THIRD PERSON POV Napaangat ang tingin ni Danica sa kaibigan at hipag na si Gabbie nang pumasok ito sa loob ng dining room ng bahay nito at ng asawang si Nate. Nasa trabaho pa ang mister nito at nasa school naman ang anak nila na si Emmanuel habang silang anim na magkakaibigan ay nagpupulong sa loob ng bahay nito. Danica: Thank you, Gabbie, at pumayag kang dito tayo magkita-kita sa bahay ninyo ni Kuya para pag-usapan ang tungkol kay Bridget Marfori. Naikwento na niya sa mga kaibigang sina Gabbie, Margaret, Janine, Nicolai, at Princess ang hindi inaasahang pagkikita nilang dalawa ng babaeng kahawig ng dati nilang kaibigan na si Sharmaine. Anumang pagdududa niya at ng kanyang mga kaibigan sa naunang salaysay ng kaibigan nilang si Margaret tungkol sa pagkakahawig ni Bridget kay Sharmaine a

