Chapter 31 Clingy. Clingy na bang matatawag kapag ayaw mo nang palabasin sa kwarto ang asawa mo? Clingy bang matatawag kapag gusto mo na lang kayong mahiga sa kama? Clingy na bang matatawag kapag gusto mo na lang siyang yakapin at hawakan minu-minuto? Kung clingy ang tawag sa mga ganun, then, hindi ako clingy. Hindi ako ganun. Lumabas naman kami ni Ana ng kwarto nung tanghalian para kumain. Pinapatayo ko naman siya para magbanyo. Hindi naman sa lahat ng oras nakayakap ako sa kanya. Hindi naman sa lahat ng oras nakatingin ako sa kanya. “Pwede ba akong pumunta kina Raz…?” Tiningnan ko siya ng masama habang minamaniobra ko ang yate. Nasa tabi ko siya kasi baka kung saan saan siya mapunta. Sabi ko nga, medyo may pagka noob itong si Ana, baka maisipan niyang tumalon bigla sa yate. Mahirap

