CHAPTER 18

2443 Words
THIRD PERSON POV Nahinto ang pagmumuni-muni ni Nelson sa loob ng maliit na bar na iyon sa bayan nang maramdaman nito ang kamay na dumantay sa kanyang kanang balikat. Hilam sa luha ang mga matang nilingon ni Nelson ang taong nagmamay-ari ng kamay na iyon na nakapatong sa kanang balikat nito. Kumunot ang noo ni Nelson nang makita ang mukha ng isa sa mga kaibigan ng kanyang asawa. Si Katie. Kitang-kita ni Katie na marami nang nainom na likidong nakalalasing si Nelson at mapungay na ang mga mata ng lalaki. Alam din ni Katie na kanina pa umiiyak si Nelson habang nagpapakalasing. Umupo si Katie sa katabing bar stool ng inuupuan ni Nelson sa harap ng bar counter. Nelson: Niloko niya ko. Nagulat si Katie nang biglang magsalita si Nelson sa kanyang tabi. Wala namang balak makipag-usap si Katie kay Nelson. Ngunit lasing na ang lalaki at nag-aalala lamang si Katie sa maaaring gawin nito lalo na sa sitwasyon nito at ng asawa nito ngayon. Iniisip ni Katie na baka bigla na lamang magwala si Nelson sa loob ng bar na iyon kahit na wala sa personalidad nito ang makipag-away kaya naman nilapitan niya ito. Kahit lasing na si Nelson ay maayos pa rin ang pananalita nito. Katie: Pag-usapan ninyo ng maayos ni Princess ang problema ninyo. Kapag hindi na mataas ang emosyon ninyong dalawa. Pinasadahan ng tingin ni Katie ang basong naglalaman ng nakalalasing na likido sa harapan ni Nelson. Katie: At 'yong hindi ka na lasing. Nagulat si Katie nang makitang unti-unti na namang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ni Nelson patungo sa magkabilang pisngi nito. Nelson: Sana ay hindi na lamang si Princess ang niligawan ko noon. Sana ay ipinaglaban ko na lang kung sino ang una kong minahal sa inyong magkakaibigan. Nabigla si Katie sa narinig niyang iyon mula kay Nelson. Iniisip ni Katie kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Nelson o rahil lamang sa kalasingan kaya kung anu-ano ang mga sinasabi nito. Nelson: Ako ang pumulot ng batong ipupukpok ko sa aking ulo. Lalo na nga at minahal ko rin si Princess sa huli. Napukaw ang kuryusidad ni Katie tungkol sa unang babaeng minahal ni Nelson sa kanilang magkakaibigan. Iniisip ni Katie na maaaring ang dating iniibig ni Nelson sa kanilang magkakaibigan ang babae ni Nelson. ---------- Huminto sa di-kalayuan mula sa maliit na bar sa bayang iyon ang kotseng minamaneho ni Dominic. Nilingon ni Dominic si Danica na nakaupo sa passenger seat ng kotse nito. Dominic: Gusto mo bang hintayin kita rito hanggang sa matapos ang pag-uusap ninyo sa loob? Si Danica ay parang hindi narinig si Dominic nang makita niyang pumarada malapit sa labas ng bar na iyon ang isang pamilyar na kotse. Nakita ni Danica na bumaba mula sa asul na kotse ang kanyang kaibigang si Nicolai. Marahil ay nagpunta rin ito sa bar para kausapin si Nelson. Gusto ring kausapin ni Danica si Nelson para kumpirmahin mula rito ang sinabi ng kanyang kaibigang si Princess na nambababae ang asawa nitong si Nelson. Dominic: Danica? Napapitlag pa si Danica nang marinig ang tinig ng boses ni Dominic sa kanyang tabi. Nilingon ni Danica si Dominic. Danica: Dito na muna tayo. Mamaya na lang ako bababa kapag dumating si Princess. Kahit naguguluhan si Dominic sa nangyayari ay tumango pa rin ito kay Danica. ---------- Nanlaki ang mga mata ni Nicolai nang marinig ang sinabi ni Nelson sa kanya. Agad na inikot ng paningin ni Nicolai ang loob ng bar na iyon. Mabuti na lamang ay walang nakikinig sa kanilang pinag-uusapan at wala ring masyadong mga tao sa harap ng bar counter. Nicolai: Nelson? Mapungay ang mga matang tumango si Nelson kay Nicolai. Si Katie ay hindi rin makapaniwala sa mga