Chapter 5
"Lahat ay magbibigay pugay sa Inang Reyna Dowager at sa Inang Reyna ngayon din ", si Lady hae bee.
Lahat kami nasa pavillion ay nag sin- tayuan at yumuko sa dalawang reynang dumating. Umupo sila sa harap namin saka kaming nga kandidata ay pinaupo na rin.
Nakangiti ang dalawang reyna sa aming lahat kaya todo ngiti din ang mga kasama kung sipsip.
"Ngayon, bago tayo magsimula sa ating Gawain ay isa -isa ko kayong pahintulutan na tumayo at magpakilala sa ating kamahalan.! "
"Ye, Lady Hae ! "
Gaya ng unang ensayo namin. Isa-isa na naman kaming nagpakilala ng mga pangalan namin at aming angkan kung saan kami galing. Nauna si Lady Shin, panglawa si Lady Areum nagpapakilala.
Nilibot ang ating tingin sa paligid para makita si Master Lee. Sabi naman niya kahapon na manood siya sa ensayo namin at enexpect ko yun. Bukod sa mga eunuch , ay mga court maids narin ang nakikita ko sa paligid hanggang sa ako na ang napapakilala.
Gaya ng ginagawa ng mga nauna sa akin ay pumunta sila sa harap at yumuko sa dalawang reyna.
"Magbibigay pugay sa mahal na prinsepe ", malakas sigaw ng isang eunuch.
Umangat ako ng tingin mula sa pagkayuko para makita ang prinsepe for the first time. Naka kulay blue siya ng sout na may dragon logo sa bandang dibdib at mag kabilang logo sa magkabilang baso. Kaso may nakatakip na panyo sa kanya mukha kaya diko siya makita.
Umupo siya sa tabi ng Inang reyna.
Ano 'ba yan? Pagkakataon ko na sana tong makita siya pero nakatakip naman mukha niya. Walangyang Master Lee na 'yun. Kung sinabi niya sana niya na mahilig magtakip ang prinsepe sa mukha para matanong ko kung bakit. Siguro pangit nga siya talaga kaya tinatakpan niya mukha niya. Nahiya siguro siya sa mga beauty namin. Dapat lang!
"Mahal na Prinsepe . Ba't naparito ka?. Hindi Pa tapos ang pagpili ng iyong Reyna ", wika ng reyna sa kanya.
Diko alam at bigla akong akaramdam ako ng awa sa Prinsepe dahil siguro ang reyna nag dedesisyon sa pagpili ng mapapangasawa niya kahit Hindi niya mahal. Kawawang Prinsepe, walang sariling love life.
"Gusto ko masaksihan kung sino sa mga binibining ito ang karapat-dapat na maging reyna ko ,kung papahintulutan niyo po ako sana akong makita kung anong mga kayang gawin ng ating nga binini ngayon at karapat-dapat ba sila mahing reyna katulad sayo ina! "
Rinig kung sagot ng prinsepe. Matamis na ngumiti ang reyna saka tumingin sa amin at ganun rin ang prinsepe. Nang magtama ang mata namin bigla ako nakaramdam ng kaba sa diko malamang dahilan. Mga mata niya at boses magkaparehas sila nung lalaking palaging kung nakikita kung nasaan ako.
Impossible? Officer in court lang si Master Lee hindi siya prinsepe.
Inaalalayan ako ng dalawang assistant ni Lady Hae patayo.
"Magpakilala ka na? ", bulong sa Akin lady hi kyu. Nag nod lang ako sa kanya.
"Ahmm! Magandang araw sa inyo kamahalan. Ako po si Kim Diala o mas kilalang Lady kim mula sa angkan ng mga Kim at Jong. At nag iisang anak ni Minestro Jong Un. "
Nagtinginan ang dalawang reyna si Queen Dowager at Mother Queen saka nagtanguan aa isa't -isa.
Yumuko ulit ako sa kanila saka bumalik na ako sa inuupuan ko kanina .Suminyas sila Lady hae sa ibang court maids at may nilalagay silang maliit na lamesa bawat isa sa amin. May salamin at anim na maliliit na mangkok na may lamang powder pero iba-iba ang kulay, papel De hapon at ink saka maliliit na brush.
