THIRD PERSON POV Nakapikit si Margaret habang abala ang mga labi ni Apollo sa paglilibot sa bawat parte ng kanyang katawan. Mula nang payagan niya ang lalaking halikan siya sa bawat parte ng kanyang katawan ay halos araw-arawin na iyon ni Apollo sa tuwing nasosolo nito ang among babae. Walang kaalam-alam ang ibang tauhan ng mansyon sa nangyayari sa pagitan nina Margaret at Apollo sa tuwing nasa loob na ng kwarto ng babae ang lalaki at inaangkin na nito ang magandang hubog ng katawan ng babaeng matagal na nitong pinagpapantasyahan. Matagal nang may pagnanasa si Apollo sa among si Margaret kaya naman nang ito ang kausapin ng among babae na maghukay ng lupa sa likod ng mansyon para sa ibabaon ni Margaret na maliit na storage box ay agad na gumana ang utak ni Apollo. Mabilis na umisip ng pa

