THIRD PERSON POV Nakailang hilamos na si Danica ng kanyang mukha sa loob ng en suite bathroom ng kanyang kwarto sa pag-asang mawawala na sa kanyang isipan ang babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang dating kaibigang si Sharmaine Bustos. Ngunit mas lalo lamang lumilinaw sa kanyang diwa ang anyo ng babaeng kasama ng kanyang dating kasintahang si James Montellon. Nang makaharap ni Danica ang babaeng nagngangalang Bridget Marfori sa loob ng seafood restaurant na kanyang pinuntahan kasama ang manliligaw na si Dominic ay para siyang pangangapusan ng hangin sa katawan sa labis na pagkabigla. Parehong-pareho ang wangis ng babae sa mukha ng kanyang namayapang kaibigan. Kung hindi lamang niya alam kung ano ang ginawa nilang magkakaibigan sa katawan ni Sharmaine noon ay iisipin niyang si Bridget