"Ngayon ang una nating gagawin ay ipakita niyo sa amin kung pano niyo pagandahin ang inyong mga sarili gamit ang mga powder nayan. Magbibigay lang ako ng sampong minuto at ipresanto niyo sa harap kung ano ang ginamit niyong pampaganda. Pag narinig niyo ito tumunog, ibig sabihin ay lahat kayo ay hihinto na sa ginagawa ninyo. Maliwanang! "
Hawak ni Lady hae ang na clapping board na gagaminitin niya bilang timer .
"Ye, Lady Hae! ", sabay naming sagot.
Nag simula na ang mga kasama ko nag lagay ng mga powder sa mukha nila. Tinignan ko mga kasama ko busy na sila sa ginagawa nila. Umirap ako sa kawalan na mapunta ang mga tingin ko sa prinsepe na parang naniningkit ang mata niyang nakatingin sa akin kaya binawi ko ulit at pinag- toonan nalang ng pansin mga powder nasa harap ko.
Kinuha ko ang salaman tinitigan ko ang mukha ko at todo pacute ako doon. Light make up lang nilagay ni Boyoung sa akin kanina at para sa Akin ay gandang-ganda na ako sa make up na'to. The simplier the better ika nga diba. Saka diko rin alam gamitin ang mga powder na ito.
Wala ako ibang nagawa kundi naglagay nalang ng kunting powder sa pisngi para di ako mabagot kakatingin sa mga kasama ko. May kulay pink na powder na ginagamit ko ring pang blush on pero light lang ang pagkalagay ko. Saka brown powder n nilagay ko sa talukap ng mata ko. Gaya ng ginawa ni Boyoung sa Akin, inipit ko sa labi ang isang maliit na pulang papel na ng sisilbing kulay sa aking labi. Kinuha ko ang maliit na brush at nilagyan ng ink na nagsisilbing eye liner ko.
"Pak! Ganda! "
Halos lahat ng pose ko sa mukha ko ay ginawa ko sa harap ng salamin. Feeling ko talaga, lahat ng angulo ay bumabagay sa Akin ngayon. Nagulat ako ng bigla akong mapatingin sa paligid ko, ay nakatingin pala silang lahat sa Akin.
Mapakla akong ngumiti sa kanila at nag vow. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang nagmomodel. My gosh! Sayawan ko kaya sila ng t****k sa harap para maloka silang lahat.. Pero syempre, joke lang... Nasa nakaraan pala ako kung saan ang mga babae ay dapat umakto bilang babaeng mahinhin.
Pagkatapos ko, niliwaliw ko nalang sarili ko sa labas. May nakikita akong mga babaeng dumadaan na may dalang mga cardboard at binigay kaya Lady Jae geum.
"Ano na naman kaya ipagawa na ng mga 'to? Tssk! "
Naagaw ang atensyon ko na biglang tumunog ang hawak jninLady Hae na clapping .
"Kamay sa baba ", utos niya.Sinunod naman namin ang sinabi niya. Nakatingin lang ang mga kamahalan sa amin.
Napatingin ako sa mga kasama ko na di ko alam kung matatawa ako sa mga make up nila o sa reaksyon nila na parang maiiyak kasi di pa sila tapos. Napatingin naman ako Kay Lady Areum na kalma lang habang inaayos ang buhok. Light lang din ang nilagay niya na powder pero para sa Akin medyo makapal lang ang kulay na ginamit niya labi kaya nagmumukha siyang sopistikada.
"Lady Shin ah "
"Ye, my lady! "
Naunang tumayo ang pinaka una sa amin at sinalaysay niya ang ginamit niyang mga powder .Sumunod na man si Lady Areum.
"Ang ginamit ko na powder ay base sa aking pang-amoy ay gawa ito sa mint ang una kung ginamit sa mukha ,pangalawa ang dahon kabata na nilagay ko naman sa aking mata."
Ilang bese narin ako humikiab dahil sa antok. Pano ba kasi ang dami pang sinasabi si Lady Areum halatang nagpakitang gilas lang sa prinsepe.
"Magandang paliwanang iyan. Gusto kung subukan mo iyan sa Akin ,Lady Areum ,kung iyo'y mararapatin. Laging bukas ang aking silid para sayo! ",rinig kung sabi ng reyna.
Pinatong ko ang siko ko sa mesa at sinandal ang ulo. Nasa labas lang ang tingin ko dahil kung makikinig ako sa mga kasamahan ko mas lalo akong aantukin. Iniisip ko na ngarin kung pano ulit ako makatakos rito at mukha mahihirapan ako dahil ang daming mga court maids at eunuch na kasama ng prinsepe kanina ang naka palibot sa amin. Iba pa yung mga kawal sa labas.
Asan na kasi si Master Lee para naman maibsan antok ko pag nakita siya? Char! Landi!
Muli ako nag angat ng tingin nang magtama ang mata namin ni Lady hae na nanlilisik na nakatingin sa Akin kaya napayuko ako.Kung siguro wala lang ang mga kamahalan ay nginudngud na niya ako sa sahig pero syempre di niya magagawa sa Akin yun.
Nilaro ko nalang ang bracelet na bigay ni Boyoung sa Akin habang nag aantay ng tawag sa pangalan ko. Kahit matutumba na ako sa antok nilalabanin ko parin ito para marinig ko ang ating pangalan pag tatawagin nila.
Ilang minuto Pa ang lumipas na pag aantay na wala pa rin akong marinig na pangalan ko. Kaya kinusot ko making mata at tumingin si harap. Bigla akong nahiya kasi nakatingin si Queen Dowager sa Akin pero nakangiti parin.
"Panghuli, ikaw na Lady kim! "
Mabilis akong tumayo kaso naapakan ko dulo ng palda ko kaya bumagsak ako. Narinig kung naghagikhikan ang mga katabi ko at yung iba pang court maids na nakatingin sa Akin.
"Kamahalan/ Prinsepe !" ,sigaw ng mga ito.
"Ayos ka lang ba? ",napaangat ako ng tingin sa prinsepe na nasa harapan namin nakatayo at aambang lalapit sa Akin pero tinawag siya ng reyna.
"Opo, mahal na prinsepe. Ayos lang po ako at hindi napo mauulit! "
Parang gusto kung himatayin sa katangahan ko. Buti nalang makapal tong palda at hindi ganon kasakit ang pagtama ng tuhod ko sa sahod.
"Sinadya niya iyon para mapansin siya sa prinsepe, parang di babae! ", bulong ko sa likod ko. Katabi siya ni Lady Areum na diko matandaan ang pangalan niya. Nakatingin lang si Lady Areum sa Akin na parang wala siyang paki sa nangyayari at kalma parin.
Kung sabunutan ko kaya yung babaeng nagsabi sakin 'nun para matauhan siyang loka-loka siya. Kung pag papansin lang pala ang pag-uusapan ay hindi ko na kailangan saktan ang sarili kung pwede ko naman kindatan with flying kiss ang kamahalan. Basic!
Pero dapat cool lang 'tayo!
Pag-angat ko, gulat sila ng bigla akong nag peace sign ako sa harap nang Prinsepe.Malakas bumuntong hininga ang prinsepe bago bumalik sa pinag -uupuan niya. Suminyas siya kina Lady hae kaya tumango din lady hae sa akin bilang pag simula.
Lumuhod ulit ako sa harapan nila at nag vow gaya ng ginagawa ng iba bilang paggalang.
Naalala ko ang sinabi ni boyoung sa Akin bago ako napunta rito sa Pabillion. Gaya ng kolorete na ito ay katulad ito sa ginagamit ni Boyoung sa Akin knina.
Flashback ****
"Saan gawa ang mga iyan boyoung? "
Tanong ko sa kanya habang nilalagyan niya ng pampaganda ang aking mukha.
"Ito ay gawa sa malagkit na bigas na hinaloan ng pinong mongo saka hinaluan ng tubig para mas lalo siyang didikit sa iyong mukha at binilad ito ng tatlong araw saka ilipat sa tamang lalagayan. Ang mga powder na ito ay nakakatulong magpakintab ng balat at makaiwas pawis sa mukha. '
"Ahhh! Pero ba't iba-iba ang kulay nila? "
"Para may pipilian ka kung ano ang gagamitin mo o gusto mong ilagay sa iyong mukha. Lahat tayo ay may kanya kanyang gusto kung anong kulay ang ang gusto natin.Kaya yun ang rason kung bakit maraming kulay pero isa lang pinanggalingan nilang produkto. "
End of flasback
"Hindi ko masasabing tama ako pero sa pag kakaalam ko , ang powder na ginagamit ko ay mula sa malagkit na bigas at pinong-pino na monngo. Bago ito ginawang powder ay hinaluan ito ng tubig para mas lalong didikit sa ating mukha at nakakatulong rin ito magpakintab ng balat at pamamawis sa mukha. Maraming kulay ang nakalagay sa bawat mangkok pero nakakasiguro akong iisa lang ang mga pinagmulan ng mga ito! "
Masaya kung sabi. Feeling ko bumabalik ako sa senior high at nag dedefense ng research namin. Napasinghap lahat ng mga mga taong nanonood sa amin at kahit si Queen Dowager ay napatanto narin habang palipat -lipat ang tingin kay Mother Queen at sa prinsepe.
"Kung ganon. Sa inyong walo bukod kaya Lady Areum ay halatang kunti lang ang nilagay mong kolerete at bakit? "
Jusko naman tong si Mother queen. para talaga siyang teacher ko sa research makatanong sa akin parang gusto niya akong makitang iihi sa damit ko. Nakakablangko .Ninipisan ko na nga para di nila ako mapansin at pag nabagsak ako sa gawain na'to ay matatapos na paghihirap ko.
"Kasi po naniniwala ako sa sarili ko na pinanganak na akong maganda !", wait! What? My god. Ano batong sinasabi ko. "Kung kailangan man maglagay pa ng kolerete sa mukha ko ay yung simple lang para lang pandagdag sa ganda. Mas simple ,mas maganda. Kasi nainiwala po ako sa kasabihan na ang tunay na kagandahan ay hindi makikita sa labas na anyo kundi nasa kalooban ng isang Tao at naniniwala po ako na kung sino man ang hindi nagagandahan sa Akin ay problema na nila iyan. Salamat! "
Gusto ko ng umupo. Gusto kung magpalamon ng lupa sa sobrang hiya. Jusko! Bahala na si Batman, palayasin man ako ngayon ,okay lang. Basta sinagot ko lang ang tanong nila.
Sabi na nga ba, e. Pag question and answer lang ang pag-uusapan, gagala na lang ako, e. Ganda lang talaga meron ako, slight lang sa utak. Haysss!
Nagulat ako na biglang pumalakpak si Queen Dowager at maingpit na tumawa kahit wala naman nakakatawa at kahit si Mother Queem ay hindi niya alam kung anong gagawin niya.
"Magandang sagot, Lady kim. Base sa iyong mga binitawan na salita ay may malabot lang puso at matapang na personalidad. Nakakatuwa na isipin na iyan ay isa mga hinahanap naming katangian bilang isang reyna ! "
Biglang nanlaki ang mata hindi sa gulat kung hindi sa sinabi ni Queen Dowager. Natuwa Pa talaga siya sa sasagot ko.
Hindi maari dapat gagawa ako ng paraan para di nila ako mapili.
"Maraming salamat ,Queen Dowager. Boung puso ko po tatangapin ang papuri na mismo inyo nangaling. !"
Pagkataoos niyang tumango ay bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Tumingin ako sa mga reyna na parang may pinag uusapan sila sa isa't isa at sa Prinsepe ,na bigla nalang tumaas ang kilay niya sa Akin.
Bakit parang may galit 'tong prinsepe sa Akin? Takot yata siya ako mapiling asawa niya. Asa!
"Tssk! ",bulong ko. As if naman talaga niya gusto ko maging reyna.
No, over my sexy body. Hindi ko siya papatulan.
"Ngayon na naman ay dumako ulit tayo sa ating pangalawang gawain. !", wika ni Lady Hae at suminyas kina Lady Kyu at Lady Jae . At si Lady Jae naman ay inuutusan na ang mga courts maids n mag distribute ng mga white board at ink.
