"Megan?" Hindi makapaniwalang sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng mapalingon, malapit sa entrace ng bar. Nakita n'yang tila may kumosyon sa pagitan ng tatlong tao roon. Dalawang babae at isang lalaking dayuan. Agad n'yang nakilala ang asawa. Lumalim ang kunot sa noo n'ya ng makitang hawak ng lalaking dayuan sa braso ang asawa n'ya. "Damn it!" Mariing mura n'ya. Binaba ang hawak na baso sa bar. Muntik pang mabasag 'yon sa malakas na pagbaba n'ya. Mabilis at galit s'yang lumakad palapit sa tatlo. Hindi n'ya gustong may ibang humahawak sa asawa n'ya. "Bitiwan mo ko," narinig n'yang sabi ng asawa habang nagpupumiglas sa lalaking nagpupumilit na makalapit sa asawa n'ya. Lalong sumiklab ang galit n'ya. Mabibilis ang hakbang at ng makalapit, buong lakas n'yang hinila sa balikat ang dayuang

