Chapter 1
Present Time*
"Kim times up! "
Napalingon agad ako kay Ria na nasa kahera nag bibilang sales namin. At ako naman ay nag aayos ng mga kakadeliver na stocks.
"What time na 'ba ? "
"Yohooo! 8:30 na kaya. Bukas na Yan, close na tayo. Bilis! Over time na masyado mare ,"
Nagmamadali siyang lumapit sa vault at doon nilagay ang sales namin ngayon. Every week kinukuha ng boss namin ang sales at mga inventory sa grocery. Kasing laki Lang ng 7/11 yung grocery kaya kahit dalawa lang kami ay kayang-kaya lang. Hindi na din kumuha si boss ng isang pang tauhan para di sila masyadong mabibigatan pagsahuran. Twelve hours lang din pasok namin ni Ria.
"Okay! Bukas nalang to ,"usal ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag sa ilalim ng counter.
"Yung ilaw sa bodega pala, na off mo ba? "
"Ay shocks, di pa yata lalo na yung malapit sa may monitor! "
"Sige, ako na! "
Pagkatapos niyang in-off ang mga ilaw ay sabay na kaming lumabas.
"Hayss! Matutulog na naman tayo tapos maaga ulit bukas para papasok ",sabi niya habang sinasara niya yung kandado.
"Ganyan talaga ang buhay, minsan nakakasawa lalo na yung laging routine natin. Pasok, uwi, tulog, pasok, uwi, tulog. Kung kasi magtamad-tamad naman tayo. naku dzai ,wala tayo matatangap na sahod! "
"Correct ka Jan sis !", pagsang ayon niya. "Pano nalang yung pangarap ko mag kokorea kung wala akong pera, diba! "
Naglalakad nakami pauwi sa boarding. Malapit Lang sa pinag tratrabahuan namin kaya mas nakaka save kami ng pamasahe araw-araw.
"Duh! Ayan ka na naman. Ang dami ko nga problema pero ikaw yung pagkokorea ang pino-problema mo. Sana all !"
Umismid Lang siya sa Akin. "Pero, sis. Gusto ko talaga mag Korea, tas pupunta sa palace nila. Yung pinag shoshotingan ng mga historical drama nila. Naah, sis. I want to go there talaga, o my gosh! "
"Ako naman gusto ko mag time travel? ",wika ko kaso bigla niya akong hinampas ng jacket."Aray ko ! Bakit? "
Baliw talaga tong babae na'to. Bigla-biglang nanghahampas.
"Naninira ka ng moment, teh. Alam Mo yun? Korea yung pinag -usapan natin ba't napunta ka sa time travel! "
"Eh bakit ba? Opinyon ko yun no. Saka malapit na pala tayo ",pang iiba ko ng sagot. Di naman namalayan na malapit na kami sa boarding sa ingay namin dalawa. Buti nalang talaga wala ng tao sa labas kundi mapag-kamalan kaming baliw na pagala-gala.
Nauna ako Sa kanya ng malakad kaya naiwan siya.
"Hoy! Kim! Wait Lang! "
"Bilisan mo kasi ! "
Pagkarating namin sa boarding ay agad ng naunang pumasok si Ria dahil gusto niya ,siya lagi ang nauuna sa banyo kesyo daw pag ako daw mauuna matagal daw matapos at sayang oras niya kakaantay. E nanonood lang naman ng drama.
Binagsak ko ang katawam sa kama. Kinuha ko ang cellphone at nag scroll ng mga videos sa f*******:. Doon ko kasi minsan nakikita na mga new uploaded na mga historical drama kahit tig wa-one minute lang saka ko isesearch sa YouTube at doon manood.
"Eysshh! Puro na man ganito! Wala bang iba! "
Nilapag ko ang phone sa tabi ko at nag iisip ng mga scene na gusto ko mapapanood. Puro naman kasi nasa lowly class ang babae tapos magigibg court lady o dikaya court maids oara nag revenge tapos ang bida mababait -----
"Hoy! "
Sinundan ko ng tingin si Ria at sinamaan ng tingin.
"Problema mo na naman ? "
"Wala lang! "
"Hayop ka talaga! May iniisip ako eh! "
Tumawa lang siya. Tumayo ako at kumuha na ng tuwalya saka pumasok sa banyo. May sinasabi pa siya sa akin pero diko na pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
Ilang minuto ay natapos na ako. Nakita kung tuma-tawa si Ria sa taas kaya hinila ko ang paa niya para magulat siya sa akin. Kahit papano makabawi namin ako sa kanya pero ang nakakainis lang ay tinawanan niya lang ako na parang walang nangyari.
"Huh? "
"Ano pinapanood mo? "
"Love in the moonlight. Panoodin mo nakakatawa siya ? "
"Tsssk, napanood ko na yan nga lang diko tinapos. Gusto mo ba ng spoiler?",
Huminto siya at ang sama ng tingin sa akin. "Diko hinihingi opinyon mo, subukan mo lang sasabunutan kita! "
"Owwsss! ", pang-aasar ko.
Bumalik ulit siya sa pinapanood niya. Ang sarap niya talaga asarin yung tipong di na siya umiimik pag galit.
"May mamatay sa kanila jan!", diretsang sabi ko. Napahinto naman siya sa panoood at tinignan niya ako ng sobrang masama. Pero nag peace sign lang ako sa kanya.
"Mianhe, chingu! " (sorry freind)
"Panira ka talaga, kim nakakainis ka. ",
"Pano mainis ", pang aasar ko sa ko pa sa kanya.
"Pero totoo , may mamatay sa kanila rito ? Sino? si bogum? Si Ra on ? Sino ?"
"Secret! Panoorin mo nalang! "
"Abnormal na spoiler ka. Kanina pasabi-sabi ka, gusto mo ba spoiler, may mamatay sa kanila jan, tapos nagtanong ako sino, secret, panoorin mo nalang. Di kana talaga nakakatuwa kim! "
Natatawa nalang ako sa reaksyon ni Ria. Sa sobrang inis niya talaga sa akin, gagayahin na niya boses ko at gesture kung pano ako magsalita .Ang cute. Bumalik ulit siya sa pinapanood niya at diko na dinisturbo pa.
Dahil double deck higaan nmin, kailangan ko pang umakyat ng hagdan para makalapit sa kanya. May itatanong lang?
"Mag recommend ka nga sa akin,Iya. Ano pa ba napapanood na mga historical bukod dun sa empress ki, dongyi, queen seondeok. Bigay ka pa nga? "
"Pwede ka naman magtanong sa baba lang dimo na kailangan umakyat,teh?", sarkastiko niyang sabi.
"Dito na, para ramdam ko ang presensya mo hahaha! "
"Gaga! ",
Umayos siya ng upo at inayos niya ang kumot hangang bewang.
"Ahmm! Napanood mo ba ang tale of nukdo? "
Umiling ako. Nakikita ko lang sa f*******: pero diko pa napanood ng bou ang video. Kumbaga trailer lang.
"Oh, isa din yun maganda, tapos Ruler: master of mask, 100 days my prince. Si kyungso bida dun tapos the grand prince, Jang ok jung, hwarang, scarlet heart ryeo, tapos ano pa ba -hmmmm! "
"Okay, okay na", tinaas ko na kamay ko para pahintuin siya.
"Pamilyar na sa akin yung mga sinasabi mo. Nakikita ko sa f*******: ang nga yan.May hinahanap ako sa kwento ,e kaso di ko na nakikita sa mga napanood ko "
"Ano ba kasi gusto mo. Comedy, romance ,fantasy or what ? "
"Ahmm. Gusto ko masungit yung babae, tapos may pagka abnormal, tapos wala siyang paki alam sa nga status buhay nila tapos------"
"Ahhh, alam ko na ?"
"Ano? "
"Mr. Queen, maganda yun commedy"
"Nope! "
"Gaga, maganda yun.! "
"Alam ko naman yun pero gusto ko yung hard headed yung babae tsaka ayaw niya maging reyna or so what na nagtatrabaho sa Palace. Like that ba! Chill lang ang bida! "
"Eshhh! Bahala ka nga. Mag writer ka nalang kaya para isulat mo nalang yang mga naisip mong plot. Patanong-taong kapa ,e yaw mo din lang naman ng nga nirecommend ko sayo, mag direktor ka nalang kaya din. Support kita !", inis niyang sabi at nagtago na sa kulambo niya. Sinimangutan ko nalang siya.
Bumaba na ako at nahiga sa kama.Gustuhin ko man mag sulat ng nga kwento kaso tinatamad ako. Hangang pag-bou lang ako ng plot ang kaya ko pero pag isusulat ko na nawawala na sa isip ko.
Si Ria din ang naka impkuwensiya sa akin na manood ng mga ganyan at nadala ako. Simula nun tuwing gabi na ako nanood ag naghahanap ng panonoorin hangang sa ngayon gusto ko ng magtime travel sa past sa panahon ng joseon dynasty. Gusto ko lang masaksihan ang buhay nila noon lalo na mga fashion nila. Gusto ko din matry mag-sout ng hanbok sa panahon nila.
Si mama may nakwento rin sa akin kasi yung papa ko daw ay miyembro ng nga Gwangsam Kim clan kung saan doon din galung ang ibang mga Queens noon sa korea. Pero i think, malayo na ako nun saka may halo na ako. A sad story kasi di ko pa nga nakikita ang mukha ng papa ko kahit sa social media man lang. Nagtataka ako kasi nung nag search ako sa internet about sa Gwangsam Kim clan. Talaga namang mayayaman sila at matatas ang rango.
Ang pinagtakahan ko lang ay kung bakit di kami mayaman. Siguro dahil kami si Papa lang naman ang may kaya hindi si mama .
May lahing korean nga ako pero di ako marunong magkorean. Haysss! Ngapala ako si Diala Kim, pero kadalasan ginagamit ko ang aking pangalan pabaliktad kaya Kim Diala ang tawag nila sa akin.
Diko namalayan na lalim ng mga iniisip ko ay hinila na rin ako ng antok hangang sa makatulog .