Chapter 2: First Meeting

3209 Words
Chapter 2 Joseon Dynasty "Ashi, Ashi , gising na . Naghihintay na iyong ama sa labas ! ", rinig kung sabi ni Ria.   Kahit diko siya nakikita ay alam kung sa kanya galing ang boses na iyon. Dalawa lang naman kasi kami sa kwarto. "Mamaya na, Iya.  Di pa tumunog alarm ko,e ! ", sa pagkakaalam ko bago ako natulog kagabi nag set ako ng alarm ng six. Dahil hindi pa nag ring phone ko so maaga pa. "Lady Kim,  tanghali na. Pakiusap, malalagot talaga ako ng iyong ama pag di ka pa nakaayos! ", malungkot na tuno kaya tinakwil ko ang makapal nakumot at tinignan siya. "Alam mo, iya.  Maniniwala na sana ako sayo pero fyi wala na akong papa saka maaga pa! " Ako pa bulahin ni Ria.  Pano siya malalagot sa papa ko ,e ako nga mismo anak diko pa nakikita papa ko. Hayss! "Binibini, sige na.  At siguradong malalagot talaga ako nito kay Master Jong pag di ka pa nakapag ayos,  nasa labas siya hihintay kana kasama ang palanquin na iyong gagamitin! " Kaya napabalikwas ako ng bangon at hinarap siya. "Nababaliw kana, anong palanquin---",nanlaki ang mata ko na makita ang sout niya. Nanaginip ba ako ? Deym ,totoo ba to? Yung double deck na higaan namin ay malabot na siya foam at nakalapag na sa sahig tapos ang damit niya iba,  damit ng pangkatulong sa panahon ng Joseon. Nababaliw na yata ako sa mga napanood ko kaya nanaginip ako ng ganito.  *pak *pak "Awww! " "Lady kim , wag mo saktan iyong sarili !", malungkot niyang usal. "Lady kim ?", pang uulit ko. "Ako ba tinatawag mo nun ,Ria !" "Opo,binibini " Wait ! What ? As far as I know my name is Kim Diala ,and no one called me like that ever since of my existence.Hala nanaginip nga ako. "Ria,sampalin mo ako !" Nanlaki ang mga mata niya. "Pasensya na binibini,diko magagawa yan lalo na sa anak ng master ko at saka hindi po Ria pangalan ko . Ako si Boyoung .", saka siya pilit ngumiti."Nakalimutan niyo po ba? " ,maya pa ay bigla siyang napatakip ng bibig.  "Di kaya nawala ang iyong mga alaala nung malunod ka sa ilog! " "Huh! " "Nakita kasi kita sa ilog kahapon, nung tinakasan natin ang iyong ama.  Bigla kang lumangoy tapos.... " "Tapos? " "Pareho tayo nalunod kasi di tayo marunong lumangoy buti nalang may isang lalaking mabuying puso tinulungan tayo! " "Hayss, wala akong maalala  ",hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Ria basta ang alam ko nanaginip ako ngayon. Nilibot ko ang tingin ang buong kwarto, iba na. Wala nayung laptop at table sa gilid pati  ang ibang mga gamit ko kundi puro mababasaging jar at mga tela na ginagamit sa pagbuburda.Tinignan ko rin cellphone ko kaso wala rin. "heyy!",pati sout ko iba na. Simpleng hanbok lang siya .Ito yung napapanood ka sa nga drama na sinosuot ng mga may kayang babae sa panahon ng Joseon. "Wait lang Ria-- uhmm ano lang ulit pangalan mo! ", hays!  Sabayan ko na ngalang siya kabaliwan niya. "Boyoung po, Ashi ", pasemple ko siyang pinaikotan ng mata dahil ang galing niyang mag embento ng pangalan.  "Ashi?  Ano ibig sabihin 'nun? " "Ashi ibig sabihin binibini.  Ito ay tinatawag sa mga babae wala pang asawa gaya mo, Ashi! " " Ano ba kasi nangyari at napunta ako dito?  ",bulong ko.  Wala na akong maibang matandaan basta natulog lang ako pagkatapos mag-isip ng mga drama na gusto ko mapanood.  Weird? "Po? ", napakamot siya ng ulo dahil nakikita ko sa reaksyon niya parang naninibago siya sa mga inasta ko. "I mean,  ang hirap mag explain te . Nanaginip nga talaga yata ako.  ", naiinis kung sabi. Diko alam kung pano ko simulan sa kanya,  hindi naman niya nagegets ang pinag sasabi ko.  "Hali ka nga sampalin mo nga ako, bilis! ", utos ko pero umiling siya. "Ayaw mo sumunod ah o ikaw nalang sampalin----aray ko!s**t !ang sakit! " "Pasensya na binibini,  sinunod ko lang utos mo! " Gusto ko man siya sampalin rin pabalik pero ako nag utos sa kanya. Kaso grabe naman sampal niya ang sakit.   Pramis! Parang may hinanakit tong babaeta to  sa akin. Sa totoo lang?  Lumapit ako sa kaya at siya naman ay lumayo sakin kaya hinila ko siya.  "May itatanong lang ako sayo? ", bulong ko kaya tumango-tango namamn siya na parang takot. "Sino si Master Jong at saan daw kami pupunta? " "Lady kim, nakakalimutan mo ba ang ang sinabi ng iyong ama kagabi. Isasama ka niya sa Palasyo kasi gusto ka makilala ni Queen Dowager " Queen Dowager?  Deym nababaliw na ako.  Hindi ako nagkakamali si Queen Dowager ang nanay ng Hari .Ganun yung napapanood ko sa mga drama. Sila yung pinakaunang reyna na byuda.  Taimtim kung tinitigan ang mukha ni Iya hangang sa mailang siya sa akin.  Niloloko yata ako ng babaetang to ,e.  Pano mag kakaganito sa pilinas ,e democratic naman kami.  Saka magkano kaya rent niya dito sa kwarto nato at lalo na sa sout namin. "Are you prangking me, Ria? " Naiinis ako sa diko malamang dahilan.  Siguro dahil nacocornihan ako sa acting namin saka inaantok pa ako. "Lady, Kim.  Hindi ko maintindihan ang iyong ginagamit na lengwahe pero kailangan ko ng ayusan ka" Napabuntong hininga na lang ako at tumayo at ganun rin siya.  Sinundan ko lang siya sa isa pang silid  .Pagkapasok namin, sumalubong sa amin ang amoy ng rose, mabango. Nang nasa harap na kami ng malaking tub na gawa sa kahoy, manghang-mangha talaga ako. How come?  Ngayon lang ako nakakakita ng ganito sa personal . Parang mini -pool siya. "Deym ang lamig!  Putik iya-- awh! ,Boyoung. Diko keri to ang kamig.  Wala ba kayong hot water dito,oh my god!  Tagos sa kalamnan ko to teh!super lamig! " My gosh!  Buti pa sa boarding namin kahit mahirap may electric kettle kami at kahit papano may gagamitin kami pag malamig ang tubig. "Gusto niyo pa po bang magpapakulo ako ng tubig Ashi, para sa inyo " Sinamaan ko siya ng tingin bago ko hinubad ang sout ko.  "Hindi na, sa labas ka nalang muna kaya ko na sarili ko! ", sabi ko at nag bow siya harap ko. Natulala na naman ako dahil ngayon ko lang na maranasan na may nag bobow sa akin. Di kasi uso to sa Present times.  Kahit malamig ang tubig ay lumusob parin ako doon at ene-enjoy ang mga petals na lumulutang sa tubig.  Pagkatapos ko maligo. Kasalukuyan ako ngayon inaayusan ni Boyoung . May pinasout rin siya na hanbok sa akin.  Red yung skirt and light yellow pantaas pero see-through style siya. "Ang ganda naman nitong hanbok teh! ", wala sa sarili kung bulalas. Sobrang mangha talaga ako sa sout ko ngayon. Ang cute! "Para saan yan? ", tanong ko na makita ko ang hawak niyang maliit na metal na may desinyong bulaklak. "Ito ay palamuti binibini na nilalagay sa buhok. Di 'ba ito yung paborito mong pin.Sabi mo pa nga na bigay ito ng ina mo si Madame Shi ba " "Ahhh! " Kahit wala akong ka-alam sa kung ano sinasabi niya, tumango nalang ako. Nang matapos niya na akong ayusan, pinasout na naman niya akong sapatos na doll shoes ang hitsura niya .May mga desinyong bulaklak sa gilid. "Sigurado akong matutuwa ang iyong ama, pag nakita ka.  Ang ganda niyo po,  Lady Kim! " Gulat siya ng hinampas ko ang braso niga.  "Ano ka ba?  