Kinabukasan naghanda s'ya ng masarap na almusal para sa kanila ng asawa. Hindi naman n'ya maiwasang mapangiti sa ala-ala ng ginawan nila ni Zayn kagabi sa kusina. Matapos kasi nilang magkaayos mag-asawa ay nasundan ng pagtatalik sa may sala. Matapos naman nilang magtalik sa bawat sofa na naroon sa sala at matapos nilang magpakasawa sa isat-isa, nakaramdam sila ng gutom mag-asawa, kaya naman tinapos pa n'ya ang niluluto sa kusina, tinulungan naman s'ya ni Zayn sa pagluluto. Pagkatapos kumain, nagkaroon na naman sila ng lakas mag-asawa, kaya sa bawat sulok ng kusina ay ginamit nila sa pagtatalik. Dahil na rin sa kapwa sila naubusan ng lakas, hindi na nila nagawang iligpit ang kalat nila sa kusina. Maaga s'yang gumising para sana ayusin ang sala at kusina, 'yun nga lang naunahan pa rin s'ya n

