"Zayn, bakit tayo dito pumunta?" Tanong n'ya sa asawa ng pumasok ang sinasakyan nila sa subdivision ng kanilang bahay. Nilingon n'ya ang asawa sa driver seat. Sinulyapan naman s'ya nito at ngumiti, saka muling binalik sa kalsada ang tingin. "Andito ang surprise ko sa iyo," sagot nito. "Suprise?" "You'll see sweetheart," sagot nito at inabot ang kamay n'ya. Hindi naman n'ya maiwasan ang kabahan, dahil baka magkagulo na naman once na magkita ang asawa at si Aldrich. Lalo na't guilty s'ya sa part na sinubukang tawagan si Aldrich kanina. Huwag naman sanang tungkol sa bagay na 'yon ang tinungo nilang mag-asawa. Maayos na sila, masaya at wala ng problema pa. Kumakabog ang dibdib n'ya ng mapatapat sa gate ng mga Gonzales, pero nagtuloy sila sa bahay ng mga magulang n'ya. Kumunot ang noo ng m