naririnig nito mula sa mister ng kaibigan nila ni Nicolai na si Princess. Nelson: Oo, Nico. I-Ikaw ang binalak kong ligawan noon, ka-kaso ay--- Tumigil sa pagsasalita si Nelson at mapaklang tumawa kasabay ng pag-iling. Nelson: Ang kaso ay si Princess ang mahal mo. Sabay na napasinghap sina Nicolai at Katie at pagkatapos ay muling inilibot ni Nicolai ang kanyang mga mata sa paligid. Marahan at pabulong na nagsalita si Nicolai sa harapan ni Nelson. Nicolai: Nelson, lasing ka na. Halika na. Ihahatid na kita sa bahay ninyo ni Princess. Mabilis na umiling si Nelson. Nelson: Hindi ako lasing. Alam ko ang sinasabi ko. Kung ikaw ang niligawan ko noon ay hindi sana ako nahihirapan ng ganito ngayon dahil alam kong hindi mo ako lolokohin. Tiningnan ni Katie si Nicolai. Iniisip ni Katie kung si Nicolai ba ang babae ni Nelson. Ngunit kung titingnang mabuti ang reaksyon sa mukha ni Nicolai ay sigurado si Katie na ito ang unang pagkakataon na narinig ni Nicolai ang mga salitang iyon mula kay Nelson. Nelson: Tapat kang magmahal, Nicolai. Sandaling tumigil sa pagsasalita si Nelson para sumimsim ng wine mula sa basong nasa harapan nito. Matapos uminom ay muling nilingon ni Nelson si Nicolai. Nakangisi ito sa babae. Nelson: Tingnan mo nga si Princess. Lihim mo siyang iniibig at kahit hindi niya ibalik sa 'yo ang pagmamahal mong iyon ay nariyan ka pa rin para sa kanya. Palaging nakasuporta. Tumayo na si Nicolai mula sa kinauupuang bar stool at nilapitan si Nelson para bulungan. Nicolai: Nakikiusap ako, Nelson. Tama na ito. Umuwi ka muna sa inyo bago dumating si Princess at ang iba pa naming mga kaibigan dito sa bar. Iwasan natin ang eskandalo. Inabot ni Nicolai ang kanang bisig ni Nelson para alalayan itong tumayo ngunit malakas na tinabig ni Nelson ang kamay ni Nicolai. Nabigla si Nicolai sa ginawa ni Nelson ngunit hindi siya natinag mula sa kanyang kinatatayuan. Nelson: Wala akong balak makipag-usap sa manlolokong iyon. Kakasuhan ko silang dalawa ng kabit niya. Kumunot ang noo ni Katie nang marinig iyon. Katie: Kabit niya? Hindi ba ikaw ang may--- Hindi natapos ni Katie ang sasabihin nito rahil pinigilan ito ni Nicolai at tinanguan. Nicolai: Nelson, para na lang sa inaanak kong si Kiara. Please fix yourself. Walang magandang maidudulot kung maglalasing ka rito. Sa puntong iyon ay parang biglang natigilan si Nelson at tumitig lamang ito kay Nicolai. Biglang naisip ni Nelson ang anak nitong si Kiara. Sa tindi ng sakit na nararamdaman ni Nelson ay sandali nitong nakalimutan ang anak. Paniguradong si Kiara ang higit na maaapektuhan oras na maghiwalay sina Nelson at Princess. Muli ay tumulo ang mga luha ni Nelson mula sa mga mata nito. ---------- Frustrated na si Princess habang naghahanap mula sa mga gamit ni Nelson ng pwede niyang magamit para masabing nambababae ito. Kailangang maunahan ni Princess ang asawang si Nelson sa mga pinaplano nito. Ang kaibigan ni Princess na si Gabbie ay dumating sa kanilang bahay ni Nelson eksaktong pagkaalis ng kanyang kalaguyong si Marco. Naroon si Gabbie ngayon sa kwarto ng anak ni Princess na si Kiara para libangin ito habang naghahanap si Princess ng gamit na pwedeng maging patunay ng pambababae ni Nelson. Nagulat si Princess nang bigla niyang marinig na tumutunog ang kanyang phone. Tumatawag sa kanya si Danica. Agad na sinagot iyon ni Princess. Princess: Hello, Danica? Nahimigan ni Princess ang pag-aalala sa tinig ng boses ni Danica. Danica: Princess, kaaalis lang ng bar ni Nelson. Sabi ni Nicolai ay naging maayos naman daw ang pag-uusap nilang dalawa ng asawa mo kanina. Pero sinusundan namin ni Dominic si Nelson ngayon. Patungong police station ang tinatahak niyang