Chapter 32 Ana’s quiet mood continues until we reached Manila. Kahit na sa sasakyan, halatang halata ang pananahimik niya at hindi ako sanay na ganun siya. Mas nasanay akong madaldal siya, palaging nakaangal at naninigaw. This quiet Ana is not her. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. “Okay ka lang Ana?’ Mukhang wala siya sa sarili habang naglalakad. Ang lalim ng iniisip niya. Kanina ko pa yan napapansin sa kanya simula nung matapos naming magdiving. “O-okay lang.”Tapos dumiretso na siya sa kama at nahiga. Hindi na ako pinansin. Nagtatakang napatingin ako sa kanya bago pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. Pagkalabas ko ng kwarto tulog na siya. Napabuntonghininga na lang ako at tumabi sa kanya. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina kasi alam kong tambak na naman ang pipirma