Parang di tayo mag tropa saka baby pa ako alam ko ng maganda na ako, e" ,natatawang sabi. Umikot-ikot pa ako ng ilang bess dahil feel ko ngayin  nasa korea ako at handa na sa shooting.  Ang ganda.  Pagkalabas namin ng kwarto may mga kalalakihan na sa labas at yubg palaquin na pinag higitnaan nila. "Master Jong ", ,bati ni Boyoung sa lalaking nakasout ng pulang mahabang damit at itim na parang sobrero sa ulo. Ganito ang sout ng mga minestro sa palasyo o may malaking katungkulan sa palasyo. Nang makita ko nag bow siya nag bow narin ako saka ngumiti. "Handa ka na,  anak! " Anak?... "Ah yes po,  handang handang na! ", tinaas ko pa kamay ko na parang nag ge-gesture ng handang handa na pero mukhang di nila nagets at kahit si ama ay nakangiti lang sa akin. Tumango lang siya at nauna ng sumakay sa palanquin. "Lady kim, pasok na! ",usal ni Boyoung.  '"Malayo ba palasyo dito teh,  kahit maglakad nalang ako.  Sanay ako maglakad kahit malayo, parang nakakahilo yan ,e ",sabay nguso ko sa Palanquín. Diko maimagine sarili ko sumasakay sa mga ganyan, nahihilo nga ako sa taxi o di kaya bus na plain lang at diretso ang byahe, sa palaquin pa kaya na mahina at matagal ang lalakbayin dahil naglalakad lang ang bubuhat sa amin.  ."Hindi maari ,binibini.  Sige na,  para hindi narin kayo mahirapan.  At malayo pa ang lalakbayin natin." "E, ikaw! " "Wag mokong intindihin binibini,maayos lang ako! " "Okay sabi mo, e! " Hirap pa akong makapaaok sa palangin dahil hindi ko alam kung pano pumasok dahil umikot pa ako sa loob para makaupo ng maayos. Nauntog pa ako at dun tumama mismo sa sout kung palamuti kaya ang masakit sa ulo. Hindi ko na alam kung ano ng ng nangyayari sa labas basta alam ko ngayon ay naglalakad na sila at buhat-buhat ako.  Tahimik at kahit ingay ay hindi mo maririnig sa paglalakbay.  "Boyoung", tawag ko sa pangalan niya. 'Binibini! " "Malayo pa ba? " "Hindi pa tayo nakakalahati sa daanan binibini,  saka mo na malalaman pag-ibaba na ng mga tauhan yung palanquin! Sa ngayon ay kakalahati pa tayo sa daan " My gosh!  Ano ba trip to?  Wala ba kabayo rito kahit horse back riding nalang sana kami,  sanay naman ako nakasakay ng kabayo para mabilis makarating. Nakakahilo. Ilang beses narin ang humikab- hikab ay hindi parin kami nakarating sa aming paroroonan kaya minabuti ko nalang umidlip muna saglit para maiwasan ang pagkahilo ko sa byahe.  "Lady kim! " Rinig kung tawag ni Boyoung. Napakamot pa ako ng ulo dahil ang sarap nang tulog ko tapos may mang gigising bigla. "Lady kim! " ,ulit niya.  Pagkalabas ko ng palanquin na tumambad sa aking malaking gate at mga gwarda na may hawak na  espada.  . "Boyoung ,ito na yun? " "Opo binibini! Nariti na tayo sa bakuran ng palasyo " Ang palasyo kung saan pangarap ni Ria na mapuntahan. "Tara na anak, humayo natayo sa loob! " Ano bang itatawag ko sa kanya. Ama, dad, tatay, papa,father. Haysss! "Opo, ama" Nakangiti lang akong nakasunod kay ama na naglakakad habang ang mga mata ko ay nasa paligid.  May mga nadadaanan kaming mga kababaihan pero nag bobow lang sa harap ni ama.  Napapatingin din si ama sa akin sa tuwing ginagaya ko ang mga nagbobow sa kanya.  ."Anak hindi mo kailangan yumuko sa harap nila lalo na nasa mataas tayo kesa kanila. Yuyuko lang tayo sa mas mataas pa sa atin katulad ng hari, reyna, prinsepe at mga kapwa ko ministro  sa pagbibigay respeto para sa kanila. Ahhh okay?  Now i know?  