THIRD PERSON POV Yakap-yakap ni Princess sa kanyang dibdib ang larawan ng kanyang namayapang asawang si Nelson Domilla habang tumutulo ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Katatapos lamang ng libing ng asawa ni Princess at nakauwi na siya at ang kanyang anak na si Kiara sa kanilang bahay. Mabigat na mabigat ang loob ni Princess dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. Totoong pinagtaksilan ni Princess ang kanyang asawa noong nabubuhay pa ito ngunit wala siyang planong iwan o hiwalayan ito rahil alam niyang hindi magagawa ng kanyang kalaguyong si Marco ang iwan ang asawa nitong si Janine na isa sa kanyang mga kaibigan para sa kanya. Matagal nang tinanggap ni Princess sa kanyang sarili na hanggang kabit lamang ang kanyang papel sa buhay ni Marco at hindi niya ito maaangkin kailanman.

