Chapter 42 “Sigurado ka na pati banyo sa kwarto niyo lalagyan din? Mamanyakin mo lang ata ang asawa mo eh!” Reklamo ni Jude habang naglalagay kami ng mga CCTV camera sa buong bahay. Nung gabing lumipat ako sa condo ni Gabriel, nakabuo kami ng plan ni Jhudiel. Pinakiusapan ko ang Mama ni Ana na bantayan siya habang wala ako sa bahay. Mahirap na, baka makaisip ng kung ano ano si Ana. Mabuti na lang pumayag si Mama pero isang linggo lang siya sa bahay dahil nagtuturo siya. Pagkaalis naman ng Mama, si Rachelle naman ang pinagpanggap kong katulong para magbantay kay Ana. Mabuti na lang napapayag ni Michael. Ngayon nga, since umalis na si Mama, kailangan nang may magbabantay kay Ana kaya naglalagay kami ng CCTV sa buong bahay. “Paano kung maisipan niyang magpakalunod sa bathtub?” Kinamot