Kaya pala tingin siya tingin kanina sa akin tapos iyong iba naman ay naguguat pag ginagaya ko sila. '"Ito naman ang bulawagan kataas-taasang reyna !Si Queen Dowager ang unang byudang reyna ". "Byuda?  " "Limang taon na nakalipas pagkatapos mamatay ang unang hari at sinundan ng anak niya n hari din namatay din sa sakit mallaria.  Ngauon ay ang prinsepe nalang ang natitirang taga pag-mana ng korona? " "Ahhh? " "At ang Queen Dowager ang pansamantalang namamahala ngayon sa palasyo hangga't di pa naikasal ang prinsepe para maipasa na ang korona. " Tumango lang ako kay ama. Marami pa siyang sinasabi tungkol palasyo hangang sa makarating kami sa isang kwarto. Maraming court maids sa labas at kawal. Biglang bumukas ang pintuan at bumnungad sa amin ang babaeng nakaupo na may sout ng pang reyna.  Kahit matanda na siya ay ang ganda oarin ng postura niya, masayahin din siya tignan di kagaya ng mga nakikita ko sa drama aobrang sungit nila.  "Menistro Jong! ", bulalas ng inang reyna saka nag bow si ama at ganun din ang ginawa ko.  "Magandang araw, rin sayo Menistro", Dahan-dahan tumawa ang reyna at halos maningkit na ang mata niya. "Nga pala,siya na ba ang iyong sinasabing binibini " Tumango si ama at tumawa ng pag-ak. "Kung iyong mararapatin kamahalan ay siya nga ang sinasabi ko.  Ang nag-iisa kung anak si Kim Di Ala! " "Napagandang binibini! " Malaki naman ang ngiti sumilay sa mukha ko. Ano ba naman tong si Queen ,bolera.  Alam ko namang maganda ako since birth.  Si Ria lang ang di sang-ayon pag sinabi ko yun. Umupo si ama at umupo narin ako sa likod niya.  Busy sila nag kwentuhan at ang mga mata ko lang ay nasa paligid tinitignan ang mga nakakamanghang mga gamit ng Reyna.  Nang mapansin ko ang bracelet na pinasout ni Boyoung sakin kanina ay hinubad ko at tinitigan ko ng maigi. Napapangiti ako kasi sabi niya kanina ay gawa daw sa emerald stone ang bracelet nato kaya medyo mabigat siya ng kaunti. "Gusto ko sumali ang iyong anak bilang kandita ang sa pagpili bilang reyna?" Bigla kung nabitawan ang bracelet kaya napatingin sila sa akin.  "Ayos ka lang ba anak? ", tanong ni ama. Agad kung sinout pabalik ang bracelate at umayos ng upo. "Opo ama.!" "Ha-ha-ha, nakakatuwang bata.  Napakaganda.  Siguro ay hindi lang siya naka-ugnay sa ating mga pinag- uusapan ,Menistro. Kaya mabuti siguro munang ipasama ko siya mga dama ko at ipalibot sa kanya ang boung palasyo! ", usal ni Inang reyna at tumango-tango lang si ama.  Natutuwa pa talaga siya sa lagay ko na'to. Nababagot na nga ako at talagang di ako naka relate sa pinag uusapan nila.  Katulad ng napapanood ko sa drama pag napili ka bilang crown princess ay ipapakasal ka agad sa crown prince bago makuha ng prensipe ang trono. Nope!  Ayokong sumali sa mga ganyan, dahil sa mga napapanood ko.  Maraming asawa ang hari at lalo na sa akin ,kasi ayoko ng may kahati saka hindi marunong magmahal ang mga hari gaya ng nga napapanood ko.  Dahil arrange marriage lang din kumbaga, pumayag lang magpakasal ang prinsepe para sa trino hindi dahil mahal ka niya.  Kaya no ako jan. Hindi ako sasali kahit pilitin pa ako ni ama saka ayoko pa mag asawa. Never. " Lady Jang! " tawag ng reyna at may biglang pumasok na dama. "Kamahalan " "Samahan mo si Lady Kim at ilibot mo siya rito sa palasyo para kahit papano ay maibsan ang kanyang pagkabagot !". "Masusunod kamahalan! " Inalalayan akong tumayo ni Lady Jang hangang sa paglabas ng silid.  Hindi ko rin na siya hinantay at yung ibang court maids nakasunod sa kanya . Pagkalabas ko kasi ng silid, diretso-diretso na ako dahil ito yung pagkakaton ko na gumala ngayon sa boung palasyo mag -isa.  