Chapter 6
Wala sa sarili akong naglalakad sa pamilihan. Nababablangko pa ako sa mga nangyayari. Nalaman narin ni ama ang nangyari sa Akin sa palasyo kaya mas lalo siyang nag-alala sa Akin.
Tinakasan ko na naman si Boyoung sa bahay na nagdidikdik ng mga monggo para sa bago niyang gagawing pampaganda. Walang ka ideya si Boyoung na andito ako sa pamilihan at iniwan ang mga binuburda ko.
"Binibini, p--pwede po ba makahingi ng pagkain po. Nagugutom na po ako! "
Matamlay na sabi ng isang batang paslit ang andito sa harapan ko. Maputla at parang nagmamakaawa ang kanyang mukha. Marumi ang kanyang kasoutan at ang dungis niya din tignan. Kunti-kunti nalang ay matutumba na siya sa kinatayuan niya. Nakahawak rin siya sa tyan niya.
Sa sobrang awa ko lumuhod ako para makapantay ko siya. Buti nalang may dala akong pera kanina bago ako umalis ng bahay.
"Sige, bibilhan kita. Pero maari ko bang malaman ang iyong pangalan? "
Tumango lang ang bata bilang pagsagot. "Ako po si Jin so ?"
"Ahh, Jin so! "
Ngumiti ako saka tumayo .Hinawakan ko ang kamay niya at dinala siya sa isang ginang na nagtitinda ng mga lugaw
"Isang takal po na lugaw ,Madam! ",tumango ang ginang at nagsimula na magsandok. Ang isang takal nila ay marami na at kaya na ubusin ng dalawang tao.
"Dalawang Yang! "
Kinuha ko sa ilalim ng damit ko ang isang pouch na naglalaman ng mga tanso . Isang piraso tanso, ay isang Yang. Kumuha ako ng dalawa at binigay ko sa kanya.
"Salamat po! ",sabi ko sa ginang. "Jin so, doon na lang tayo uupo, no. Gusto mo? ", aya ko sa kanya sa malinis na bangketa kaso umiiling siya. "Bakit? "
"Doon nalang tayo sa gilid binibini? Gutom na po ako? "
Hindi ko maintindihan kung bakit parang takot siya sa mga tao rito kung tutuusin ay kaunti lang naman ang taong umuupo dito.
"Wag ka matakot. Ako bahala sayo, hmm! "
Kaso umiling padin ng bata.
"O sige! ", pagpayag ko.
'Madam, hiramin ko muna sandali itong mangkok niyo. Wag po kayo mag aalala ibabalik ko po ito pagkatapos! "
"Sige, iha. Paki-ingatan mo nalang din kasi yan na nalang natira kung disenyo ng mangkok ko! "
"Sige po! "
"Tara! "
Iginiya niya ako sa lugar na gusto niyang puntahan. Bitbit ko naman ang mangkok na natakpan ng dahon ng saging.
Mahigpit ang pagkahawak niya sa
aking kamay. Nauna siyang naglakad habag hila-hila niya kamay ko. Napapangiti ako nakatingin sa aming kamay na magkahawak.
Nagulat ako ng huminto siya at napabitiw sa kamay ko. "Jinso! "
Sinundan ko kung saan nakatingin si jin so .Sa tatalong lalaki na kasalukuyan ngayon naglalakad palapit sa amin.
"Bata, kanina ka Pa namin hinahanap. Dito ka lang pala? "
"Ayoko na po. Huhu... Mama.... "
Parang kinurot ang puso ko na makita si Jinso umiiyak at nagtatawag sa kanyang ina. Takot na takot siya.
"Jinso! ", tawag ko sa kanya kaso nagulat ako na bigla siyang tumakbo palayo sa likod ko.
"Bilisan niyo!Habulin niyo!" sigaw nung isang lalaki habang tumatakbo na sila palapit sa akin.
Binitiwan ko ang bitbit kung mangkok saka inidipa ko ang aking magkabilang kamay para harangan sila.
"Sino ka? Ang lakas ng loob mong humarang sa dinadaanan namin. Gusto mo bang ilibing karin namin ng buhay? ",matapang sabi ng isang lalaki na may nakakatakot na bigote.
"At sa tingin mo natatakot ako sa inyo.Tssk! At kayo sino rin kayo para takutin ang bata na walang kalaban-laban sa inyo? Huh?"
"Wala kang alam!, kaya tumabi ka! "
"E di aalamin ko kung sino kayo para malaman ko kung sino tong mga malalakas na loob at bigla nalang susulong sa batang walang kalaban-laban! "
Biglang pumagalpak ng tawa ang lalaki na nasa gitna nila.
"Ang batang pinagtatangol mo ay ibinenta na ng ama niya bilang pambayad ng utang sa Akin bago binawian ng buhay. Sabihin mo kung wala ba akong karapatan sa bata na iyon? "
Bigla akong napahinto. Benenta ng ama niya si Jinso? Pero kahit na. Hindi sana ganon trato nila sa bata.
"Pero hindi parin tama ang ginagawa niyo sa bata. Tinatakot niyo,mga wala kayong puso! "
"Master, unahin muna natin ang bata. Baka nakalayo na! ", bulong ng isang lalaki sa gilid ng tinawag nilang master.Tumango naman ito sa kanya.
"Hindi maari. Hindi pa tayo tapos! "
Diko na alam kung saan ko na nahugot ang lakas ng loob ko basta para Kay jin so ay lalaban ako. Child a***e ang ginagawa nila, e.
Sa talim ng tingin ng leader nila ay siguradong pinaglalamayan na ako ngayon pero bigla itong ngumiti na kinatayo ng balahibo ko . Tumingin siya kaliwa niya at suminyas sa kasama niya.
Nang akmang hahawak na ng lalaki ang braso ko ay mabilis ko itong sinampal kaya napahawak tuloy ito sa kanyang pisngi. Aamba narin sana ang isa ng pigilan siya ng master nila.
"Wala kang karapatan hawakan ako sa marurumi niyong kamay. Hindi niyo ba alam na malaki ang krimen na makukuha niyo aa paghawak sa isang babae na mula sa isang mayamang angkan . ", isa ko sila tinitignan. "Ako si Lady Kim Di Ala na anak ni Menestro Jong"
"Tssk! At sa tingin mo matitinag mo ako sa ama mong Minestro! "
Halos lumuwa ang mata ko na Biglang dumura siya harap. Nandidiri ako.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at pigil kung nilalabanan iyon..
"Heh--hehe, sama ka nalang sa amin, binibini. Magsasaya tayo kahit sandali. Di Bali pag sasama ka sa amin, hahayaan na namin ang batang iyon. Di ba mga kasama! "
"Oo bininini. May isang salita ang aming pinuno! "
"Bitiwan mo. Bitiwan mo. Ano ba? Sisigaw ako! "
Ang kapal ng mga 'to. Kung kasing pogi lang sila ni Master Lee, sasama ako. Talking to that devil, ughh! Kalimutan ko na ngalang.
"Hehehe. Nagsasayang ka nalang ng lakas ,binibini! Kahit anong gagawin mo ,walang tutulong sa iyo rito."
"Ahhhhhhhhh! Tulong! Tulong po. Tulong! ---outch "
Ahhh! Sa sobrang lakas ng pagkabagsak sa lupa,ay parang mapipilayan a ako nito.
"Aray ko.. Ahhh! s**t! Ughh!"
"Sa susunod na gagambaliin niyo ang binibining ito ,wag kayong aasa na masisikatan pa kayo ng araw ".
Napatingin ako sa tatlong lalaki na ngayon ay nakabulagta na. May isa pang lalaki na nakasout ng pangkawal habang may hawak na espada nakatututok sa kanilang tatlo palipat-lipat habang nagsasalita. Ang leader nila na kanina'y matapang pero ngayon ay halos maduling na siya kakatig sa espadang nasa haraan niya. Isang Laing galaw niya lang ay babaon sa kanya ang espada.
"Hindi na. Hindi na mauulit. ...hindi na !"
"Siguraduhin niyo lang kung hindi ---" ,mas lalo niyang diinin ang espada at kunting galaw nalang ay matatamaan na sila. "Bibigyan ko kayo ng tatlong bilang para tumakbo at siguraduhin niyong diko kayo maabutan. Pag nagkataon alam niyo na ang mangyayari ...isa.....", sabay nagasintayuan ang tatlo at paika-ikang tumakbo.
"Hoy... Di Pa tayo tapos... " ,sigaw ko.
Kahit masakit balakang ko pilit kung tumayo para maabutan ko sila.
"Dalawa !"
Paika-ika silang tatlong tumkbo sa takot. Kahit natutumba na sila kakamadali ay pinilit parin nila para di sila maabutan ng bilang.
"Hey! ",tawag ko ulit sa kanila pero wala ng lumingon. Susundan ko narin sana na hawakan niya ang kaliwang kamay ko.
"Hayaan mo na sila. Hindi ka na nila guguluhin Pa ! ", sabi niya sa nag vow sa harap ko.
Napatingin ako sa mukha niya. Bago siya sa paningin ko. Kung hindi ako nagkakamali ay taga palasyo din ito dahil sa kanyang kasoutan.
"Sino ka? Bakit moko tinutulungan? "
Ngumiti lang siya. "Ako si Ra on .Kaibigan ni Master Lee .Sige maiwan na kita. ",saka siya nagmamadaling umalis.
Master Lee? Nanlaki ang mata. Anditi siya? Andito yung sinungaling prinsepe na yun?
"Salamat!, " sigaw ko. Hindi ko alam kung narinig niya kasi hindi na siya lumingon sa akin.
"Shocks! Si Jin So!"
Pinulot ko ang mangkok kanina kahit may laman pa saka ako bumalik sa binilhan ko kanina at nagbaba sakaling makita ko ulit si Jin So roon pero wala.
Hinanap ko siya sa pamilihan ng mga pampaganda, pagkain, metal at mga damit kaso kahit anino niya ay hindi.
Nagtatanong rin ako sa mga Tao nakakasalubong ko kung may nakita silang bata kaso puro wala lang ang kanilang sagot.
"Jin so! "
Bagsak ang balikat kung naglalakad hangang sa makarating ako ng tulay kung saan andun ang mga tao nagpapalipag ng mga lanterns tuwing gabi. May mga tao rin akong nakakasalubong na may bitbit na parol at mga mga bata kasama ang mga magulang nila.
Nanghihina narin ako sa dahil sa pagod. Pinagpatuloy ko lang making paglalakad hangang sa matanaw ko ang isang isang shed.
Pagtingin ko.... Kumukurap Pa ako ng isang beses kung tama ba ang nakita ko.
"Jin so.... Jinso! ", sigaw ko para maagaw ko ang atensyon niya. Kumaway siya sa akin kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit pagkalapit ko sa kanya.
"Hays! Salamat naman at nasa maayos ka na kalagayan! Pinag-alala mo ako Jin so,ah"
"Opo, binibini! "
Nakangiti siya sa akin ngayon kaya natutuwa ako ng sobra sa kanya. Ewan ko parang ngayon ko lang ulit nararamdaman ang malapit sa mga bata. Siguro naawa lang ako sa kanya pero iba eh... Diko lang maipaliwanag.
Hinawakan ko ang mukha niya ."Mabuti naman, nga pala. Tara bibilhan kita ulit ng pagkain! Kakain tao ng marami! ",masayang wika ko sa kanya pero umiling na siya.
"Bakit? Ayaw mo? di ba sabi mo nagugutom ka kanina. Tara bibili tayo ng marami. Kain tayo ?"
"Hindi na kailangan... Tapos ko na siya pinakain bago ko dinala rito sa pahingaan "
Para akong na estatwa at hindi makagalaw. That voice.! I know it was him, the crown Prince na nagpapangap bilang isang kawal. Lumunok ako.
"Ginoo.!" ,Masayang tawag ni Jinso sa likod ko. "Ang gand ng parol? "
"Syempre pinili ko yan para sayo! "
"Yeyyy! "
"Dahan-dahan lang baka mabutas mo! "
"Opo! Pero Ginoo ,may ipapakilala ako sa'yo. ",rinig kung bangit niya. "Binibini! ",tawag niya sa akin.
Ayoko sanang humarap sa kanila pero ayokong magmukhang affected ng dahil lang nangyari sa Pavillion.
Tumayo ako at humarap sa kanila. Nakaluhod ang Prinsepe para mapantay niya si Jin so. Nang mag-angat sa akin ng tingin. Wala akong ibang nagawa kundi mag bow sa kanya saka nag -iwas ng tingin.
"Hindi ko inaasahan na makikita kita rito, Lady kim? "
Napaikot ako ng tingin. As if naman, umaasa din ako makita siya rito.
"Ganun rin sakin, kamahalan. "
Naiinis na ako with respect sa kanya. Kundi sana siya nagsinungaling sa akin. E, di friends parin kami ngayon?
"Kung ganon, pano kaya nagkakilala ni Jin So. Kanina kasi nakikuta ko siya sa gilid ng daan umiiyak at nanghihingi ng pagkain ",aniya.
"Ganun din ang nangyari ,kamahalan.. kaya ko siya nakilala! " ,hindi parin ako tumingin sa kanya.
"Hindi mo ba ako titignan! "
No! Pilitan mo ako ---nyemas! Hindi ako marupok. Hindi! Bahala siya Jan!
"Kailangan pa ba yun, kamahalan! "
"Hindi naman pero yun ay isang kautusan mula sa akin ang tignan mo ako! "
Nag-iinis batong Prinsepe na'to. Kung nasa present times lang ako, baka nasakal ko nato. Nanggigil ako ,e.
Gaya ng utos niya tinignan ko siya na parang tutunawin ko na siya sa paningin ko.
"Nga pala, tungkol sa nangyari kahapkn ----"
'"Pasensya na kamahalan, pero kinalimutan ko na ang pangyayaring iyon! ",I cut him off.
"Hindi maari! "
'Hindi ko na matandaan! ",giit ko.
"Totoo ang aking mga salita! "
"Ang ano? Ang linlangin ako. Ang mapaniwala mo na isa kalang kawal talaga.Saan doon?"
"Hindi sa ganun yun. "
"Hindi kita maintindihan !", giit ko.
Akala niya okay lang sa Akin ang mga nalaman ko kahapon. Nagsinungaling siya sa akin na isa lang siya opisyales ng palasyo pero hindi ko enecpect na isa siyang tagapagmana ng korona.
"Bakit? kung sasabihin kung isa akong prinsepe sayo sa tingin mo kakausapin mo ako. Kinatatakutan at iniiwasan ako ng lalo nasa mga kababaihan dahil sa posisyon ko pag nalaman nila akong isa akong prinsepe. Paminsan lang ako nakahanap ng maituring na kaibigan bukod sa tagabantay ko, at ikaw yun, Lady Kim! "
"Mali ka pa din, kamahalan "
"Oo alam kung mali ako. Pero habang tumatagal nagbibigay na ako sayo ng mga pahiwatig tungkol sa pagkatao ko pero tinatawanan mo lang ako "
"Kasi akala ko nagbibiro ka lang at isa kalang talagang opisera na may malaking katungkulan sa palasyo pero hindi pagiging prinsepe mo ang inaakala ko! "
"Ngayon, sa una palang nating pagkikita nabanggit ko na sayo ang hindi ako sang ayon sa pakikilahok bilang kandidata sa paghahanap bilang asawa ng susunod na hari. Bakit mo ako tinutulungan na mapansin ng mga reyna? "
Yun din ang diko maintindihan sa kanya. Magkaibigan na kami pero giniit niya parin ang sagot ko para mapansin ng reyna. Kung talagang magkaibigan na kami, hahayaan niya sana ako sa gusto .
Hindi ko makalimutan ang huling Gawain namin na sana ay automatikong linguak ako sa training pero giniit niyang narinig na niya ang sagot ko at oinaniwalaan naman ng mga reyna.
"Kasi sayo ko lang nakita ang katangian na maging isang reyna? "
Nanghihina akong napasandal sa poste ng shed. Tama nga ang nga nakukuha kung aral mula sa panonood ng drama sa taong 'to. There no love behind on a Queens and King relationship it's about the power and the throne .
Naramdaman ko nalang na may tumulo ng luha sa mata kaya nagpunas agad ako. "Pasensya na, kamahalan. Alam kung wala akong karapatan magsabi ng saloobin sayo pero hindi ko mapigilan ,e. ", lumunok ako bago nagpatuloy. "Ang pagiging reyna ay kasama na sa pagiging asawa ng hari. Magbibigay ng anak para sa susunod na tagapagmana pero sana naman inisip mo din ako bilang kaibigan. Dalawa pa tayo nagsimula ang salitang 'pag ako nag-asawa dapatt isa lang, at mahal namin ang isa't isa. Gusto mo bang matali sa isang Tao na walang pagmamahal sayo! "
" Lady kim, hindi sa ganun iyon! "
Suminghap siya bago lumapit sa Akin. Gustuhin ko kumawala sa mula sa kanya pero hawak na niya magkabila kung braso.
"Kaya ko ginawa iyon ay para..... ikaw ang mapili bilang bagong reyna at saka dahil ....."
"Bininini, Ginoo, nag aaway po ba kayo? "
Sabay kaming napatingin kaya Jinso. Agad kung naitulak ang prinsepe at nag-ayos ng damit. Lumapit ako kaya Jin so. "Hindi, nag uusap lang kami...ang ganda naman yan ", pang-iiba ko ng usapan. Kulay pula ang parol na hawak niya. Mag gagabi narin kaya may iba narin akong nakikita sa tulay naghahanda na.
"Opo, binibini. Sabay tayo magpalipad nito at humiling para po tayo magkapamilya. Para bou po tayo! Di ba ,Ginoo?"
Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa kaharap. Ang laki ng ngiti.
"Narinig mo iyon. Para na daw tayong boung pamilya! "
Plastik na ngiti ang ginawad ko sa kanya. Kung hindi lang nakatingin si Jin so sa amin inirapan ko na siya kanina pa.
Matapos na ilang minuto na pag -uusap namin. Kasalukuyan kami ngayon nakahawak sa parol na naghihintay nalang ng hudyat kung kailan na bibitiwan. May tatlong fireworks na ang una. Nag simula ng pumikt si Jin so at ganun din si Prinsepe Lee Ryong.
"Hinihiling ko po na sana magkasundo napo si Binibini at Ginoo at hindi na po sila mag-aaway... At sana po sila na po magkatuluyan habang buhay ",tuwang -tuwang sabi naman ni Jinso at parang kinikilig pa. Malaki naman ang ngiti ng prinsepe habang ako ay parang kakapusan na na hininga.
Bibitiw na sana ako sa parol pero may malamig na kamay ay nakapatong sa kanang kamay ko.
"Kamahalan! "
*dug *dug*dug
"Ang hiling ko po ay sana matupad ang mga hiling ni Jin so gaya ng ninanais niya! "
Pilit kung kinawala ang kamay ko mula sa pagkahawak niya pero masyadong mahigpit ang pagkahawak niya kaya nahihirapan akong mabawi kamay ko sa kanya. Bigla bumukas ang kanyang mga mata at taimtim akong tinitignan.
"Bitawan na natin...Isa... "
*dug*dug*dug
"Dalawa....... Tatlo...... Mahal kita..... ", sabi niya at sa akin nakatingin kasabay ng pagbitiw namin sa parol ang pagbitiw niya ng mga salitang iyon.
Parang humihina bawat Segundo namin habang inaantay makalipad ng tuluyan ng makalipad ang parol na nakaharang sa mukha namin.
"Kamahalan! ", bulong ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon mula sa kanya.
"Sabi ko Mahal kita... hindi bilang kaibigan kundi mahal kita... " hindi ako makaimik at parang naka sarado ang panga ko dahil hindi ko maigalaw. "Sa una nating pagkikita ay alam kung ikaw na ang kung binibining kasama ko habambuhay . Hindi ka maalis sa isip ko. Noon ay lumalabas ako ng palasyo para magliwaliw pero ngayon kasama kanya sa rason ko kung bakit gusto ko magliwaliw sa labas ng palasyo!"
Ano bang naisip niya at sinabi niyang mahal ako. Agad-agad, walang process? .Siya nga crush ko na siya noon pa, pero diko pa masabi kung mahal ko ba siya. Crush lang kasi, e. Paghanga lang.
Umiling ako. "Naguguguluhan ka lang,Kamahalan. Sabihin mong it's a Prank para maniwala ako! Sabihin mong ,oo naguguluhan lang ako.Pakiusap, kamahalan !"
"Oo! ",masigla niya aniya saka ako naka hinga ako ng maluwag ng sumang-ayon siya sa Akin. "Mahal kita! ", dagdag niya pa..
"Master Lee! "
Ayan tuloy! Napalakas ko na tuloy boses ko. Ano ba yan? Akala ko Pa naman....
*dug**dug**dug
Ngumiti siya kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Malakas ang t***k ng puso niya gaya ng nararamdaman ko ngayon. "Ganito din ang nararamdaman ko nung kitang nakita sa Palasyo."
Iyuyukom ko sana ang kamay ko pero mas lalo niyang diniin sa dibdib niya para diko maigalaw kamay ko.
"Nakakatawa mang sabihin pero ikaw lang ang unang binibining nagpatibok ng puso ko ng ganito ka lakas. "
"Yeheeyyyuu! Bati na sila.... "
Nagulat ako na biglang may pumalakpak, si Jinso. Sumisingkit na ang kanyang mga mata sa sobrang lawak ng ngiti niya. Hindi ko na inalintana ang mga nangyari ng makita ko siyang masya. May kung saya ang tuwa nararamdaman ko kaya napapangiti rin ako, napapawi lang ng mapatingin ako kay Prince Lee Ryong.
" Infatuation lang yan! ", sigaw ng aking utak kahit nabablangko na ako sa nangyayari .