Chapter 7
"Ashi "
"Hmmmm! "
"Ashiii! Gising na !"
"Boyoung,inaantok pa ako! "
"Tanghali na,Ashi. Kailangan mo na maghanda!"
"Hmmm! "
"Ashi, gising na. May importe akong sasabihin sa inyo! "
Pagkabukas ko ng mata, mukha agad ni Boyoung ang bumubgad sa akin. Nakadungaw siya. Sa sobrang gulat niya sa pagbiglang pag upo ko ay halos matumba na siya.
Antok na antok pa akong nakatingin sa kanya. "Ano ba sasabihin mo? "
"Siguradong matutuwa ka pag nalaman mo akig magandang ibabalita pero kailangan mo munang umupo sa iyong paselya! "
Inalalayan akong umupo sa aking maliit na lamesa saka niya niligpit ang aking pinaghihigaan. Humihikab-hikab akong tinitignan siya hangang sa matapos.
Halata naring mataas na ang araw dahil pumapasok na ang sikat ng araw sa bintana ng kwarto ko. Nakakasilaw rin ang liwanag ng paligid . Para na akong susunduin ni San Pedro sa lagay na ito dahil sa nakaputing kasoutan rin ako. Nakikiayon sa lagay ng panahon.
"Ano sasabihin mo ba sa akin? '
Ngumiti siya sa akin na ikinataka ko. Anong meron kay Boyoung at mukhang nasa mood ,ate niyo?
"Si Ministro Jong nalang ang mag sabi sa inyo at gusto karin niya na makausap! "
Hanudaw?
"Huh! "
Inaantok pa talaga ako. Late na kasi nakauwi kagabi kasi hinatid pa namin ni Prince Lee, si Jin so sa nanay niyang may sakit saka inihatid din ako ng prinsepe kagabi. Buti nalang at hindi alam ni ama na ginabi na ako umuwi. Binigyan ko ng tig tatlong yang ang tatlo guwardiya nakahuli sa akin sa bahay kagani para hindi sila magsumbong kay ama.
"Sandali lang ,ashi! "
Tumango-tango lang ako kay Boyoung hangang sa makalabas siya. Pinatong ko aking kamay sa mesa saka ko rin pinatong ang ulo ko sa kamay.
"Lady Kim! "
Napa-ayos ako ng upo na marinig ko ang boses ni ama. Ano meron? Bakit ang aga naman ni ama bumiseta sa kwarto ko?
"Ama, ba't naparito po kayo ng ganito kaaga! May problema ba ?,"bungad ko sa kanya.
Umupo siya maliit at manipis na cushion sa harap ko.
"Hindi ito problema anak kundi isa itong malaking karangalan. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang mapipili nila! "
"Huh! ....Mapipili saan?"
Anong mapipili? Saan?
"Hindi ko inaasahan ito , na magmumula sa angkan natin ang susunod na maging reyna ng boung Joseon! "
"Ahhh!! "
Napakurap ako ng ilang saglit bago ko makuha kung tama ba ang narinig ko kay ama o nagkamali lang ako ng pandinig.
"Pakiulit nga ama., diko masyadong maintindihan ang iyong sinasabi! "
Tumawa si ama at ako naman iniisip ko kung anong nakakatawa sa tanong ko.
"Siguro ako kung buhay lang ang iyong ina, ay labis na matutuwa iyon sayo!"
"Ahhh! " tumango nalang ako kay ama kahit diko naintindihan yung mga sinasabi niya basta ang gusto ko lang matulog ulit kasi inaantok pa ako.
" Labis na kagalakan ang binigay mo sa akin, sa amin lalo na sa angkan natin. Dala mo ang apilyedo natin hanggang sa kasaysayan ng boung bansa! "
Ngumiti lang ako kay ama para matapos na ang usapan namin. Mamaya ko nalang siya tanungin kung anong pinag -uusapan namin ngayon.
'Nagsimula ng tumayo si ama kaya nakahinga ako ng maluwag. Makatulog Pa ulit.
"Halika, anak... May naghihintay sayo sa labas? "
"Po?... Sino sila? "
"Saka mo malalaman pag nakalabas kana sa iyong silid. Halika! "
Sino na naman sila ang sinasabi ni ama? Nag -aantay daw sa akin. Di kaya si..... Prinsepe Lee Ryeong.
Mabilis ako lumabas sa aking silid para tignan ang prinsepe .Pero pagkalabas ko ay mali ako dahil ang inaakala kung prinsepe, ay mga kawal ng palasyo na may dalang palanquín ang nakikita ko. At anim na court maids sa gilid na may bitbit na mga kahon at isang ministro. Masasabi ko isa siyang menestro dahil sa kanyang formal na kasoutan katulad kay ama. May nakalapag rin sa lupa na puting parang comforter ang kapal sa harap ni Ministro.
Wala pa akong ka ideya-ideya kung anong nangyayari hangang sa. "Di kaya....! ", napaisip ako hangang sa maalaa ko huling sinabi ng Prinsepe sa Pavillion.
Flashback ***
"Ngayon ,dahil andito narin ako sa harap ng mga kandidata. Hindi na ako magligoy-ligoy pa. Alam kung hindi pa tapos ang paghahanap ng reyna pero ako ma mismo ang pipili ng maging reyna ko at sa tingin ko nahanap ko na siya. Sa makalawang araw, kung sino ang binibining makakatangap ng kautusan mula sa palasyo at palanquin na magdadala sa kanya rito ay siya ang napili ko at nakikitaan ko ng personalidad bilang aking asawa at reyna! "
Maotoridad niyang sabi at umalis. Sinundan agad ng mga eunuch at ibang servant niya.
Nagulat ako ng Lahat sila ay yumuko sa akin. Agad akong napa -tap ng bibig. So ito yung sinasabi ni Boyoung sa akin na good news at ikinatuwa ni ama na balita. Deym! Kung alam lang nila kung anong kababalaghan ang ginawa ko para lang hindi ako mapansin ng reyna, ay baka masumpa pa nila ako ng wala sa oras.
Lumapit si Boyohng sa akin at inalalayan akong pababa ng hagdan. Tinignan ko si boyoung.
"Masaya ako sayo para sayo, Ashi. Isusumpa ko nsa akng sarili na pagsisilbihan kita hanggang sa huling hininga ko !", aniya.
Pero nawala ang ngiti niya binatukan ko siya. "Gaga, sinabi mo sana sa akin ng maaga at para makatakas ako! " bulong ko.
Pagkarating ko sa harap ni Menestro ay agad kaming nag vow ni Boyoung. inilalayan parin ako ni boung hanggang sa makarating ako sa gitna na may nakalatag na foam.Pinaupo niya ako roon.
"Maganda umaga sayo, binibini! ",masayang bati ng Ministro sa akin.
"Ako si Ministro Park Yon ah. Punong Ministro ng Ceremonya. Nandito ako para maghatid ng kautusan mula sa ating pinaka taas-taasang reyna na si Reyna Choi Han !"
May lumapit sa kanya na isang eunuch ang nagbigay ng royal order na nakasulat sa makapal na papel na papel na binabalutan ng tela. Kinuuha niya ito at binuklat sa harap ko.
"Ako si Queen Choi Han . Iniimbitahan ko sa Palasyo, si Binibining Kim Dia La para sumalang sa matinding ensayo at paghahanda bilang bagong reyna ng Joseon! "
Pagkatapos niyang binasa ang nakasulat ay niroll niya ulit ito at nilahad sa akin gamit ang kanyang dalawang kamay.
Tumingin ako kay ama pero tumango lang siya.
Kinuha ko sa kamay ni Menestro ang royal edict na mula sa reyna. Gustuhin ko man tumakbo palayo para makatakas rito sa pangyayaring ito pero huli na marealized ko kung anong mga salita ang nabitawan ko.
"Ako si Kim Dia La mula sa angkan ng Gwangsan Kim. Boung puso ko tinatangap ang kautusan ng Mahal na Reyna. " , saka ako naman ang nag bow sa kanya.
Pagkatapos ng eksenang iyon ay agad akong inayusan ni Boyoung. Pinasout niya rin sa akin ang dala na damit ng mga consort maids at ibang palamuti sa buhok. Wala naman akong ibang magawa kundi sundin nalang ang utos ni ama lalo na rin sa kagustuhan ni Inang reyna.
Kakaiba kasi patakaran nila rito, once na maitalaga na maging consort queen at anak ka ng isang ministro o may katungkulan sa palasyo ,pag hindi sinusunod ng anak yung kautusan ng nakakataas ay tatangalin ang sinumang kaanak sa nasabing susunod na reyna. Ayoko rin naman mangyari kay ama na matanggal siya sa posistion niya ng dahil lang abnormal na kagaya ko pero maganda.
Ako lang din yata ang nangangarap na mag time travel sa joseon dynasty bilang isang mayamang babae pero ayaw maipakasal sa isang prinsepe. Crazy?
Hindi rin kalaunan ay pinasakay na nila ako sa Palanquin. Kasama ko si Boyoung sa byahe papuntang palasyo dahil maging isa na siya sa court maids pag nag koronahan na ako bilang reyna.
Tahimik lang ang pag byahe namin hangang sa makarating kami sa Palasyo.
"Ashi, andito na tayo? "
Itinaas niya ang takip sa palanquín para makalabas ako. Nagulat ako na nasa harap ko si Grand Queen Dowager at Queen Mother .Nasa likuran naman nila Si Lady hae at ang dalawang niyang assistant. Sa pinakalikod naman ang labing dalawang court maids ng mga reyna.
"Kamahalan /Mama !", sabay naming bati sa dalawang reyna saka nag vow sa kanila.
"Maligayag pagbabalik, Lady Kim... Ako ay masaya na makita ka ulit sa Palasyo.! "
"Salamat, kamahalan! ",sagot ko at nag vow ulit sa harap nila. Nakangiti lang si Mother Queen habang nakatingin sa amin.
"Lady Hae! ", tawag ni mother queen sa pinuno ng nga kababaihan.
"Mama! "
"Pakidala ang Binibini sa kanyang pansamantalang silid upang doon hasain ang kanyang sarili at sa gagawing paghahanda. Dahil tatlng araw nalang ay magsisimula na ang ceremonya! "
Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Tatlongg araw , as in three days nalang magsisimula na ang ceremonya. Ang bilis naman!.
"Yeh, kamahalan! ",punong paggalang ang boses niya bago nag bigay ng pugay sa reyna. Lumalakad siya palapit sa akin at yumuko gaya ng ginawa niya dalawang reyna.
" Halika binibini at hahatid kita sa inyong silid para makapag -pahibga ka na din.! "
"Yeh, Lady Hae! "
Kasalukuyan akong nakasunod kay Lady hae at sa dalawa niyang kasama. Nasa likuran ko din si Boyoung at anim na court ladies na nag sundo sa akin kanina. Di kinalaunan ay pumasok kami sa isang building. Huminto siya sa harap ng isang pintuan at agad naman siyang pinagbuksan ng mga court maids na kasama niya.
Apat lang kaming pumasok sa kwarto. Si lady hae, ako at yung dalawa niyang assistant na si Lady Jae Geum at Lady Kyu.
"Ang kwarto na ito ay malinis na at nakaayos narin ang iyong mga gamit sa mga kahon. Kung may kailangan ka ,Bininini ay tawagin mo lang ang iyong mga katulong sa labas. Wag kang mahiyang mag-utos sa kanila dahil di rin mag-tatagal ay magiging iyo na na din sila. Sa ngayon ay Pwede narin kayong makapagpahinga at magkikita nalang tayo sa Pavillion bukas ng umaga ! "
Tukoy nito sa lugar na kung saan isinagawa namin ang unang gawain na kasama ang mga reyna. Tumango nalang ako .
Pagkaalis nila ng kwarto ay agad ko naman tinawag si Boyoung sa labas. Ang dami ko pang itatanong sa kanya?
"Ashi! Anong maipag lilingkod ko sa inyo?"
"Upo ka, narami akong itatanong sayo? "
Nang matapos siyang makaupo ay tinanong ko na agad.
"Boyoung, pagkatapos ba ng ceremonya. Makakabalik na ba tayo sa bahay natin? "
Tanong ko lang para sigurado. Kasi during my times, kahit kasal kana pwede ka parin tumira sa mga magulang mo lalo na pag nag-iisang anak kalang gaya ko.
Umiling siya.
"BAKIT HINDI ? "
"Sshhhh ! Ashi, hinaan lang boses natin baka marinig tayo sa labas! "
Nagpout lang ako sa kanya pero siya pilit ang ngiti binibigay niya sa akin.
"Hehehe! Alam mo, Ashi. Pag naikasal kana sa Prinsepe ay hindi kana maaring tumira sa dati mong tirahan kasama ang iyong ama pero pwede mo naman siyang bisitahin paminsan. Saka baka si Master Jong na ang bibisita sa inyo madalas rito sa Palasyo! "
Hindi parin ako sang-ayon sa sinabi niya. Kahit palagi akong bisitahin ni ama dito pero mas gusto ko parin sa labas ng palasyo.Matiwasay, mabilis makagala. Ewan ko lang dito. Siguradong boring yung buhay ko pag nagkataon.
"At saka Ashi, pag nakoronahan kana bilang reyna ay may sarili kanang tirahan na tinawatawag na Gyotaejeon"
"Gyotaejeon. Ano yun? "
"Iyon ay opisyal na tirahan ng isang Reyna !"
"Ahh!Ganun ba?",sabi kobat tumango siya.
"At saka Ashi, pag natapos ang ceremonya ay doon matutulog ang hari? "Napangiwi ako.
"Bakit? wala ba siyang sarili kwarto sa Palasyo at makisiksik siya sa Akin, kung ganon uuwi nalang ako sa bahay. Buti pa doon tahimik at ikaw lang maingay ? "
Bigla nalukot ang mukha niya pero natawa rin ng inirapan ko siya. Panira naman talaga sa bahay lalo na sa twing umaga.
" Kasi may sariling tradisyon din ang ang Palasyo para sa reyna at hari na pagkatapos ng kasal ay dapat magtabi ang reyna at hari para sa kanilang unang pagsisiping! "
"Boyoung! "
Kahit napasigaw na ako. Ang laki parin ng ngiti niya at parang kinikilig pa samantalang ako gusto ko ng himatayin. Pagsisiping? The hell ayoko nga magpakasal, yung pag --arghhh!
"May sasabihin pa ako, Ashi .Kung hahayaan mo akong magkwento ngayon! "
Tinitigan ko lang si Boyoung dahil ngayon ko lang din nasaksihan ang other side. Parang...timang.
"Ehmm! ", sabay tango. Mas lalo pag lumawak ngiti niya. " May ibang paraan pa ba para matakasan ko ang ang pagisisiping na sinasabi mo? ",matamlay kung sabi. Tinukod ko ang aking kamay saka pinatong ulo ko .Tinitigan ko si Boyoung ng mabuti.
Nagulat ako na bigla niyang hinawakan kamay ko kaya muntikan na ako masusub sa mesa.
"Boyoung! "
"Ashi, pasensya na hindi ko sinadya. Ikaw kasi? "
"Ako? "
"Ashi ,yung mga tanong mo kasi parang ayaw niyo po maikasal sa prinsepe. Ayaw mo ba maging Reyna? !"
Inismirkan ko lang si Boyoug. "Mukha bang gusto magpakasal . Kahit prinsepe pa yan ayok----"
"Shhhh! Ashiiiii---"
Gusto kona matawa sa reaksyon ni Boyoung. Para siyang bata na nagtatago tapos may nakakita sa kanya. Nakalagay ang hintuturo niya sa bibig niya bilang pakita ng pagtahimik.
"Ashi, wag ka pong magsalita ng masama tungkol sa prinsepe dahil may batas rito. Pwede kang makulong pag may makarinig sa'yo!?"
Tssk! Kung alam lang nila kung ano na mga nasabi ko sa tinawag nilang prinsrpe baka mahimatay Pa siya pag nalaman niya.
"Oo na, sige tuloy muna "
"Pero pangako niyo na wag niyo napo ulit bigkasin ang prinsepe lalo na't pag may -----"
"Oo na, boyohng. Tuloy muna kasi.. "
Wala siyang ibang nagawa kundi tumango nalang. Biglang pumasok sa isip ko kungtungkol sa maraming asawa ng hari at mga concubines.
"Boyoung, kailangan ba talaga maraming asawa ang hari o di kaya concubines! "
"Alam mo ,Ashi.May sariling tradisyon ang palasyo.Ang hari ay pwede magkakaroon ng maraming asawa pero isa lang ang maging reyna. Kadalasan nangyayari ito pag hindi nagka-anak ang reyna. Gusto man o ayaw ng hari ay kailangan niya ulit mag-asawa hangang sa may magsilang ng batang lalaki. Lahat ng courtladies at concubines ay babae ng hari. kaya kung ako sayo Ashi, dapat magkaanak ka-----"
"Ayssss, Boyoung! "
Di niya maituloy ang sasabihin niya na bigla akong umirap sa kawalan.
"Pero pag mahal ka ng hari syempre hindi iyon gagawa ng ikakasama ng loob ng reyna niya!"
Mas lalo ko siya pinaningkitan ng mata kaya napayuko siya.
"Kung magiging reyna ako, Boyoung. anong mangyayari kaya sa akin?"
Wala sa sarili kung tanong. "May mai-ambag kaya sa bansang ito? Kasi gala lang alam ko ,e? "
"Ashi naman...Wag ka naman magsalita ng ganyan. Naniniwala po ako na maging isa kang mabuting reyna ka balang araw kasama ang hari. At mabuting ina-----", pilit siya napangiti na pinanlisikan ko ng mata. Sige itutuloy lang niya ang sasabihin niya, palakarin ko siyang patiwarik. "Siempre mabuti ng ina sa ating bayan! "
"Tama na ating usapan. Sabihin mo sa ibang katulong Jan sa labas na maari narin silang magpahinga, anjan naman mga kawal sa labas! Go na ,Boyoung. Pahinga ka na din!"
Pagtataboy ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo na parang hindi sang-ayon sa sinasabi ko. Nakaupo parin siya at wala yatang balak tumayo.
"Wag ka mag -alala hindi ako tatakas. Magpapahinga narin ako"
"Salamat, Ashi. Pero pag may kailangan ka tawagin mo lang ako,a."
Tumangi lang ako sa kanya. Pagkalabas niya ay dumapa ako sa pinag uupuan ko kanina. Iniisip ko parin ang tungkol sa kasal at pagiging asawa ng hari? Katulad ng sabi ni Boyoung may isang reyna lang pero pwedeng mag asawa ulit ang hari pag gugustuhin niya...
Noon una inaya ko si Master Lee na kami nalang magpakasal, kinikilig ako. Pero ngayng nalaman kung magiging hari si Prince Lee Ryeong ay hindi na kilig ang nararamdan ko, kundi kaba.
Mukha naman wala din sa itusra ni Prince Lee Ryong ang pagiging chickboy at sana nga hindi siya katulad ng mga napapanood kung kdrama. Dahil nagpapatali siya sa akin, magdusa siya. Itatali ko rin siya , ginusto niya e. Ako Pa naman yung tipong pag alam kung naiinis siya sa akin mas lalo kung iinisin. Kung mambabae siya, manlalaki rin ako----kung pwede lang din sana, e no.