Nang maramdam kung nakasunod sila sa akin ay huminto ako at humarap sa knila.  "Lady Jang,  magpahinga nalang po kayo, kaya ko na sarili ko. " "Lady kim,  hindi maari at utos ng Inang reyna na samahan ka sa iyong paglilibot! " "Hindi ako bahala! Okay! " "Hindi po talaga maaari -----binibini, binibini! " "Lady kim! " Sigaw nilang lahat na bigla akong tumakbo ako palayo sa kanila.  Nakasunod parin sila sa akin kaya mas lalo kung binilisan ang pag takbo. Paglabas ko sa isang maliit na lagusan may nakabanga ako kaya muntik na akong matumba buti nalang nahawakan niya bigla ang bewang ko.  Napakurap ako ng dalawang beses bago tumingin sa mukha niya.  Isang lalaki na may sout ng pang gwardiya. Maamo ang kanyang mukha. Makinis ang balat, matangos na ilong at mapupula ang kanyang mga labi.  Perfect siya para sa akin.  "Binibini! " "Lady kim, lady kim! ", naitulak ko siya bigla na marinig ko ang mga boses ng dama pero hinigit niya ako pabalik at kinulong sa kanyang mga beseg . Nag maramdaman kung wala na sila.  Ako na ang kumawala sa kanya.  "Hayss!  Salamat! ", chill kung sabi sabay pag-pag ng damit at ayos ng buhok. Nakatitig lang sa akin ang lalaki kaya tumikhim ako. "Ahemm! " "Ba't mo sila tinatakbuhan? Mga dama iyong ng Inang reyna? " "Alam ko! " mabilis kung sagot.  "Bakit mo nga pala tinatakbuhan sila ?" "Kasi ayoko may kasama.  Chance ko na kaya tong gumala no. ", maarteng sabi ko ay nag flip pa ako ng buhok at saka ko siya tinignan mula paa hanggang ulo."At ikaw, ano ka dito?Isa ka ba sa mga kawal dito? Don't tell me dadakipin mo ako? " Bigla siyang umiwas ng tingin. "Ahh!oo... isa akong kawal dito ,"mabilis niyang sagot.  "Kamah---", may isa pang lalaki ang biglang umeksena pero tinignan siya nitong lalaking katabi ko kaya biglang tumahimik. "Master, lee. Nakahanda na ang kabayo sa labas! "Aniya nung lalaki.  "Sige, ", sagot niya at biglang humarap sa akin.  "Base sa iyong pananamit ay sigurado akong isa kang anak ng ministro o dika kaya may malaking katungkulan dito sa Palasyo pero binibini maiwan ka muna namin at kami ay nagmamadali.Paalam!. " "Go, walang pumipigil sa inyo. Shoo! Mukha pa ako ang nakakaabala sa inyo. Duh! ", pagtataray ko sa kanila at tumalikod.  Nakailang hakbang pa ako at sumilip sa gate na may nagsalita sa likod ko. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, binibini? " Muli akong humarap sa kanya at naka cross arm.  Pasalamat siya pogi siya, e. "I'm Kim Diala from Lourdes Grotto,  Baguio City, Philippines! ", proud kung pakilala sa kaniya. Dapat lang proud ako kung saan ako nanggaling no. "Master, may iba siyang ginagamit na lenguahe at di ko makuha ang ang ibig niyang sabihin! " Napairap ako sakawalan at trinanslate ko nalang.  Jusko!Kahit basic english lang di nila alam . "Ako pala si Kim Diala o mas kilalang Lady Kim. Anak ni Minestro Jong. Okay na ba? Babu!",sabi ko sabay kindat with  flying kiss pa sa kanya  bago tumalikod sa kanila. "Master!  Master! ", rinig kung sigaw ng lalaki. Pagtingin ko naka handusay na ang lalaking kinindatan ko na kanina. Shocks! Mabilis akong tumakbo at baka ako pagbintangan nilang kung bakit nahimatay  yung Master niya.  Kasalanan ko bang malakas ang tama ng kindat ko with flying kiss  sa kanya?  Basta ang alam ko,  wala akong jowa at chill lang ako.At lalong wala rin akong ginawang masama sa lalaki nayun.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD