Matapos ang successful na anniversarry ng hotel muli silang naging busy mag-asawa sa trabaho. Marami kasing mga investor ang nais mag invest sa hotel. Nag meeting na rin ang mga board member sa pagpaplanong magpatayo ng Sullivan Hotel sa karatig bayan, ang San Ignacio. At pag nangyari 'yon lalong magiging busy si Zayn sa trabaho nito, ganoon pa man lagi s'yang nasa tabi ng asawa para suportahan ito. At hindi naman sila nawawalan ng oras sa isat-isa, lalo na kay Zaiden. Na mamanage naman nila ang oras nila sa trabaho at pamilya. Sabado wala s'yang trabaho at ang asawa, kaya naman niyaya n'ya itong magtungo muna sila sa bahay ng mga magulang n'ya, at doon muna mag stay, kahit isang gabi lang. Natapos na rin naman ang pagpapa re-renovate sa buong kabahayan. Nagtatalon pa s'ya sa tuwa nang

