Ayradel's Side Tinulak-tulak ko siya papunta sa room niya. Binuksan niya naman ito, kaya naman pumungay ang mata niya at ngumuso pa para magpacute, habang ang kalahati ng katawan ay nasa loob na ng kwarto niya. "Pasok na!" dinuro ko pa yung pintuan niyang nakaawang. Hawak niya yung braso ko. "Ayra..." Pinigilan kong mapangiti. "Hindi pwede! Hindi pa nga alam nila besty e! Tss!" "Edi ipapaalam ko ngayon!" "Ano?! Hindi pwede!" malalagot ako nito kay besty kapag nagkataon! Ako na mismo ang magsasabi. "Sige na nga..." sabi niya at malumbay na tumungo. "Si Luisa o!" Nataranta ako nang bigla niyang tinuro yung likuran ko, at hindi ko na lang namalayan ang paghila niya sa akin papasok sa kwarto niya. Habol ang hiningang napasandal ako sa pintuan, habang siya ay nakangising ikinukulong

