Napamura s'ya ng magtungo sa kusina para uminom ng tubig. Nakita n'yang may nakahaing pagkain sa mesa. Umigting ang panga n'ya at mariing napapikit ng mga mata. Minasahe ang sintido na tila biglang nanakit. Binuksan n'ya ang nakatakip na pagkain sa mesa, pagkatapos. Nakita n'yang wala pang bawas ang pagkain roon, naka handa pa rin ang dalawang plato, marahil para sa kanya at kay Megan. "s**t!" Mura n'ya muli. Hindi pa naghahapunan ang asawa n'ya. Baka nga nagtungo ito sa ibaba para hanapin s'ya, nagkataon naman ang pagkikita nito at ni Madame. At binastos ang asawa n'ya ng dayuhan na 'yon. "Damn it!" Mura n'ya, at napasuntok pa sa mesa sa inis na nararamdaman sa sarili. Kinapa ang cellphone sa bulsa sa tinawagan ang head security. Pinagbilinan n'ya ang mga ito na paalisin na sa hotel a