daan. Agad na nag-panic si Princess at nagmamadali siyang lumabas mula sa loob ng kwarto nilang mag-asawa at tinapos ang tawag ni Danica. Naglalakad na patungong gate ng kanilang bahay si Princess habang hinahanap sa contacts ng kanyang phone ang numero ni Marco. Dalawang ring lang ay sinagot na ni Marco ang tawag ni Princess. Marco: Hello, babe? Nagpa-panic na ibinalita ni Princess kay Marco ang sinabi sa kanya ni Danica. Princess: Marco, pigilan natin si Nelson. Tuluyan nang nawala sa isipan ni Princess ang anak niyang si Kiara na kasama ng kanyang kaibigang si Gabbie sa loob ng kwarto nito habang sinasabi kay Marco na sunduin siya nito. ---------- Napailing si Gabbie habang pinagmamasdan ang natutulog nang si Kiara. Naaawa siya sa kanyang inaanak. Ayaw isipin ni Gabbie na sa murang edad ni Kiara ay masisira ang pamilya nito rahil lamang sa pagtataksil ng ama nito sa kanyang kaibigang si Princess. Akmang lalabas na ng kwarto ni Kiara si Gabbie nang may mapansin siyang papel na nakasuksok sa ilalim ng cabinet sa loob ng kwarto ni Kiara. Napakunot ang noo ni Gabbie rahil mukhang nahulog iyon mula sa kung saan at sumuksok sa ilalim ng cabinet. Dahil sa kuryusidad ay pinulot ni Gabbie ang nakatuping papel na iyon at binuklat. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Gabbie nang mabasang love letter iyon. Ang akala pa ni Gabbie noong una ay kay Kiara ang sulat na iyon. Nakasaad sa sulat ang pagmamahal ng isang lalaki para sa isang babae. Nanghihinayang ang lalaki rahil hindi nito niligawan ang unang babaeng minahal nito. Napasinghap si Gabbie nang mabasa ang pangalang nakalagda sa ibabang bahagi ng sulat. Gabbie: Si Nelson. Naningkit ang mga mata ni Gabbie rahil maaaring ang babaeng tinutukoy ni Nelson sa sulat ay ang babae nito ngayon. Gabbie: Manloloko ka, Nelson. Hindi ka na naawa kay Princess. ---------- Napalingon sina Bridget at James kay Margaret nang makita nila ang pag-aalala sa mukha nito habang may kinakausap sa phone nito. Margaret: Hindi pwedeng maiwala mo si Nelson, Danica. Pwede namang pag-usapan nila itong dalawa ni Princess. Hindi kailangang umabot sa ganito. Kumunot ang noo ni James habang nakatitig kay Margaret. James: What's the problem, Margaret? Alanganin tumingin si Margaret kay James bago ito nagpaalam kay Danica sa phone. Nilingon ni Margaret si Bridget at muli na namang lumukob ang kaba sa buong sistema ni Margaret habang nakatitig sa mga mata ni Bridget. Muling bumalik kay James ang tingin ni Margaret. Margaret: I-I need to go, Kuya. M-may problema si Princess ngayon and I-I want to be there for her. Tumayo si Margaret mula sa pagkakaupo sa harap ng hapag-kainan at dali-daling dinampot mula sa ibabaw ng chest na nasa sala ang handbag nito. Sina Bridget at James ay tumayo rin at sumunod kay Margaret. Pinanood nilang dalawa ang paglabas ni Margaret sa main entrance door ng malaking bahay. Nilingon ni James si Bridget at naroon sa mga mata nito ang paghingi ng tawad. James: My apology, Miss Marfori. Nasira tuloy ang dinner natin. Nakakaunawang ngumiti si Bridget kay James. Bridget: No worries, Mister Montellon. It happens. Maybe next time. I also need to go. Gusto sanang pigilan ni James si Bridget para makasama pa nito ang babae sa hapunan pero hindi pa naman sila ganoon ka-close. Inimbitahan lamang ni James si Bridget sa isang formal dinner bilang parte ng pag-welcome nito kay Bridget as the new investor of their winery business. Ngunit alam din ni James na gusto nitong makasama si Bridget dahil pakiramdam ni James ay nasa tabi lamang nito ang babaeng pinakamamahal na si Sharmaine kung kasama ni James ang babaeng kamukhang-kamukha ni Sharmaine. ---------- Nakangisi