Chapter 40 “They no longer make her kind, believe me.” Sabi ni Lance sabay inom sa bote ng beer na hawak niya. Nasa condo niya kami at nag iinuman. Maaga akong umalis ng opisina dahil walang akong nagagawang matino. Pinagkatiwala ko kay Raziel ang buong kompanya and I filed an indifinite leave. “Ang hirap pre. Ang hirap pala na parang tinatrato kang parang hangin lang. Isang linggo na siyang nakalabas mula sa ospital pero kahit isang salita wala akong narinig mula sa kanya.” Akala ko nung una lang ang hindi niya pagpansin sa akin pero hanggang sa makauwi kami, hindi niya ako pinapansin at ngayon nga, isang linggo na hindi niya ako kinakausap. “Nahihirapan ka na sa lagay na yan? Isipin mo naman ang mga ginawa mo sa kanya. Gusto mo nang mag give-up? Go ahead kung hindi mo na kaya. Pero