'Magbibigay ako sainyo ng tanong. Ang taong na ito ay mula sa ating mahal na prinsepe .Kaya kung inyong mararapatin ,sana boung puso niyo itong sasagutin. Gaya ng nauna, pag narinig niyo ito dapat nasa baba na ang lahat ng kamay.I roroll niyo pag natapos kayo magsagot. Maliwanag! "
"Ye, lady Hae! "
Simple akong napakamot sa babang uluhan ko kasi naiirita ako na ako sa kaka, Ye, lady, yeh, lady hae namin. Paulit -ulit nalang. Di yata uso dito sa kanila dito na 'silence means yes!'.
"Pakingan niyo ng maigi ang tanong ito dahil hindi ko na ito uulitin pa. Ang tanong : kung kayo ang pagpipilian sa mabuti o tama. Saan sa dalawa ang gusto niyong piliin at bakit? "
Nagsimula na ang ibang kandidata nag sulat. Angg iba Pa ay nag iisip pa ng isasagot nila. Tinitigan ko lang ang kulay puting tarpaulin at ang ink sa tabi nito.
Ano kaya maganda idrawing ko rito? Dinosaur or Dragon? Ano kaya?
Ganito ang taong sa Akin ni Master Lee rin, e. Wala na bang ibang maisip ng tanong Yang prinsepe nayan maliban sa pagpili ng tama at mali. Hayss! Nakakatamad magsagot.
Napangiti ako naman maalala ang balak kung gawin. Ito ang huling gagawin namin na Gawain ngayon kaya mabuti hindi ko nalang siguro sagutan ang papel bagkos niyupi ko ng kaunti ang papel para di nila makita ang isinulat ko. Pangalan ko lang nilagay sa boung papel at nag busy-busy para di nila mahalata ang ginawa ko.
Ilang minuto a ay tumunog na ang clapping ni Lady hae kaya kanya kanya kami ng roll ng mga papel namin. At dalawa sila ni Lady Hi kyu at Lady Jae guem nag kolekta ng mga papel saka magalang nilang nilagay sa mesa sa harap ng mga kamahalan.
'Nanlaki ang mata ko dahil diko akalin na ang mga reyna magbasa ng mga sagot namin. Akala ko si Lady hae ang magbasa at di bali naka dismiss na kami.
"Esshhh! "
Masuyo ako napapikit sa sobrang inis hangang sa marealizekung bakit ako naiinis sa sarili ko. Di ba yun naman ang gusto ko ang hindi magsagot sa tanong para automatic lenguak ako sa kompetisyong ito.
Dahan-dahan akong tumingin sa harapan. Kasalukuyan nagbabasa ngayon ang prinsepe at ang dalawang reyna sa mga sagot namin. Patay talaga ako nito?
Nagpakawala ako ng mabigat na hininiga saka pilit pinapakalma ang sarili. Nginitian ko lang ang mga katabi ko na nakatingin sa Akin saka tumingin sa paligid. Bahala na talaga si Batman.
"Uhmm! May punto rin ito. Queen Dongi. Ano sa tingin mo?", rinig kung sabi ni Queen Dowager. Hindi na ulit ako tumingin sa kanila dahil ngayon palang kinakabahan na ako sa magiging kinahihitnan ko.
'Lady Kim Diala! "
"Patay! ",maingpit kung bulong. Dahan -dahan akong tumingin sa kaila. Hawak ni mother Queen ang papel ko.
"Ye, kamahalan! " halos mapunit na aking labi sa laki ng ngiti ko.
"Bakit wala kang ang sagot? "
Patay!
"Ahh-ano po kasi ahh.. ---"
Hindi na maipinta ang mukha ko sa hiya dahil lahat mata ay nasa Akin na. Lagi nalang taga ako na e-'instant celebrity dito dahil sa katangahan ko.
Ano bang sasabihin ko? Na ayokong maging parte ng paghahanap nila o maging palace women. Masaya na ako sa buhay ko sa labas ng palasyo basta nakakagala ako. Okay na ako dun!
"Ahmm--ano po kasi ahmm-----"
"Hindi na kailangan ipakita sagot niya dahil ako mismo ang nakarinig na. "
Nagulat ako na biglang magsalita ang prinsepe. Narinig niya? Ang Ano?
Echos to! Pano niya malalaman ,e ngayon ko lang naman siya nakita. Si master lee lang naman ay ---wait di kaya niya sinabi sa prinsepe nato ang sagot ko. Mamaya ka sa Akin Lee pag nakita kita, babalatan kita ng buhay.
"Prinsepe /prinsepe !", sabay tawag ng reyna sa kanya.
"Ahmmn! Kung ako papipiliin sa mabuti o tama, syempre doon ako sa mabuti. Sa mundo natin, lahat ng Tao ay pwede maging tama mula sa karunungan, sa gawa pero hindi lahat ng Tao ay kaya maging mabuti na bukal sa puso. Kaya pinili ko ang mabuti kasi kahit anong pagsubok na darating sayo pag ang kabutihan na mula sa puso ang mangingibaw sayo .Ikaw parin ang panalo. Ito sagot na'to ay galing sayo mismo, Binibining kim! "
Nanlaki ang mata dahil alam niya ang sinagot ko kaya Ginoong Lee sa bundok.
Muli bumabalik sa isip ko yung tanong na iyon.
Flashback
"May itatanong pala ako sayo at sana masagot mo? "
"Okay! Buti nalang bored ako masabayan ko trip mo?Saka pambawi narin sa kurot ko. Sige ,magtanong ka lang ?", sabi ko sa kanya.
"Kung pag pipiliin kasa sa mabuti o tama. Anong pipiliin mo sa dalawa? "
Napaismid ako sa tanong niya. Anong klaseng tanong 'to? Kung pag pipiliin ako, syempre siya. Matik nayan.
"Ikaw !"
"Huh! Ako! ", turo sa sarili niya. Ang hina naman niyo. Alangan naman ako.
"Sabi ko, Ikaw . Ano sagot mo tanong mo? ", balik tanong. My gosh! Di ako inform na may question answer portion sa era nato.
"Eh! Ako nagtatanong kaya ikaw sumagot? "
Niyakap ko ang tuhod ko doon pinatong ang ulo bago sumagot.
"Ahmmn! Kung ako papipiliin sa mabuti o tama, syempre doon ako sa mabuti. Sa mundo natin, lahat ng Tao ay pwede maging tama mula sa karunungan, sa gawa pero hindi lahat ng Tao ay kaya maging mabuti na bukal sa puso. Kaya pinili ko ang mabuti kasi kahit anong pagsubok na darating sayo pag ang kabutihan na mula sa puso ang mangingibaw sayo .Ikaw parin ang panalo. And that's it! "
Nang tumingin ako sa kanya makikita ko sa mukha niya ang pagkamangha.
"Ang swerte ng hari pag ikaw maging reyna niya .Nasa kanya ang karunungan naka agapay sa pag upo niya bilang hari. "
"Tsss! As if gusto ko maging reyna "
End of flashback****-
"Hindi totoo yan! ", mabilis kung sagot at tumayo. Napasinghap ang lahat sa inasta ko sa prinsepe.
How Dare him !Hindi ba niya ramdam na ayokong makilahok sa presentasyon ngayon.Di ba dapat matuwa Pa siya na hindi madagdag ng hirap ang pili nila ng reyna.
"Paumanhin, kamahalan pero ngayon lang kita nakita , bukod sa kaibigan ko siya lang ang binigyan kung sagot ng yan! "
"Lady kim, lapastangan ang ginagawa mo ", si Lady hae. Nagtaas lang ng kamay ang Prinsepe kaya tumahimik sila .
Palipat -lipat ang mata nila sa Akin at sa prinsepe .Wala akong paki kung pagsabihan nila ako ng walang modo dahil sa inasta ko ngayon pero di ako papayag na sirain ng isang prinsepe ang Plano ko.
"Eh kung ganon! Oras na yata ngayon para makilala mo ako. "
Dahan-dahan siyang tumayo at hinawakan ang dulobng panyo nakatali sa may tenga niya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyo sa mukha .Bawat galaw niya ay parang nag e slow-mo ang paligid. Naghahalong kaba ang aking naramdaman ngayon. Pagkatangal niya, nanlaki ang mata ko.
Hindi!Hindi!. Namamalikmata lang ako. Impossible ?
"Master Lee! "
Hindi ako makapaniwala na siya ang kausap ko ngayon. Ang prinsepe ay ang palagi kung nakakatagpo sa tuwing tumatakas ako. Napailing ako ng isang beses dahil hindi ko parin matangap ang katotohan na siya ang hinihintay kung lalaki kanina Pa.
"Hindi, hindi! "
"Ako si Lee Ryong ang Crown prinsepe ng Joseon na palaging mong nakakatagpo sa labas ng palasyo gamit ang pangalan na Master Lee"
Flashback**----
"Nga pala, ba't iba ang iyong kasoutan kumpara sa ibang kawal! "
Tinitignan ko siya lalo na ang kanyang kasoutan. Iba sa mga kawal na nakikita ko sa palasyo. Parang pang-ginoo na, e.
"Ahh, basta . Isa ako sa may mataas na katungkulan sa palasyo... Kaya bukas ,kung hindi ka liliban sa ensayo niyo ay malalaman mo kung sino ako! "
Ay pa suspense! Pwede naman ngayon na? Basta siguraduhin niya lang na gwapo parin siya bukas.
"Nga pala nakikita mo ba ang Crown Prince. Ano itsura niya? Pogi ba? Macho? Bata pa?Yummy----"
"Op---opsss! Dahan-dahan lang sa pagtatanong, Binibini. Saka bakit ganyang ang iyong mga tanong? "
"Para inspired akong makilahok bukas... Ibig ko sabihin para gaganahan ako sumali . Kung kasing gwapo mo siya para inspired ba. Basta ganun! "
Kung may pinakalamandi na sigurong binibini sa Panahon na'to sa Akin na siguro mapupunta ang award.
Lumunok muna siya bago tumingin ulit siya sa malayo. Maya Pa ay bigla akong nagulat na hinarap niya ako.
*dug*dug*dug
"Tingnan mo'ko? "
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Tinignan ko rin siya mata. "Anong nakikita mo sa Akin? "
"Ahmm! May hitsura ka. Maganda ang kutis , makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi ,mapupungay ang iyong ,pilik-mata, -----"
Lahat na yatang adjectives ay babangitin ko na sana sa kanya pero bigla siyang nagsalita.
"Kung anong nakikita mo sa akin, ganun rin ang itsura ng Prinsepe! "
"Ahhh! "
Bigla kung nilapit ang mukha ko sa kanya na ikinagulat niya. Tinitigan ko siya sa mata, sa ilong at sa labi. Napangiti ako ng biglang taas- baba kanyang Adams apple .
Napapatitig ako ng matagal sa labi niya hanggang sa mata ulit saka ko kinurot ang pisngi niya.
"Aray! "
Napabitaw siya magkabilang braso ko.
"Hahahahahaha! "
Hawak niya ang magkabilang pisngi niya na namumula ngayon.
Echos 'to. Alam ko namang gwapo siya pero hindi niya ako maloloko. Gusto niya lang siguro ako makilahok sa ensayo bukas para makita ko siya.
Eyyyy! Mga galawan ng nga lalaki talaga!
"At sa tingin mo naman mauuto mo ako, ah. Oo alam kung gwapo ka at....", napahinto ako na marealize kung, pano kung tama siya. Siya talaga palasyo kaya alam niya hitsura ng prinsepe kesa Akin. Kahit anino lang yata ng Prinsepe ay hindi ko Pa nakita.
End of Flashback**---
"Ngayon ,dahil andito narin ako sa harap ng mga kandidata. Hindi na ako magligoy-ligoy pa. Alam kung hindi pa tapos ang paghahanap ng reyna pero ako ma mismo ang pipili ng maging reyna ko at sa tingin ko nahanap ko na siya. Sa makalawang araw, kung sino ang binibining makakatangap ng kautusan mula sa palasyo at palanquin na magdadala sa kanya rito ay siya ang napili ko at nakikitaan ko ng personalidad bilang aking asawa at reyna! "
Maotoridad niyang sabi at umalis. Sinundan agad ng mga eunuch at ibang servant niya.
Unti-unting may namomoung luha sa aking mata na nagpapadilim ng making mata.
"Lady kim/ ashi! " huling narinig ko bago tuluyang kunin ng dilim ang boung paningin ko.