Hindi pwedeng matapos ang gabi na ito na hindi n'ya makakaharap si Laura. Wala namang duda na ito ang may gawa sa pambabastos sa kanya, para masira ang party. Alam nitong ginawa n'ya lahat para mapaganda at hindi pumalpak ang event. Kaya naman s'ya ang pinuntirya nito. At hindi s'ya papayag na ganun-ganon lang matatakasan ng higad na 'yon ang ginawa nito sa kanya. Alam n'yang sinabi na ni Zayn na hayaan na ang mga tauhan ng Papa nito ang bahalang mag imbestiga at magpataw ng dapat na kabayaran sa panggugulo ng mga ito. May sarili s'yang kabayaran na nais maipataw muna kay Laura, dahil natitiyak n'yang ito na ang huling beses na magkikita sila ng higad na babaing 'yon. Nagtagal sila ng asawa sa gitna para magsayaw. Hanggang sa dumami ang nagsasayaw kasama nila. Mukhang nag e-enjoy na ang