si Apollo habang inihahatid ng tanaw ang paglabas ng kotse ni Margaret sa malaking gate ng mansyon ng mga Montellon. Apollo: Nagmamadali si Miss Margaret. Mukhang may panibago na namang lihim na madadagdag sa kanyang listahan. Lalong lumawak ang ngising nakasilay sa mga labi ni Apollo nang isang bagay ang maisip nito habang nasa isipan ang among si Margaret. ---------- Agad na sinagot ni Nate ang call sa kanyang phone nang makitang ang kanyang misis na si Gabbie ang tumatawag. Kagagaling lamang ni Nate mula sa kwarto ng kanilang anak ni Gabbie na si Emmanuel. Nate: Yes, hon? Pauwi ka na ba? Nagbuntung-hininga muna si Gabbie bago nagsalita. Gabbie: Hon, mali-late lang ako ng uwi. K-kailangan pa kami ni Princess ngayon. I just want to check on Emmanuel. Nahahapong tumingala si Nate sa kisame habang hinihimas ang kanyang batok. Nate: He's already sleeping. Huwag kang masyadong magpapagabi. Sandaling katahimikan ang namagitan bago muling nagsalita si Gabbie. Gabbie: I-I love you, hon. Napapikit si Nate nang marinig ang mga katagang iyon mula kay Gabbie. Nate: I love you too, hon. Matapos sabihin iyon ay napangiti si Nate sa kawalan. Iyon lamang at tinapos na ni Gabbie ang tawag. Si Nate naman ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. ---------- Kumunot ang noo ni Janine nang mahimigan ang urgency sa tinig ng boses ni Nelson mula sa kabilang linya ng phone. Nelson: Please, Janine. Magkita tayo ngayon. Ngayon na. May kailangan kang malaman. Sigurado si Janine na nakainom si Nelson dahil ibinalita ng kanyang kaibigang si Katie sa group chat nilang magkakaibigan na nagpapakalasing si Nelson sa isang maliit na bar sa bayan. Janine: Where are you right now, Nelson? Sinabi ni Nelson kay Janine kung nasaan ito ngayon. Janine: Okay. Pupuntahan kita riyan ngayon. Make sure it's important, Nelson. I don't want to waste my time. Iyon lamang at tinapos na ni Janine ang tawag. Agad na gumayak si Janine para makipagkita kay Nelson. Hindi na nagsabi si Janine kay Marco rahil nagpaalam itong mag-o-overtime sa trabaho. Janine: I wonder kung bakit hindi na lamang sinabi ni Nelson sa phone ang gusto nitong sabihin sa akin. ---------- Napalingon si Nelson nang may tumigil na sasakyan sa kanyang likuran. Ilang sandali pa ay nakababa na mula sa kotse ang taong nasa likod ng manibela niyon. Agad na nilapitan ng taong iyon si Nelson at kinausap siya. Tumagal ng limang minuto ang pag-uusap ni Nelson at ng taong iyon. Mahahalata sa mukha ni Nelson na hindi siya sang-ayon sa sinabi sa kanya ng taong kausap. Bago bumalik sa loob ng sasakyan nito ang taong kausap ni Nelson ay muli siya nitong kinausap sa suhestyon nito ngunit nagmatigas si Nelson. Tumalikod na si Nelson nang makitang nakasakay na sa kotse nito ang taong kausap. Nakatalikod na si Nelson nang marinig niya ang pag-ugong ng sasakyan at parang papalapit iyon sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ni Nelson habang unti-unting nililingon ang pinanggagalingan ng ugong at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Nelson nang ilang distansya na lamang ay bubunggo na sa kanya ang sasakyan. Sinubukang umatras ni Nelson ngunit huli na at naramdaman na lamang niyang umangat ang kanyang mga paa mula sa lupa at humagis siya sa ere. Kumalat ang pulang likido sa ilalim ng katawan ni Nelson nang sa isang malaking bato bumagsak ang kanyang ulo. Nakadilat ang mga matang binawian ng buhay si Nelson. Kinabukasan ay isang masamang balita ang gumimbal sa lahat ng mga taong nasa bayang iyon. Pumanaw na si Nelson Domilla, ang asawa ni Princess Domilla at ama ni Kiara Domilla. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD