Chapter 41 She hasn’t been sleeping in our room since that day. Mas lalong lumala pa ang sitwasyon namin at sa tingin ko hindi ko na kakayanin. I terribly missed her. Ilang beses kong sinubukan na humingi ng tawad pero walang epekto sa kanya. Sa totoo lang hindi ko na alam ang gagawin ko. Habang tumatagal, lalo lumalala ang sitwasyon namin, habang tumatagal pasakit ng pasakit ang mga nangyayari. I wanted to give up but I just can’t. Nagpoprotesta ang buong pagkatao ko tuwing naiisip ko na pagbigyan na lang si Ana. Pero minsan naiisip ko na mas makakabuti atang maghiwalay na nga lang kami. Kung ang paghihiwalay namin ang magiging rason para maging masaya siya ulit, buong puso kong ibibigay yun sa kanya. Kung yun lang ang paraan para bumalik ang masayahing Ana, gagawin ko kahit na ikam

