksiyon. Basta naramdaman ko na lang yung panga kong bumagsak at hindi makapaniwala sa nakikita ko. "The hell you care, huh?" rinig ko pang panunudyo ni Tita Bree sa akin. "I-is that? I-is th—I mean, wh-what the—" Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko. Hanggang sa mauwi ako sa napakawalang kwentang tanong. "W-who are you?" Bullshit. Sa lahat ng sasabihin? Bakit ganon ang tanong ko?! Damn! It's not that I was bewitched but—damn! Nakita ko pa yung pag-irap niya sa akin. Hindi ko alam na ganito kalaki yung ipagbabago niya. Those nerdy glasses were gone. Those smooth looking lips erased the memory of her chappy lips inside my brain and damn her extraterrestrial damaged hair, anong nangyari at naging tuwid iyon? Imposible! Ramdam ko ang paghampas ni Tita Bree sa akin at doon na lamang ako natauhan. "Yung bibig mo, baka pasukan ng langaw." Bulong pa ni Tita Bree sa'kin kaya naman umiling ako at mabilis na sinara iyon. Tita Bree didn't just do her magic, she made her a miracle. Kristine's natural beauty popped out. It's simple but it etched her personality well. Napailing ako. "A-ano..." hindi rin siya makapagsalita. Binababa niya pa yung palda niyang iniklian siguro ni tita Bree. Tumingin ako ng diretso sa kanya. I can't be dumbfounded like this. She is not my type after all. Nagulat lang ako. Iyon lang. "What?" Tanong ko pa. "K-kasi...p-pwede na ba tayong uma-umalis?" tanong pa niya. Halata ang pagkahiya sa mukha niya. I smirked. Saka ako bumaling kay Tita Bree. "How much, Tita?" Umiling siya. "Nako! Masyado akong natuwa sa pagta-transform sa kaibigan mong ito. Kaya sige, layas. You don't need to pay a cent." "She's not my friend." I said coldly. Nagpaalam na ko kay Tita saka na rin ako umalis. Hindi alintana kung nakasunod ba sa akin yung nerd na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit halos habulin ko yung paghinga ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? "Gerald." Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niyang iyon. Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. "Gerald sandali!" Halos sigaw niya na sa'kin but f**k why am I even reacting like this. Huminto ako. Hanggang sa naramdaman ko yung paglapit niya sa sa'kin. "Ang bilis mong maglakad. Kailangan mo bang mag-toilet? Nakakaasar 'to!" hinihingal-hingal niya pang sabi. "Hindi ako mabilis, mabagal ka lang talagang maglakad, Nerdy." Sabi ko nang hindi pa rin lumilingon sa kanya. Ano bang kinain ko kanina? O kagabi? Wala naman diba? Kanina pa 'to. Sa shop ni Mama, sa kotse, hanggang dito ba naman?! "Nerdy? Na naman? Mukha pa rin ba kong ganon?" tanong niya pa saka roon na ko naglakas ng loob na tumingin sa kanya at ngumisi. "No?" bago ako umiling. "Ay ewan!" tapos non siya naman yung naunang lumakad palabas. Ako naman yung humabol at ang dami nang nagtitinginan. "Oy nerdy!" Tawag ko sa kanya nang malapit na kami sa parking area. "Nerdy!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya lumilingon. May kasunod siyang sasakyan at binubusinahan na siya noon. Kumaripas ako ng takbo palapit sa kanya saka ako napayakap sa kanya bago kami sabay na tumaob sa pathwalk na malapit sa amin. Naramdaman ko yung hapdi ng braso ko. Huminto yung sasakyan sa tapat namin bago sumungaw yung lalaking driver noon. "Kung maga-away kayong mag-syota! Huwag sa daan!" iyon lang saka na siya umalis na. "s**t! Ano bang gusto mong mangyari?! Gusto mo na bang mamatay?!" Sigaw ko sa kanya. Naiikom niya naman yung bibig niya. Iniayos ko yung pagkakaupo niya sa gilid para makatayo na rin ako. Nagpagpag lang ako saglit saka ko siya inalalayang tumayo na rin. "You weren't even thinking!" Sigaw ko ulit. Bullshit! Bakit ba nagagalit ako ng ganito? "S-sorry. Hindi ko napansin." "Binubusinahan ka na. Hindi mo pa rin napansin?!" Napahawak naman siya sa bibig niya at mukhang pinipigil pa yung paghikbi. She can't cry like this! Kasalanan niya yung nangyari! "S-sorry talaga." "Ewan. Halika na iuuwi na kita." Sinubukan kong kalmahin yung sarili ko. Wala akong karapatan magalit. Hindi ko siya kaano-ano. Ni hindi ko siya kaibigan. Kaya ayos lang na nasagip ko siya para kay Sophie. Kapag may nangyari sa kanya. Ako kasi bubulabugin ni Sophie. Tama. Iyon yung dahilan kaya ako nagalit. Patalikod na ko nang maramdaman ko yung pagyakap niya mula sa likod ko. Nahigit ko yung hininga ko. At muli, hindi na naman ako nakakilos. Ano na naman ba 'tong nangyayari sa'kin?! At hanggang kailan mangyayari 'to kapag kasama ko siya?! "S-sorry talaga! Salamat. Salamat!" sabi pa niya at ngumawa ron na parang bata. Hindi pa rin ako makakilos kahit na paulit-ulit na siyang nagso-sorry at nagpapasalamat. "O-oo na! Tara na. Iuuwi na kita!" pumiglas siya sa'kin. Saka ako naglakad na. Maya-maya lang hinawakan niya ulit ako. "Sandali." Lumingon ako sa kanya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa braso ko. "May sugat ka." Sabi pa niya bago tumingin sa'kin. Mugto pa rin yung mga mata niya. "Teka." Saglit lang siyang may dinukot mula sa bulsa nang palda niya at ngumiti nang makita kung ano yon. "Still keeping this." Lumapit siya sa'kin at hinila pa yung braso ko saka niya nilagay yung pink na band-aid na may mukha ni Hello Kitty. Napangiti pa siya nang pagmasdan iyon. "Iyan okay na." Pilit kong tinago yung ngiti na sumisilay sa bibig ko nang titigan ko siya. Saka ko na iniiwas ang tingin ko. Stop acting cute. "One more question, same question lang din." Humarap ulit ako sa kanya. "Mukha pa rin ba kong nerd?" bumuntong hininga ako. "No. Paulit-ulit ka." "Really?" tumango ako. Nakita ko yung pagkislap sa mga mata niya. Saka ako ngumisi ulit. "But still not my type."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD